Huwag Kang Susuko
Chapter 25
"Secret Affair"GABI
*CLEDERA MANSION*
MAGKAKAUSAP SINA KELLY, JOAQUIN AT DOÑA PILAR. IPINAGTAPAT NA NI JOAQUIN KAY KELLY KUNG ANONG KONEKSYON NIYA KAY LILIBETH.
Kelly: Ex girlfriend mo ang basurang babaeng 'yun? Really, ganoon ang mga taste mo noon?
Joaquin: Don't call her that, Kelly.
Kelly: And why not? Bakit, may feelings ka pa rin ba sa kanya kaya ayaw mong tawagin ko siyang basura?
Joaquin: Hindi 'yun ganun, Kelly! Mabuting tao si Lilibeth, hindi siya gaya ng sinasabi ninyo na oportunista.
Doña Pilar: Joaquin, huwag mo nang ipagtanggol ang babaeng 'yun. Mabuti nalang talaga at hindi siya ang nakatuluyan mo. Imagine your life kung hindi ka nakinig sa akin at siya ang pinakasalan mo.
Joaquin: Can we not talk about her anymore? Naipaliwanag ko na kay Kelly ang lahat so please huwag na natin siyang pag usapan. Hayaan na natin siya!
PUMANHIK NA SI JOAQUIN SA HAGDAN PATUNGO SA KWARTO. NAGKATINGINAN SINA KELLY AT DOÑA PILAR.
••••••••••••••••••••••••••
*EVANGELISTA RESIDENCE*KAUSAP NI RAFAEL SI LILIBETH.
Rafael: Si Joaquin? 'Yung ex boyfriend mong mayaman?
Lilibeth: (Tumango) Oo, sila pala ang may ari nung building na pinagdeliveran ko ng mga order na ulam kanina.
Rafael: Huwag ka nang babalik sa lugar na 'yun ha? Ang sasama talaga ng ugali ng mga mayayaman na 'yun!
Lilibeth: Hindi na talaga ako babalik dun. Pero sayang nga lang 'yung mga suki ko na laging umoorder sa akin dun.
Rafael: Marami pa namang ibang kumpanya na pwede mong pag deliveran eh. Basta huwag na dun! Kung nandoon lang ako kanina baka hindi ko napigilan ang sarili ko at napatulan ko ang asawa ng Joaquin na 'yun!
Lilibeth: Hayaan na natin. Binayaran naman ni Joaquin ang mga nasayang na ulam eh pero pagkatapos nun umalis na din ako.
DUMATING NA SI MYLA.
Myla: Nay, Tay...
NAG MANO SIYA SA MGA MAGULANG.
Lilibeth: Ginabi ka ata ng uwi anak?
Myla: Madami po kasing ginawa sa school Nay tapos umattend pa po ako ng meeting sa student council kaya late na din po akong nakaalis sa school.
Rafael: Kumain ka na ba anak? Sabay sabay na tayong mag hapunan.
Myla: Sige po. Magpapalit lang po ako ng damit.
PUMASOK NA SI MYLA SA KANYANG KWARTO UPANG MAGPALIT NG DAMIT.
•••••••••••••••••••••••••
*KINABUKASAN*NASA ISANG RESTAURANT SI KELLY, DUMATING SI HAROLD AT LUMAPIT KAY KELLY TSAKA NAUPO.
Harold: Bakit bigla kang nakipagkita sa akin?
Kelly: May ipapagawa ako sa'yo.
Harold: Ano 'yun?
Kelly: Gusto kong alamin mo ang lahat tungkol sa babaeng ito (ibinigay ni Kelly ang picture ni Lilibeth na nakuha niya sa CCTV footage ng Cledera Building).
Harold: (Pinagmasdang mabuti ang picture) At sino naman ito?
Kelly: Ex girlfriend siya ni Joaquin. Kailangan kong malaman kung sino at saan siya nakatira. Lilibeth ang pangalan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/263793507-288-k835823.jpg)
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATE
Teen FictionSi Myla, Maganda, mabait, masayahin, sikat, kinaiinggitan, mayaman at halos nasa kanya na ang lahat! Ngunit mayroon siyang isang lihim na hindi alam ng lahat... Hindi siya isang Prinsesa gaya ng inaakala ng iba. Anak mahirap lang siya na mataas ang...