18

17 4 0
                                    

(Play 'Wag Mong Ikunot Ang Iyong Noo by: SB19' while reading the Chapter 18)

Mabilis ang naging pangyayari, nakabalik na ako dito sa bahay nila Lanz at sobrang napakarami kong nalaman sa pagbabalik ko sa sementeryo.

Ngayon ay nandito kami sa harap ng kabaong ni Mayor Laurenze habang ikinukwento kay Lanz ang nangyaring pagsasakripisyo ng neglecting soul ng kanyang papa upang mabuhay ang kaibigan nitong si Bhrent.

Unti-unti ko ng nalalaman ang lahat. Konti nalang ay mapagtatagpi-tagpi ko na rin ang mga nangyari sa akin at mga dahilan kung bakit ako namatay. Konting konti nalang ay malalasap ko na ang reincarnation na matagal ko ng inaasam.

Nang maikwento ko na ang lahat kay Lanz ay nagsimula ng tumulo ang mga luha niya habang nakatingin sa mukha ng papa niya sa salamin ng kabaong.

Maging ako ay nakaramdam ng lungkot dahil sa mga nalaman kong isinakripisyo niya ang kanyang kaisa-isang susi upang makaakyat sa langit at ma-reincarnate para lang sa matalik na kaibigan ng kanyang anak. Siguro ay dahil gustong bumawi nito kay Lanz at ayaw na niyang may isa pang mawalang buhay sa mga malalapit sa buhay ng anak kaya niya nagawa niyang magsakripisyo.

Masaya ang puso ko sa ginawa ni Mayor Laurenze. Bawing bawi nito ang mga kamaliang nagawa niya noong nabubuhay pa ito. Huling lamay na pala ang mangyayari mamayang gabi at talagang inaasahan ng mama ni Lanz na maraming pupunta dito upang sa huling sandali ay makita nila hanggang sa kahulihulihan ang nasirang mayor. Sa ngayon ay wala pang mayor na umuupo at pumapalit sa pwesto ni Mayor Laurenze dahil ang Vice Mayor nito ay nakakulong kaya ang mga konsehal at iba pang mga opisyales sa cityhall ang siyang nangangasiwa. Hindi pa napag-uusapan kung may mabilisang botohan na magaganap sa pagiging alkalde pero ang alam ko ay di na namin masasaksihan ni Lanz 'yun dahil ang itinuran nito sa akin noon ay tinawagan na daw siya ng school na papasukan niya at matapos lang ang libing ng papa niya ay kinabukasan agad ay luluwas kami ng Maynila.

[ Now Playing: Wag Mong Ikunot Ang Iyong Noo by: SB19 ]

♪♪Mahirap man ang daan na ating tatahakin
Minsan, tayo rin naman ang mayro'ng pagkukulang (alright, oh)
Pero kung lahat tayo'y sama-sama, walang hahadlang
Lahat tayo'y maghawak-kamay
At one (one), two (two), one, two, three, four♪♪

Kami lang ang tao ni Lanz dito sa labas dahil may inaasikaso mommy niya doon sa loob ng bahay nila ng bigla kaming makarinig ng tugtog. Hindi ko alam 'yung tugtog pero parang masaya. Nagpalinga linga kami ni Lanz para makita kung sino ang biglang nagpapatugtog. Imbis na magalit si Lanz sa ingay ay napatayo siya at pinunasan ang mga luha niya sa mata. Magang maga ang mata niya at mukhang kinagat ng ipis dahil na rin sa sunod-sunod na araw na pag-iyak niya.

“Sabi ko na nga ba kayo 'yan eh!” nakita ko sa mga mata ni Lanz ang saya ng makita si Bhrent, Jeanell at may isa pang matipunong kasing katawan lang ni Lanz. Hindi ko pa siya nakikita noon maliban kay Bhrent at Jeanell.

Gwapo 'yung lalaki, medyo nerdy pero makikita sa kanyang tindigan ang pagiging matikas, kasing edaran lang din nila at feeling ko ay matatagal na silang magkakaibigan. Familiar silang lahat pero 'yung lalaki ay parang nakita ko na noon. Hindi ko alam kung saan. Magagaan ang loob ko sa kanila. Nakangiti kami ni Lanz habang pinapanood silang sumayaw habang may dala dala silang maliit na speaker kung saan nagmumula ang tugtog.

♪♪'Wag mong ikunot ang iyong noo Nariyan ang kaibigan mo (ay, yay, yay, yay, yay)
Upang samahan ka sa malungkot Na panahon at masiyahan (alright, alright, alright)
Tumingin ka sa paligid mo
Kaming lahat nandirito (ay, yay, yay, yay, yay)
Hinding-hindi ka na mag-iisa
Kami ay kaibigan mo
Tumingin ka sa paligid mo
Kaming lahat nandirito (hey, hey, hey)
Hinding-hindi ka na mag-iisa
Kami ay kaibigan mo♪♪

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon