Chapter 1 (Princess Myla)

56 2 0
                                    

HUWAG KANG SUSUKO
CHAPTER 1
"PRINCESS MYLA"

SA ISANG MALAKING PALASYO, NAGDIRIWANG NG KANYANG KAARAWAN ANG ISANG NAPAKA GANDANG DALAGITA NA SI PRINCESS MYLA.

SUOT NIYA ANG KANYANG KULAY ROSAS NA GOWN AT KORONA. ANG LAHAT AY NAKATUON ANG ATENSIYON SA KANYA HABANG SIYA AY NAGLALAKAD AT NAKANGITI SA BAWAT TAONG MASILAYAN NG KANYANG MGA MATA.

NILAPITAN SIYA NG KANYANG INANG REYNA NA SI QUEEN LILIBETH AT NG KANYANG AMANG HARI NA SI KING RAFAEL.

Lilibeth: Happy Birthday, our Princess!

Rafael: Happy Birthday our one and only beautiful Princess!

Princess Myla: Thank you, Mommy and Daddy.

NAGPALAKPAKAN ANG MGA BISITA.
ISANG NAPAKA GWAPONG LALAKE NAMAN ANG DUMATING—ISANG PRINSIPE NA NAGMULA PA SA IBANG KAHARIAN.
ANG LAHAT AY NAPATINGIN SA KANYA.
NAAGAW NIYA ANG ATENSYON NI PRINCESS MYLA.
PALAPIT NA NG PALAPIT ANG PRINSIPE KAY PRINCESS MYLA NANG BIGLANG MAY TUMAWAG SA PANGALAN NIYA...
"MYLA!!!"
NAPALINGON SIYA.
•••••••••••••••••••••••••••
"MYLA!!!!!"

SIGAW NG ISANG GINANG SA ANAK NIYANG HIMBING NA HIMBING SA PAGKAKATULOG AT NAKANGITI PA.

Lilibeth: Myla, anak! Gumising ka na.

NAGSALITA HABANG TULOG SI MYLA.

Myla: Thank you Mommy, Thank you Daddy!

Myla: (Nagtataka) Mommy? Daddy? Ang lakas naman ng tama nitong anak ko oo! Kailan pa naging mommy ang tawag mo sa akin? Gumising ka na nga diyan Myla.

TINAPIK NIYA SI MYLA SA HITA AT TSAKA LAMANG ITO NAGISING.

Myla: Nanay naman eh. Ang ganda ganda na po ng panaginip ko oh? Prinsesa daw po ako at halos lahat ng tao pinapalakpakan ako. Tapos biglang dumating 'yung prince charming ko.

Lilibeth: Hay nako anak, tigilan mo na nga yang kakapanaginip mo na isa kang Prinsesa dahil mahirap lang tayo pero ito ang tatandaan mo ha? Kahit mahirap lang tayo, mahal na mahal ka naman namin ng Tatay mo.

DUMATING ANG AMA NI MYLA.

Rafael: Tama ang Nanay mo anak at kahit hindi ka totoong Prinsesa, para sa amin ikaw ang Prinsesa namin ng Nanay mo! Happy birthday anak!

NGUMITI SI MYLA.

Lilibeth: Happy Birthday, sa nag iisa naming Prinsesa!

Myla: Salamat po Nanay, salamat po Tatay. Ako din po mahal na mahal ko po kayong dalawa at kahit hindi po ako totoong Prinsesa, para sa akin kayo po ang Hari at Reyna ng puso ko.

NIYAKAP NILA ANG ISA'T-ISA.

Rafael: Oh tayo na sa baba at para makakain na tayo.

Lilibeth: Naku, kanina ko pa nga yan ginigising eh. Tayo na.

Myla: Sige po, susunod na po ako.

Rafael: Sumunod ka na ah?

Myla: Opo.

