(Play 'MAPA by: SB19' while reading the Chapter 13)
Glezer's Point of ViewDalawang araw ko ding hindi nakita miski ang anino ni Lanz dito sa bahay nila. Tambay lang ako sa kwarto niya habang nakahiga lang. Ayaw kong humawak o gumalaw ng mga ilang gamit niya dahil baka pagmulan nanaman ito ng disgrasya.
Alam kong ngayon na uuwi si Lanz galing sa hospital dahil narinig ko kanina ang Mommy Lacey ni Lanz. Alam kong masyadong magiging malungkot si Lanz kapag nadatnan niya ang Papa niya na isa ng malamig na bangkay at nakahimlay na sa kabaong.
Napakaraming bisita ang narito ngayon sa bahay nila Lanz dahil dito binurol ang Papa nito at dahil na rin sa kasalukuyang Alkalde ng bayan ng Orani, Bataan si Mayor Laurenze ay talagang dinagsa ang kanyang burol ng daan-daang mga taga suporta nito.
Gusto ng mga tao na sa harap ng City Hall iburol ang kasalukuyang Alkalde ngunit tumutol agad ang asawa nito dahil mahina na siya at di na nakakalakad kaya dito na inilagak ang kabaong sa labas ng bahay nila.
Napahinto sa pag-aasikaso si Ate Lacey ng biglang dumating si Jeanell na umiiyak. Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga tao ng makita si Jeanell na humahangos at humahagulgol ng iyak. Sinisisi nila si Jeanell na dahilan kung bakit namatay ang Alkalde.
Alam ko na ang buong pangyayari dahil naging usap-usapan ang nangyari kila Lanz nung time na nangyari ang aksidente at kumpirmadong si Jeanell nga daw ang may kasalanan.
Hindi ko alam kung galit ba o masaya ba si Ate Lacey na makita ang girlfriend niya dahil walang emosyon ang pinapakita nito sa kanyang mukha, tanging seryoso ang mga titig nito kay Jeanell.
Pinagmamasdan ko lang silang dalawa habang sinenyasan na ni Ate Lacey na sumunod si Jeanell sa kwarto nito. Ramdam ko naman na may pag-uusapan sila pero hindi ko alam kung tungkol ito sa aksidente. Mabilis na nagpaandar ng wheelchair si Ate Lacey gamit ang kamay niya na pinapagulong ang gulong nito. Kita naman sa mga mata ni Jeanell ang kaba dahil sa biglaang pag-aya sa kanyang makipag-usap.
Mahigit kalahating oras ang lumipas ng unang lumabas sa kwarto niya si Ate Lacey at tatlumpung segundong pagitan nung lumabas na rin si Jeanell na grabe ang pamamaga ng mga mata sa kakaiyak.
Nakakapagtaka kung bakit paglabas nila sa pinto ng kwarto ay parang wala nalang nangyari. Nacucurious tuloy ako sa mga pinag-usapan nila pero ayaw kong makisawsaw pa at maki-usyoso sa mga sari-sarili nilang desisyon. Nakita ko namang pumasok si Jeanell sa kwarto ni Lanz, susundan ko sana pero baka makagulo pa ako kapag aksidenteng gumana ang potensyal ko sa kanya.
Lumipas ang tatlong oras ay tumalon ang puso ko sa tuwa ng makita ng nakauwi si Lanz. Naka-wheelchair pa siya at may benda ang kanyang mga palad at ulo.
Hindi niya man ako napapansin pero masaya akong ligtas siyang nakauwi dito sa bahay nila. Kinausap siya saglit ng Mommy niya hanggang sa naglakad na siya papunta sa kwarto niya. Nakangiti lang akong pinagmamasdan ang mga galaw niya hanggang sa magtama ang mga paningin namin. Parang kung may anong kandila ang nagsindi sa pusod ng aking pagiging kaluluwa ng saglit siyang ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis.
'Kinikilig ba'ko?'
Nang pumasok na siya sa kwarto niya ay nakarinig ako ng pagtatalo pero sabi ko nga kanina ayaw kong makisawsaw, sarili nilang problema 'yun at ayaw ko ng mainvolve pa sa kahit anong problema. Ang problema kong gustong panghawakan ay kung bakit di ko alam kung bakit nandito pa rin ako sa lupa at hindi makaakyat ng langit.
Makaraan ang mahigit isang oras ay nagmamadaling lumabas ng pinto si Lanz habang nakasakay sa wheelchair. Kitang kita ko pa sa mga mata niya na may namumuo ditong mga luha ngunit di niya pinapahalata kaya halatang pinipigilan niyang umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/258515006-288-k757138.jpg)
BINABASA MO ANG
[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave Behind
RomanceGlezer Collins died when she was 7 years old. Her soul could not go to heaven for no apparent reason. She has no recollection of her identity and all she knows is the name and year when she died engraved on her tombstone. During her long stay at her...