Napagdesisyunan ko na ring sumama kay Lanz ng bumalik siya sa sementeryo para balikan ang naiwang cellphone niya.
Kasalukuyan akong nakaupo dito sa likod ng kotse habang pinagmamasdan si Jeanell sa harapan habang hinaharot si Lanz na nagda-drive.
Hindi ko alam mararamdaman ko nung malamang kong sila na. Babalik ba ako ng sementeryo, hahawakan si Jeanell para mamatay o ako ang magpapatiwakal, ay patay na pala ako. Pero kahit sila na ay masaya pa rin ako dahil may makakasama na si Lanz kung sakaling matapos ko na ang misyon ko dito at kung sakaling iwan ko siya kung ako'y mare-reincarnate na. May konting selos pero lamang ang saya na nararamdaman ko sa kanila dahil nahanap na nila ang totoong mga kapares nila.
Papunta kami ngayon sa terminal ng bus dahil ihahatid namin doon si Jeanell para makauwi siya ng Maynila hanggang may araw pa.
Si Lanz naman ay maiiwan na dito sa Bataan, doon sa bahay nila hangga't hindi pa naman siya nakakahanap ng malilipatang dorm doon sa Maynila.
Makalipas lang ang kalahating oras ay nandito na kami sa terminal ng bus. Umupo muna ako sa waiting shed habang pinagmamasdan sila Lanz at Jeanell habang sweet na sweet sa isa't isa. Akala mo ay yung mga nasa teleseryeng iiwanan ng babae si lalaki dahil magtatrabaho ito sa ibang bansa hehe. Mga ilang minuto pa sila nagtagal magpaalamanan at napuno na nga ang bus kaya lalarga na ito. Nang pasakay na si Jeanell ay hinalikan siya ni Lanz sa noo bilang paalam at tsaka tumalikod na sa isa't isa. Tumayo na rin ako dahil papunta na si Lanz sa sasakyan niya.
Sumakay na ako sa tabi ni Lanz. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya ng makita si Jeanell at ayaw kong masira at makagulo sa kanila, kumbaga parang taga-hanga lang ako ng loveteam nila.
Pag-uwi namin sa bahay nila ay napahampas si Lanz sa manibela niya ng may nakitang kotse sa harap ng bahay nila at marami ditong naka asul na bodyguards.
Galit na galit at nagmamadaling bumaba si Lanz sa kotse, pumasok na siya agad sa bahay nila at hindi na ako inantay pang makalabas ng kotse. Dahil sa gulat ay tumagos nalang ako sa pinto ng kotse at hindi na binuksan ang pinto dahil nagmadali rin akong sundan si Lanz.
Nang makapasok na kami sa bahay nila ay napaatras pa ako ng makita kong galit na galit na sinisigawan ni Lanz ang medyo nasa 50+ na lalaki, nakabarong ito at napaka-formal ng suot. Parang kilala ko na siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Napakagaan ng loob ko sa lalaking sinisigawan ni Lanz.
"BAKIT KA NANDITO HA?! LUMAYAS KA DITO! SIMULA NUNG INABANDONA MO NA KAMI NI MOMMY AY WALA KA NG KARAPATAN PANG TUMUNGTONG SA PAMAMAHAY NA ITO! HUWAG MONG MAGAMIT GAMIT SA AMIN ANG PAGIGING MAYOR MO DAHIL HINDI KAMI NASISILAW DIYAN! UMALIS KA BAGO PA MAGDILIM ANG PANINGIN KO!!!" galit na galit na sigaw ni Lanz sa Daddy niya. Siya yung Daddy niya na Mayor na minsan ng naikwento ni Bhrent ngunit nagalit ito ng mabanggit ang pangalan ng Daddy niya. "Nurse Trixie pakipasok muna sa loob ng kwarto niya si Mommy." natataranta namang itinulak ng nurse ang wheel chair ng Mommy niya na umiiyak na.
"Anak." mahinahong lumapit sa kanya ang Daddy niya pero itinulak niya ito.
"Huwag mo akong matawag-tawag na anak! dahil unang una sa lahat wala akong Ama na saksakan ng kahayupan! UMALIS KA DITO! O BAKA GUSTO MONG GAMITIN KO ANG MGA BARIL NG BODYGUARDS MO SA LABAS PARA PAPUTUKIN 'YANG ULO MO!" hindi na umimik ang Mayor at parang napahiya itong umalis.
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
RomansaGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...