LUMABAS NA SA KWARTO NIYA SINA LILIBETH AT RAFAEL.
TUMAYO NA SI MYLA SA KANYANG HIGAAN AT HUMARAP SA SALAMIN UPANG PAG MASDAN ANG KANYANG SARILI.
••••••••••••••••••
HELLO GUYS! AKO NGA PALA SI MYLA MARIE EVANGELISTA, PERO MAS SANAY AKO SA TAWAG SA AKIN NA MYLA. SIMPLE LANG NAMAN ANG PANGARAP KO EH, ANG MAGING ISANG TUNAY NA PRINSESA.
OH DIBA, SIMPLE LANG? HEHEHE! JOKE LANG! ALAM KO NAMAN NA KAHIT KAILAN EH HINDI AKO MAGIGING PRINSESA PERO UMAASA PA RIN AKO NA BALANG ARAW MAGIGING MAGINHAWA DIN ANG BUHAY NAMIN NINA NANAY AT TATAY.
19TH BIRTHDAY KO NA NGAYON AT GAYA NG MGA NAKARAAN KONG BIRTHDAY EH SIMPLENG HANDAAN LANG NAMAN ANG MAGAGANAP NGAYONG ARAW TAPOS PUPUNTA KAMI NINA NANAY AT TATAY SA SIMBAHAN UPANG MAGPA SALAMAT SA DIYOS SA PANIBAGONG TAON NA IBINIGAY NIYA SA AKIN AT SYEMPRE PARA SA LAHAT NG MGA BLESSINGS NA BINIBIGAY NIYA SA AMIN. KAHIT NAMAN HINDI KAMI MAYAMAN EH HINDI NAMAN KAMI NAGUGUTOM DAHIL MAY KARINDERYA SI NANAY AT MINSAN NAGBEBENTA RIN SIYA NG KUNG ANO ANO SA ONLINE. SI TATAY NAMAN EH ISANG DAKILANG TAXI DRIVER.
MAHAL NA MAHAL KO SILA DAHIL KAHIT HINDI KAMI MAYAMAN EH BINUBUSOG NAMAN NILA AKO SA PAGMAMAHAL.
O SIYA, MAMAYA KO NALANG ULIT KAYO KE-KWENTUHAN AH? BABABA NA MUNA AKO PARA MAPAG SALUHAN NA NAMIN YUNG HINANDA PARA SA AKIN NINA NANAY AT TATAY.
•••••••••••••••••••••••••••
SA BABA.

KINAKANTAHAN NINA RAFAEL AT LILIBETH SI MYLA.

"🎶 HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU....🎵🎶"

Mayla: (Nakangiti) Salamat po Nanay, Tatay.

Rafael: Kain na tayo?

Lilibeth: Pasensiya ka na anak ah? Spaghetti at lumpiang shanghai lang ang handa mo pero hayaan mo, babawi kami sa'yo ng Tatay mo kapag medyo nagka budget! Alam mo naman diba, enrollment mo na sa college sa isang linggo kaya medyo tight ang budget natin ngayon.

Mayla: Okay lang po yun Nay! Masarap naman po itong spaghetti at shanghai niyo eh!

Rafael: Oo nga! Kaya nga na-in love ako sa Nanay mo eh dahil sa sarap niyang magluto!

Lilibeth: Sus! Nang bola ka pa!

Rafael: Hindi yun bola ah! Alam mo namang totoo yun hehehe.

NAKANGITI NAMAN SI MYLA HABANG PINAGMAMASDAN ANG KANYANG MGA MAGULANG.

MATAPOS NILANG KUMAIN AY NAGPUNTA NA SILA SA SIMBAHAN UPANG MAGPASALAMAT SA DIYOS.

TAIMTIM NA NAGDARASAL SI MYLA.

Myla: LORD, Thank YOU po sa mga blessings na ibinibigay NIYO po sa amin. Salamat din po sa panibagong taon na ipinagkaloob NIYO po sa akin. Bigyan NIYO pa po sana ako ng mahabang buhay pati na rin po sina Nanay at Tatay.
Patuloy NIYO po sana kaming gabayan, alagaan, ingatan at i-bless. Pati na din po ang mga kaibigan ko, mga kamag anak at kakilala.
LORD, sana po matupad ko lahat ng pangarap ko. Tulungan NIYO po ako ah? Yun lang po, maraming salamat po. Sa INYO po ang lahat ng papuri. Ito po ang aking samo't dalangin sa pangalan po ng IYONG ANAK na ni HESUS, Amen!

NAUNANG NATAPOS MAGDASAL SI MYLA.
NAGTITIRIK PA KASI NG KANDILA SINA LILIBETH AT RAFAEL KAYA NAUNA NA SIYANG LUMABAS UPANG MAGPAHANGIN.

ISANG BINATILYO NAMAN ANG NAKA BANGGAAN NI MYLA HABANG PALABAS SIYA NG SIMBAHAN.

Myla: Ayyyy!!!

Nelo: Sorry Miss.

NAGKATITIGAN SILANG DALAWA.
AGAD NAGANDAHAN SI NELO KAY MYLA.

Nelo: (Namula) P-Pasensiya ka na ah hindi kasi kita nakita.

Myla: Ah okay lang. Alam ko namang hindi mo sinasadya. Pasensiya ka na rin ah?

Nelo: (Ngumiti) Okay lang din kasalanan ko naman.

Myla: Ah sige, mauna na ako ah?

Nelo: Sandali lang...

NATIGILAN SI MYLA.

Nelo: Ako nga pala si Nelo.

INABOT NIYA ANG KANYANG KAMAY KAY MYLA.

Myla: (Inabot ang kamay kay Nelo) Myla.

SABAY LABAS NAMAN NINA LILIBETH AT RAFAEL.

Lilibeth: Anak, tayo na.

Myla: Ah sige po Nay, Tay. Ah Nelo, mauna na kami.

Nelo: (Ngumiti) Sige. Nice meeting you.

NGUMITI NAMAN SI MYLA.
UMALIS NA SILA NG NANAY AT TATAY NIYA.
SINUNDAN NAMAN SILA NG TINGIN NI NELO TSAKA PUMASOK SA LOOB NG SIMBAHAN.

ITUTULOY....

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon