Seph's P.O.V:
"When I first saw you I already knew
There was something inside of you
Something I thought that I would never find
Angel of mine
I look at you looking at me
Now I know why they say the best things are free
Gonna love you girl you are so fine
Angel of mine
How you changed my world you'll never know
I'm different now, you helped me grow"I sang this song to her. The girl I love for almost 7 years from now. The only girl I laid my eyes off. Damn! She doesnt change the way she smiles that captivated every beating hearts. The way he captured my heart.
Maybe Im the most famous bachelor in town but my heart is only beating for this girl beside me. The 'Anikka Gonzales' and The 'Fielimorphe Trinidad' of my life.
"..... Mahal na mahal kita Anikka hindi ko papayagang masaktan ka ulit" I said as I kissed her forehead.
I smiled as I remember what happen years ago.
Flashback (A/n's P.O.V) *7 years ago*
Sa Unang araw ng pasukan habang papasok si Anikka at si Drea hindi nila maiwasang mailang sa mga taong nagmamasid sa kanila
'May dumi ba ko sa muka?' Nasa isip ni Drea
Samantalang ang babaeng nasa tabi niya ay tahimik na naglalakad ng nakayuko.
Sa kabilang banda naman kakatapos lang ng try-out ng mga varsities at gaya ng ginagawa syempre ng mga normal na kalalakihan nag gegirl hunting din sila sa tabi naman nila ay tahimik na nakamasid sa kanila ang team Captain na si Joseph.
"Pre ayun oh chika babes" sabay turo ni Marky kaibigan ni Seph.
"Tigilan nyo na yan wala kayong mapapala diyan" masungit na sabi ni Seph.
Totoo naman sa isip isip ni Seph ang mga babae dito sa campus nila ay maarte kumbaga ay konting ngiti mo lang may malisya na kagad sa kanila. Iyon ang ayaw niya sa di kalayuan nakita niya ang dalawang babaeng tila bago pa lang sa kanilang eskwelahan ang isang kasama nito ay taas noong naglalakad samantalang ang isa naman ay nakayuko. Sa di malamang dahilan nahiwagaan siya sa babaeng iyon. Parang gusto niyang iangat ang ulo nito at sabihing wag siyang yumuko baka madapa siya.
Napailing siya. Kailan man ay hindi siya naging interesado sa mga babae maaring dala lamang ng gutom ang mga pinagiisip niya kaya naman inaya niya ang mga kaibigang pumunta sa canteen.
"Pre balita ko may mga bagong salta raw magaganda" sabi ni Diether ang dakilang playboy ng kanilang barkada.
"Manahimik ka nga kumakain na babae parin ang gusto mong pagusapan" sita ni Marky.
Habang patuloy sa pagbabangayan ang mga ito si Seph ay tahimik lang na nakamasid. Nakikita niya ang mga babaeng wala ginawa kundi magpacute sa harap niya. Ngunit sa di kalayuang parte ng kanilang canteen nakita niya ang babaaeng kanina niyang pinagmamasdan. Hindi niya alam kung anong trip niya at naisipan nitong lumapit doon at kunwaring nabangga niya ito ng di sinasadya.
"Aray" sabi ni Anikka.
"Ano ba yan! Ok ka lang ba Anikka?" Tanong ng kaibigan nito.Sa oras na yon tila huminto ang mga tao at bumagal ang oras. Sa pagangat ng muka ng misteryosong babae tila ewan at napanganga na lamang siya. Maganda ito, medyo may pagkachubby ngunit mapupula ang mga pisngi nito na parang rosas. Hindi rin ito katangkaran ngunit tingin nito ay nasa 5'3 ito.
Ngunit naagaw ng pansin niya ang pagtikhim ng kasamang babae nung Anikka raw.
"Ehem. Kuyang pogi hindi ka ba magsosorry?" Tanong nito.
Inayos niya ang kanyang sarili at palihim na sinulyapan ang babaeng si Anikka 'raw'. At umalis na. Bastos pero para sa kanya mas magandang itigil ang kung ano mang nararamdaman niya. 'Girlfriends are distraction' para sa kanya kaya kahit natitipuhan niya ang babaeng iyon gusto niyang pigilan ito.
"Bro! Ano yong ginawa mo kanina? Bakit mo binagga yung maganda?" Tanong ni Marky.
"Wala kang pakialam" malamig na tugon ni Seph.
End of flashback *Seph's P.O.V again*
Kaya simula noon ay palihim ko lang siyang sinusulyapan. Palihim akong napapangiti pag nakikita ko siyang tumatawa o kaya naman pag siya ay nakangiti. Noong una ay di pa ko pamilyar sa pakiramdam na ito ngunit habang patagal ng patagal mas lalo ko siyang nagugustuhan, mas lalo akong nahuhulog.
Kaya naman ng nalaman kong sila na ni Nate? Damn! I regret everything. Coz I should be the one holding her hands, to hug her, or even taking her to date. I should be the one hearing her 'I love you'. Im stupid! I know that but can you blame me for being scared of hurting her? I love her. When i found out na namassacre ang family niya I was hysterical. I thought she was dead kasi hindi siya pumapasok yun naman pala ay nagpunta siya sa states. And niloko rin siya ng t*rant*dong si Nate. Gustong gusto ko siyang sapakin suntukin sipain pero di ko magawa bakit? Kasi ako tong nagpakatorpe kaya napunta siya sa ibang lalaki. Nang makagraduate ako I heard Dad na may ibinebeta raw na shares sa G.E kaya naman pinilit ko si Dad na bilhin yon. I want to grab my chance pag bumalik na siya doon that's why ako rin ang naghandle ng account niya aside sa account ko. Para na kong tanga ditong naghihintay. Hanggang sa nalaman ko kay Alice na magkasama si John tsaka si Anikka sa iisang bahay di ko mapigilang masaktan. Masakit. Akala kasi ng mga babae sila lang ang nasasaktan ang totoo masyado lang mapride kaming mga lalaki kaya pinipilit namin itago yung tunay naming nararamdaman. Kaibigan ko si Alice actually Alice, John and I are classmates pero si Alice lang ang nakakausap ko dahil masyadong tahimik si John. Madalas ding nagpupunta sa practice naming mga varsity si Alice dahil boyfriend niya ng mga panahong iyon si Marky. Hindi ko din alam kung bakit nalaman ni Alice na magkasama yung dalawa.
Nung nakita ko nun si Anikka or what I mean si Ellie pagkatok ko sa salamin ng kotse niya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mabuti nalang at natagalan siya sa pagtitig sakin. Hindi ko mapigilang mapangiti ng nakita kong pumula ang kanyang pisngi. Damn she's cute.
Hanggang ngayon my heart is still beating for this girl. I dont know kung anong ginawa sakin ni Anikka. Siguro destiny na makita ko siya corny man pakinggan pero naniniwala ako don.
Maybe Im not the prince charming he want but I can be her shining armor that will protect her to every battle that she'll fight.
"Im neither Percy nor Peeta but together we'll fight destiny. And I will make sure that IM YOUR DESTINY."
----------
A/n:
Wohooooo! Yieeee! Sorry sa slow update guys babawi ako promise :*
Dont forget to Vote and Comment ;))))
BINABASA MO ANG
NOT A HAPPY ENDING ANYMORE
Romance"Life is really simple, but we insist on making it complicated." -Confucius Sabi dito Life is Simple daw. Pero bakit yung akin hindi. Bakit kailangan ko pang makipaglaro kay tadhana? Bakit pa nila kailangang mawala? -Anikka This is a story of a gir...