Huwag Kang Susuko
Chapter 31
"Worried"*GABNER UNIVERSITY*
SA OPISINA NI WESTLEY TAN.
KAKATAPOS LANG NILANG MAG USAP NI JOAQUIN.Westley: I will think about your proposal. Maganda naman ang standing ng kumpanya ninyo kaya tiwala ako dito but of course I will have to study it first.
Joaquin: No problem Mr. Tan just give me a call whenever you're decided.
Westley: Of course I will. Anyway baka nag start na ang program kailangan ko na ding pumunta dun. Let's go?
Joaquin: (Tumango) Okay.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
KAUSAP NI MYLA SINA JEROME, DOROTHY, JESSA AT STANLEY.Myla: Magsisimula na ang program, sure ba kayo na okay na ang lahat at walang magiging problema?
Dororthy: Of course, Myla.
Jerome: Nasa mga hosts na 'yung copy ng programe at yung script.
Stanley: Naka ready na din 'yung mga candidates sa dressing room.
Jessa: Kumpleto na din 'yung mga special guests and judges.
Myla: Okay, sige mabuti naman kung ganun. Maiwan ko muna kayo, kailangan ko lang magpunta sa ladies room.
UMALIS SI MYLA AT NAGPUNTA SA LADIES ROOM.
NAG CHAT SI JEWEL NA NASA AUDIENCE AREA NA SIYA KAYA NI REPLYN NIYA ITO TSAKA ISINILID SA BULSA NG PANTS NIYA ANG KANYANG CELLPHONE. AKSIDENTE NAMANG NATAWAGAN ANG NUMBER NI LILIBETH DAHIL NASA RECENT CALLS ANG NUMERO NITO.
PUMASOK NA SI MYLA SA CUBICLE.
••••••••••••••••••••••••••••••••
SAMANTALA, LUMABAS GALING SA ISANG RESTAURANT SINA LILIBETH AT DAISY.Daisy: Congrats nga pala Lilibeth sa bago niyong kotse ni Rafael ah! Masaya ako na nakatulong ako sa inyo.
Lilibeth: Salamat talaga sa'yo Daisy dahil ipinakilala mo sa amin ang Power Marketing! Ang laking tulong talaga nun sa amin.
Daisy: Wala 'yun. Syempre dapat sabay sabay tayong uunlad! Basta kapag nakabawi ka na sa ininvest mo, mag lock-in ka na ng malaki para mas malaki din ang makuha mo after a year!
Lilibeth: Sige, magagawan ko naman ng paraan 'yun eh.
Daisy: Oh paano mauna na ako ah? Ginabi na tayo sa pagke-kwentuhan! Hahaha!
Lilibeth: Oo nga eh. Salamat na din sa libre mo ah?
Daisy: Wala 'yun anytime.
HUMINTO ANG ISANG KOTSE SA HARAP NG RESTAURANT.
Daisy: Oh eto na ata 'yung na book kong sasakyan. Mauna na ako ha? Ingat ka!
Lilibeth: Ingat ka din.
NAG BESO BESO SILA NI DAISY.
SUMAKAY NA SI DAISY SA KOTSE AT UMALIS NA.MAYA MAYA AY NAG RING ANG PHONE NI LILIBETH. SI MYLA ANG TUMATAWAG DAHIL AKSIDENTE NGANG NA DIAL ANG NUMBER NI LILIBETH.
Lilibeth: (Sinagot) Hello anak, napatawag ka? Akala ko ba busy ka sa school dahil sa event?
PERO WALANG NAGSASALITA SA KABILANG LINYA. WALA DIN SIYANG NADIDINIG.
Lilibeth: Anak? Nandiyan ka ba? Hello? Hello Myla anak bakit hindi ka nagsasalita? May problema ba?
NAG ALALA SI LILIBETH.
Lilibeth: Myla, anak anong nangyayari bakit hindi ka sumasagot? Myla?
MAYA MAYA AY NAMATAY NA ANG TAWAG DAHIL NA LOWBATT NAMAN ANG CELLPHONE NI MYLA. LALONG NAG ALALA SI LILIBETH. TINAWAGAN NIYA SI MYLA PERO HINDI NA NIYA ITO MA KONTAK KAYA KINABAHAN NA SIYA.
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATE
Ficção AdolescenteSi Myla, Maganda, mabait, masayahin, sikat, kinaiinggitan, mayaman at halos nasa kanya na ang lahat! Ngunit mayroon siyang isang lihim na hindi alam ng lahat... Hindi siya isang Prinsesa gaya ng inaakala ng iba. Anak mahirap lang siya na mataas ang...