Chapter 33 (Disqualified)

1 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 33
"Disqualified"

*SA OPISINA NI WESTLEY*

Joaquin: (Galit) Hindi ako nilalandi ni Lilibeth! Nagkataon lang na nakita ko siya dito sa school kaya ko siya nilapitan! Kinausap ko lang siya para mag sorry sa ginawa mo sa kanya Kelly!

PINAPANOOD NAMAN NI WESTLEY ANG VIDEO NA KINUNAN NI LIZZY.

Westley: Britanny, why did you hit Myla's mom?

Britanny: (Namutla) P-Po?

Westley: Nakuhanan ng video ang lahat ng ginawa ninyong mag ina kina Myla at sa Nanay niya at sobrang na-disappoint ako sa napanood ko.

NAPABUNTONG HININGA SI DOÑA PILAR.

Doña Pilar: This is embarrassing Kelly, Britanny! Nagiging violent na kayong mag ina!

Britanny: (Umiiyak) Pero ginawa ko lang po 'yun kasi I saw her pushed my mom!

Lilibeth: Dahil sinasabunutan niya ako! Siya ang naunang nanugod sa akin at pinagbibintangan ako ng kung ano-ano kaya ipinagtanggol ko lang ang sarili ko!

HINDI NAMAN UMIIMIK SI KELLY.

Joaquin: Ano Kelly, wala ka bang sasabihin?

Kelly: Ano pa bang sasabihin ko eh ako naman ang masama sa paningin ninyo diba?

Joaquin: I want you and Britanny to apologize to Lilibeth and Myla!

Kelly: WHAT???

Britanny: Daddy No!

Lilibeth: Hindi na kailangan. Ang mahalaga nalaman niyo na ang totoong nangyari. Mas mabuti pa na umuwi nalang kami ng anak ko.

Myla: Nay, may responsibilidad pa po ako dito sa school. Hindi pa po tapos ang event kaya hindi  pa po ako pwedeng umuwi.

Joaquin: Lilibeth, Myla I'm really sorry sa ginawa sa inyo nina Kelly at Britanny.

Doña Pilar: Kami na ang humihingi ng pasensiya. I'll make sure hindi na ito mauulit.

Joaquin: Pasensiya na din Mr. Tan.

TUMANGO SI WESTLEY.

Britanny: Can I go back na po sa dressing room? Baka po kasi hinahanap na ako dun eh.

Westley: I'm sorry Britanny pero dahil sa ginawa mo, hindi na kita papabalikin sa event dahil you're now disqualified.

NABIGLA SILANG LAHAT.

Kelly: What??!!

Britanny: (Napaluha) No! This can't be! Pinaghandaan ko pong mabuti ang pageant na ito!

Kelly: Mr. Tan hindi mo pwedeng gawin ito sa anak ko!

Westley: And why not? I am my father's representative here. Isa pa, hindi lang naman ito ang ginawa ni Britanny kaya ko siya dinisqualify.

Doña Pilar: What do you mean, Mr. Tan?

NAGTAKA SILA.

Britanny: A-Ano pa po bang ginawa ko, Sir?

Westley: Remember nung nakita ko kayo nina Myla na magkakausap kanina? Nadinig ko ang lahat. Inuutusan mo si Gil na i-sabotage ang performance ni Lyne.

NATIGILAN SI BRITANNY.

NAPA ILING SI DOÑA PILAR AT JOAQUIN.
NAGKATINGINAN SINA MYLA AT LILIBETH.

Westley: Pinalampas ko 'yun dahil hindi naman natuloy pero na disappoint ako sa behavior na ipinakita mo Britanny. Do you think karapat dapat kang tawaging Miss Gabner kung ganito ang attitude na meron ka? I think you need to learn your lesson.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon