01

48 13 10
                                    

Glezer's Point of View

Naka-upo sa puntod ko habang pinagmamasdan ko ang pangalan at petsa na naka-ukit sa lapida ko na tanging natitirang kakakilanlan ko sa buong pagkatao ko.

-

GLEZER B. COLLINS

May 04, 2004 - August 21, 2011

"If love could have saved you,
you would have lived forever."

-

Hindi lang basta inukit na pangalan, petsa, boarder at mga disenyo ang nararamdaman ko habang tinignan ko ang lapida, kundi pagmamahal. Hindi ko alam kung bakit sa loob ng 10 years na nakahimlay ang katawan ko dito sa puntod na ito ay wala man lang akong nakita ni-isa sa kamag-anak ko na dumalaw sa puntod ko. Tanging ang lapida lang na ito ang alam ko sa buong pagkatao ko. Wala akong naaalala bukod sa iilan na napapanaginipan ko kapag nakakatulog ako. Oo, natutulog at nananaginip kaming mga kaluluwa. Ngayon ko lang nalaman 'to nung namatay ako. 10 years na akong naka-tunganga dito habang inaantay kung may dadalaw man lang ba sa akin.

November 02, 2021 ngayon at marami na akong nakikitang mga dumadalaw na mga tao sa mga puntod ng kanilang mga yumaong kamag-anak o kaibigan. Nasa langit na ang mga ito pero hanggang ngayon ay inaalayan pa rin nila ito ng mga pagkain na nasasayang lang dahil wala namang kumakain.


Habang tumatagal ang kaluluwa ko dito sa lupa ay may mga hindi magandang bagay ang nagiging potensyal ng pagkatao ko na kahit ako ay ayokong gamitin pero kusa siyang lumalabas. Pati ako ay natatakot na sa potensyal kong ito. Lahat kasi ng mga hinahawakan ko, mapa-bagay, hayop, pagkain at maging ang mga tao ay namamatay. Hindi ko alam kung paano nangyari pero naranasan ko lang ito nung nag-five years na akong patay.

Naglalakad ako non dito sa sementeryo ng laking gulat ko ng hawakan ko ang mga damo at bulaklak na naka-display dito ay agad ng nalanta, maging ang mga butterfly at mga ibon na nagagawi sa puntod ko na dati ko namang nahahawakan, ngayon ay namamatay sila. At nung nakaraan ko lang nalaman na maging ang mga tao rin na mahawakan ko ay namatay. May isang babae kasi na aapakan sana ang puntod ko pero pinigilan ko ito at aksidenteng nahawakan ko siya, wala pang ilang segundo ay natumba nalang siya, nangisay at namatay.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung batang lalaki na ka-edaran ko na laging nagagawi sa puntod ko kapag araw ng mga patay at nag-aalay sa akin ng kandila dahil nasa tapat lang ng puntod ko ang puntod ng lolo niya.

8 years na rin siyang hindi bumabalik dito kapag araw ng patay at wala na ring dumadalaw sa lolo niya. Simula kasi nung taong 2013 ay hindi na siya bumalik pa. Matapos siyang mangako na dadalan niya ako lagi ng mansanas at ubas.

Mabuti na rin siguro 'yun, baka kasi mahawakan ko siya at mamatay siya ng hindi niya pa oras.

'Pero ano na kayang nangyari sa kanya? Kamusta na kaya sila ng mommy niya na lagi niyang kasama? Antagal na rin na hindi sila pumupunta rito. Ang alam ko lang sa kanya ay ang narinig kong pangalan niya nung tinawag siya ng mama niya.'

"Lanz!!" narinig kong sigaw sa likuran ko kaya agad akong nagulat dahil 'yun yung pangalan ng bata na nag-aalay sa akin ng kandila noon. "Tara dito, kakagaling mo lang sa hospital natakbo ka na agad!" nakita ko ang isang may edad na babae at isang binata. Namumukhaan ko siya pero hindi ko maalala kung saan.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon