WARNING!! SPG.. ng konti lang heheDrea Soliman's P.O.V:
"Tatay tama na po..." Pagmamakaawa ko.
"Tumigil ka. Manahimik ka na lang dyan at sumunod sakin naiintindihan mo?!" Sigaw nya.
"Maawa na po kayo tama na..." pikit mata kong sabi.
"Hubad!" Sigaw nya.
Wala kong nagawa kundi sundin iyon. Akala ko may sakit si tatay pagkauwi namin dito. Pero iba ang nadatnan namin. Minamaltrato nya ang mga kapatid ko. Nalulong sa droga ang tatay ko.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla bigla na lang nabago ang ugali nya. Kung dati rati sya ang bumubuhay samin ngayon, sya ang unti unting pumapatay samin.
Wala akong magawa kundi umiyak sa sakit, umiyak sa kawalangyaan ng tatay ko.
"Mag-ayos ka na. Padating na ang nanay mong punyeta" walang emosyon nyang sabi habang sinusuot nya ang kanyang pantalon.
Iling lang ako ng iling sa isang tabi. Dapat pala hindi na ko nagpunta dito. Dapat pala andon na lang ako kila Anikka.
Doon pumasok sa sistema ko ang inggit. Inggit sa kung ano ang meron sya at wala ako. Inayos ko ang sarili ko. Tama na sana... tama na sana ang pinagagawa ni tatay.
"Ate..." lumapit ako sa kapatid kong umiiyak.
"Sorry po kung nagsinungaling ako. Tinakot po ako ni tatay" iyak ng iyak nyang paring sabi. Kung masakit para sakin ito lalo na siguro sa kanilang kasa kasama ni tatay ng mahabang panahon.
Niyakap ko sya. "Magiging maayos rin ang lahat" maging ako, di ko na rin mapigilang humikbi. Kahit gaano ako katatag nasasaktan rin ako. Nasasaktan rin...
Pinunasan ko ang luha ko gaya ng ginawa ko sa nakababata kong kapatid.
"Maglinis kana ha? Padating na si nanay" sabi ko habang inaayos ang kulot nyang buhok.
Hindi ko alam kung alam ni nanay ang nangyayaring ito. Sana lang hindi rin ito ginagawa sa kanya ni tatay..
-------
"Ito lang? Mga p*tang*na kayo. Nagtrabaho kayo sa maynila tapos ito lang ang pera nyo?" Singhal nya samin.
"Andeng wala kami gaanong perang dala dahil nagaaral doon sa Andrea. Hindi pwedeng iasa ko na lang sa mga Gonzales ang bagay na iyon" paliwanag ni nanay.
"WALA KONG PAKE KUNG PERAHAN NYO SILA. ANG MAHALAGA MAY MAIPANG SUGAL AKO NAIINTINDIHAN NYO? MGA WALANG KWENTA! HINDI PA KAYO MAMATAY." Napatingin ako kay nanay. Sa puntong ito alam kong minamltrato din sya ni tatay.
Niyakap ko sya.
"Magiging ok din si tatay, nay. Alam ko" alo ko sakanya. Kahit na binaboy at sinaktan ako ni tatay. Ama ko parin sya.
.......
Dumaan ang maraming araw ganon parin ang ginagawa ni tatay. Hanggang sa isang araw dumating samin ang isang masaklap na balita...
Namatay si tatay...
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa nangyari o malulungkot. Plastic ako kung sasabihin kong hindi ako sumaya ng kaunti dahil sa wakas matitigil narin ang pangaabuso nya samin pero nangingibabaw parin ang sakit. Sakit na sya mismo ang gumuhit sa puso namin.
"Tatay... alam kong masaya at payapa kana riyan. Pinapatawad ka na po namin. Alam naming wala ka sa wisyo noong ginawa mo samin iyon. Sana lang humingi ka ng tawad sa diyos. Tawad sa lahat ng kasalanan mo sa kanya. Mahal na mahal ka namin tay"

BINABASA MO ANG
NOT A HAPPY ENDING ANYMORE
Romance"Life is really simple, but we insist on making it complicated." -Confucius Sabi dito Life is Simple daw. Pero bakit yung akin hindi. Bakit kailangan ko pang makipaglaro kay tadhana? Bakit pa nila kailangang mawala? -Anikka This is a story of a gir...