Chapter 23 (Teach Them A Lesson)

0 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 23 | Teach Them A Lesson

*SA ISANG EXCLUSIVE BAR*

NANDOON SINA JAKE AT PAULO KASAMA ANG KANILANG MGA KAIBIGAN.
NAGKAKASIYAHAN SILA.

Jake: Kung nakita niyo lang 'yung mukha ng hampas lupang 'yun kanina, matatawa din kayo! Hahahaha!

Paulo: Hahahaha! Tama, wala siyang kalaban-laban sa aming dalawa eh.

Janice: Grabe talaga kayo, bakit ba pinag iinitan niyo 'yung tao? Ano bang ginawa nun sa inyo?

Marky: Oo nga mga bro. Bakit niyo ba binu-bully si Nelo?

Jake: Well, una dahil may crush sa kanya 'yung ex kong si Janella at pangalawa naangasan talaga ako sa kanya.

Paulo: At pangatlo, ayaw namin sa mga hampas lupa na nagpupumilit mag aral sa isang mamahaling eskwelahan! Dumi at basura lang sila sa school.

Janice: Grabe talaga kayo.

MAYA MAYA AY MAY DALAWANG LALAKE ANG LUMAPIT SA GRUPO NINA JAKE AT PAULO.

BOY 1: (Tumingin kina Jake at Paulo) Kayo ba sina Jake at Paulo?

NAGKATINGINAN SINA JAKE AT PAULO.

Jake: Bakit, sino kayo?

Paulo: At anong kailangan niyo sa amin?

BOY 2: Pinapatawag kayo ng may ari ng bar na ito. Nandun siya sa VIP room.

Janice: Wow, talagang big time kayong dalawa ah?

Marky: Ayos, mukhang malilibre tayo tonight ah? Hehehehe.

Jake: Bakit daw kami gustong makausap ng bar owner?

BOY 1: Huwag na kayong magtanong, sumunod nalang kayo sa amin.

UMALIS NA ANG DALAWANG LALAKE AT SUMUNOD NAMAN SINA JAKE AT PAULO.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
*EVANGELISTA RESIDENCE*

PATULOG NA SINA LILIBETH AT RAFAEL.

Rafel: Kamusta pala 'yung investment na sinalihan natin? May balita ka na ba?

Lilibeth: Eh ang sabi ni Daisy nakakuha na siya ulit ng monthly niya tapos tayo naman sa katapusan na makakakuha.

Rafael: Alam mo, medyo kinakabahan talaga ako diyan eh kasi may na-kwento sa akin 'yung kaibigan ko eh na sinalihan din nila. Ganyang ganyan din daw 'yun, kada buwan may makukuha kang pera pero bigla na lang daw nagtago 'yung may ari ng kumpanya kaya natangay lahat ng investment nila.

Lilibeth: Hindi naman siguro ganun 'yung nasalihan natin kasi si Daisy nga oh, matagal na siya dun at hindi naman itinatakas ang pera nila. Kilala ko si Daisy, hindi siya magsisinungaling sa akin kaya safe ang perang ininvest natin.

Rafael: Eh sana nga, 'yun nalang kasi ang pwede nating asahan eh.

Lilibeth: Hayaan mo, kapag nakakuha na tayo ng pera, bibili tayo ng sasakyan para gawin nating pang negosyo kesa naman nagba-boundary ka pa sa pagta-taxi.

Rafael: (Ngumiti) Magandang idea 'yun.

Lilibeth: Oh siya, matulog na tayo at maaga pa ako mamaya para magluto ng mga order na ulam.

Rafael: Okay sige, good night mahal.

Lilibeth: Good night, mahal.

HINALIKAN NI RAFAEL SA NOO SI LILIBETH AT PUMIKIT NA ITO.
NAPABUNTONG HININGA SI LILIBETH DAHIL BIGLA DIN SIYANG NAPAISIP SA SINABI NI RAFAEL. PAANO NGA KAYA KUNG BIGLA NA LANG MAWALA ANG PERANG IN-INVEST NILA? PAANO NA SILA? PERO SA KABILANG BANDA NAGING POSITIBO PA DIN SIYA AT INISIP NA HINDI MANGYAYARI 'YUN.
••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA LOOB NG VIP ROOM SA BAR KUNG NASAAN SINA JAKE AT PAULO.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon