Huwag Kang Susuko
Chapter 14
"Britanny's Birthday Party"KINABUKASAN.
*GABNER CAFÉ*
MAG KAKAUSAP SINA JEWEL, LYNE AT MYLA.
Lyne: Inimbitahan ka ni Britanny sa birthday party niya?
Myla: Oo.
Jewel: Himala! Anong nakain nun?
Myla: Ewan ko nga eh. Basta bigla na lang siyang bumait tapos nakipag kaibigan pa nga sila ni Elle sa akin eh.
Lyne: Talaga? Hmmm... Parang iba ang pakiramdam ko diyan ah?
Jewel: Oo nga, bakit bigla naman siyang bumait sa'yo?
Myla: Huwag niyo na siyang pag isipan ng kung ano. Mukha namang sincere siya eh tsaka nararamdaman ko naman na mabait talaga siya.
Lyne: Ewan ko lang ah?
Myla: Ang sabi nga niya pati kayo iimbitahin niya sa debut niya eh.
Jewel: Really? Pati kami invited?
Myla: Oo. Yun ang sabi niya eh.
Lyne: Hmmm...
DUMATING SI NELO.
Nelo: Hi girls!
Myla: Nelo! Mabuti naman at pumasok ka na!
Nelo: (Ngumiti) Na-miss niyo ba ako agad?
Jewel: Hay nako panay kaya ang tanong ni Myla kahapon kay Lyne kung nasaan ka.
NAMULA SI MYLA.
Nelo: Talaga? Hehehe. Marami kasi akong ginawa kahapon eh, hindi na talaga kinaya na makahabol ako sa klase.
Lyne: Okay lang 'yan, wala naman masyadong diniscuss kahapon eh diba girls?
Myla: Oo nga kaya kayang kaya mong makahabol sa mga lessons. Papahiramin ka nalang namin ng notes.
Nelo: Sige salamat.
DUMATING NAMAN SINA BRITANNY, ELLE AT COURTNEY.
Britanny: Hi guys.
Myla: Britanny.
Nelo: Oh Britanny, ano na namang kailangan mo? Baka mamaya aawayin mo na naman si Myla ah?
NGUMITI SI BRITANNY.
Britanny: Relax Nelo, hindi ako nandito para makipag away, in fact friends na nga kami ni Myla eh. Diba, Myla?
Myla: Ah oo tama si Britanny.
NAGTATAKA SI NELO.
Nelo: Huh? Seryoso? Parang kahapon lang akong nawala tapos friends na kayo agad?
Elle: Bakit, imposible ba 'yun?
Courtney: Oo nga, hindi ka ba masaya na peace na sina Britanny at Myla?
Nelo: Masaya naman pero nagtataka lang ako.
Jewel: Britanny, talaga bang invited din kami sa Birthday mo?
Britanny: Yeah! I was about to say that nga eh kaya lang nasabi na pala sa inyo ni Myla.
Myla: Ah oo kakasabi ko lang sa kanila.
Nelo: Birthday party?
Britanny: Yeah! Invited kayong lahat sa debut ko. That's exactly 2 weeks from now! I'll just give you the invitations next week, okay? Paano, we'll go ahead na, see you sa class, byers!!!
UMALIS NA SINA BRITANNY, ELLE AT COURTNEY.
Nelo: Seryoso ba yun?
Lyne: Hindi nga din ako makapaniwala eh.
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATE
Fiksi RemajaSi Myla, Maganda, mabait, masayahin, sikat, kinaiinggitan, mayaman at halos nasa kanya na ang lahat! Ngunit mayroon siyang isang lihim na hindi alam ng lahat... Hindi siya isang Prinsesa gaya ng inaakala ng iba. Anak mahirap lang siya na mataas ang...