09

31 11 0
                                    

Lanz Point of View

Tinatanong ko yung mga kasama ni Glezer na mag-ina kung anong nangyari kung bakit bigla nalang nawalan ng malay si Glezer kagaya ng mga naunang nangyari dito. Kinuwento naman ang lahat ng buong nangyari ni Mrs. Cecille—kaluluwang kasama ni Glezer nung di pa ito nahihimatay.

Nalulungkot ako dahil sa mga nangyayari sakanya. Alam kong iniisip niya na siya ang may kasalanan sa pagkasunog ng dorm ko sa Maynila.

“L-lanz... N-nandito k-ka...” nabigla ako sa narinig kong tinig kaya napalingon ako kay Glezer na nakahiga ngayon sa damuhan habang ang ulo niya ay inu-unan ang hita ko.

Paglingon ko sa kanya ay para siyang batang hinang hinang nakatingin din sa akin kaya naman nagtama ang mga mata naming dalawa. Parang huminto ang ikot ng mundo at bumagal ang pag-andar ng orasan habang nakatingin ako sa mga mata niya. Sinipat ko pa siya, bakas sa mukha niya ang pagkahina, lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maalala ko ang mukha niya ngayon ay hindi nalalayo sa mukha niya noon. Kumbaga musmos na may malalim na iniisip pero wala pang alam sa mundong kanyang ginagalawan.

Kasabay ng katahimikan sa paligid ay siya namang lakas ng tibok ng puso ko tila galing sa karera.

'Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya?'

Bumabalik lahat ng masasakit na ala-ala na nangyari noon kapag nakikita ko ang mga mata niya.

Bumalik ako sa wisyo ng nagulat ako dahil bigla nalang siyang parang hayop na naging mailap nung makita niyang nakahiga siya sa hita ko. Takot na takot siyang tumayo at lumayo sa akin at hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at bakit takot na takot siya sa akin.

'May nagawa ba akong mali?'

Takot siyang lumapit sa mag-inang kasama niya kanina bago siya mawalan ng malay. Gusto ko sana siyang lapitan pero bakas sa mukha ni Glezer ang takot.

“So much scary naman dito!!!” nawala ang atensyon ko kay Glezer ng marinig ko ang boses ni Jeanell sa likuran ko kaya nilingon ko siya.

“Bakit ka pa lumabas ng kotse? Sabi ko doon ka lang eh.” tanong ko kay Jeanell.

Nakakabagot kasi dun sa kotse eh. Ako lang mag-isa. Baka mamaya may multo or something doon.” sagot naman nito.

Hindi ko p'wedeng ipaalam sa kanya ang kakaibang kakayahan kong makakita ng kaluluwa dahil baka matakot siya at 'yun pa ang dahilan para layuan niya ako. Ngayon pa bang sinagot ko na siya at kami na?

Kahit ako ang sumagot sa kanya ay kahit papaano ay crush ko na siya noong mga bata pa kami ngunit di ko lang pinapaalam sa kanya dahil hindi pa ako sigurado kung mahal niya ba talaga ako o gusto lang. Ayaw ko kasi ng magjojowa ako tapos hindi ko rin naman aasawahin. Ayaw ko ng magaya sa papa ko.

“Sige na doon ka muna, susunod na ako. May titirikan lang akong kandila na kaibigan ko.” hindi naman sa pagtataboy pero ayaw ko talagang makita niya na mag-isa akong nagsasalita dito, baka pagkamalan niya pa akong baliw.

“Pero... Aantayin nalang ki---” hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng magsalita agad ako.

“Sandali lang ako.” ani ko.

“Okay.” malungkot siyang tumango at nakayukong nagtungo kung saan namin pinarada ang dala kong kotse. Nang alam kong ligtas na siyang nakapasok sa kotse ay agad kong ipinukol ang paningin ko kay Glezer na siyang sinadya ko talaga dito.

Kakalabas lang kasi namin ng hospital ni Jeanell nung isang araw at mabuti nalang ay walang komplikasyon ang nangyari sa amin ng makasinghot kami ng usok mula sa sunog.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon