Huwag Kang Susuko
Chapter 26
"Regrets"*A FEW DAYS LATER*
MAAGANG UMALIS SI JOAQUIN UPANG MAKIPAG MEETING SA KANILANG MGA BUSINESS PARTNERS.
ABALA DIN SI KELLY SA POWER MARKETING DAHIL NGAYON ANG ARAW NG PAY OUT NG MGA MEMBERS NILA.
NAKUHA NA NI DAISY ANG MONTHLY PAY OUT NINA LILIBETH KAYA AGAD NIYA ITONG DINALA SA BAHAY NILA. TUWANG TUWA SI LILIBETH.Lilibeth: Totoo nga ang power marketing!
Daisy: Oh diba? Sabi ko naman sa'yo eh! Tutubo talaga ang pera niyo dito! Pero syempre hindi ka pa agad makakabawi sa isang pay out lang. Mararamdaman mo 'yan sa pang apat at mga succeeding months na payout mo!
Lilibeth: Salamat Daisy dahil ipinakilala mo sa akin 'yung opportunity na ito. Ngayong sure na na may monthly income kami ni Rafael eh baka kumuha na kami ng sasakyan para magamit namin sa negosyo.
Daisy: Naku, totoo 'yan! Sure na sure naman na 'yung monthly income niyo dito eh kasi ako nga oh naglakas loob na akong kumuha ng bahay kasi forever naman na 'yung monthly income ko dito eh at 'yung ni-lock in kong pera magiging 3 million pa 'yun after 1 year kaya mababayaran ko agad ang balance sa bahay na kinuha ko!
Lilibeth: Bongga talaga 'yan ah?
Daisy: Totoo! Kaya nga mag lock in ka na din para may monthly income ka na, may inaantay ka pang malaking pera. Mabilis lang ang isang taon!
Lilibeth: Mukhang okay nga 'yun. Sige gagawan ko ng paraan 'yun.
Daisy: Sige! Sabihan mo lang ako ah?
Lilibeth: (Ngumiti) Oo sige.
•••••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*KAKATAPOS LANG NG REHEARSAL NINA NELO AT LYNE. NAKASALUBONG NILA SINA MYLA AT JEWEL.
Myla: Nelo, Lyne kamusta ang rehearsal ninyo?
Lyne: Ayun, okay naman. Ang galing galing na ngang lumakad ni Nelo eh, parang model na talaga! Hahaha!
Nelo: (Namula) Sakto lang naman. Mas magaling pa din sina Syd.
Jewel: Napanood ko kaya 'yung video na in-upload ni Tina (classmate nila). Ang galing mo kaya dun!
Nelo: Video?
Jewel: Oo, nanonood kasi sila ng rehearsal niyo kanina tapos nag video siya at in-upload niya sa TweetTok niya!
Nelo: Hala, nakakahiya naman.
Myla: Nelo, hindi ka dapat mahiya. Proud nga kami sa'yo eh. Diba girls?
Lyne: Totoo 'yan. Kung dati lagi kang napapagalitan ni Miss Barbina, ngayon pinupuri ka na niya kaya ibig sabihin nag improve ka talaga!
Nelo: Salamat sa inyo. Kayo 'yung nagbibigay ng confidence sa akin eh hehehe.
Lyne: Buti na nga lang talaga at hindi na kasali sina Jake at Paulo noh! Wala nang nangbu-bully sa'yo.
Jewel: Balita ko nga hindi pa rin sila pumapasok eh. Na kick out na ba sila?
Myla: Ang alam ko na suspend lang sila eh.
MAYA MAYA AY DUMATING SINA SYD AT BRITANNY.
Britanny: Hey! Lyne, Nelo tara bonding ulit tayo with our co candidates! Nandun sila sa Cafeteria.
Lyne: Ah kasi magko-coffee sana kami nina Myla eh.
Syd: Ganun ba? Sige next time na lang ulit tayo mag bonding.
Britanny: Ano ba 'yan, nasabi ko na pa naman sa kanila na susunod kayo ni Nelo dun. Myla, baka naman pwedeng samin nalang muna sila sumama? Bonding namin 'yun ng mga co candidates namin sa Mister & Miss Gabner eh.
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATE
Teen FictionSi Myla, Maganda, mabait, masayahin, sikat, kinaiinggitan, mayaman at halos nasa kanya na ang lahat! Ngunit mayroon siyang isang lihim na hindi alam ng lahat... Hindi siya isang Prinsesa gaya ng inaakala ng iba. Anak mahirap lang siya na mataas ang...