Chapter 18 (Scammers)

1 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 18
"Scammers"

*SA LADIES ROOM NG GABNER*

NANDOON SI JEWEL, NAKAHARAP SA SALAMIN AT KINAKAUSAP ANG SARILI.

Jewel: Bakit ganun? Akala ko ba best friends kami ni Myla? Bakit siya naglihim sa akin? Bakit hindi niya agad sinabi sa akin ang totoo? Sa tingin ba niya lalayuan ko siya kapag nalaman kong mahirap lang siya?

NAPALUHA SI JEWEL.

DUMATING NAMAN SINA BRITANNY, COURTNEY AY ELLE.

Britanny: It's because, gusto niya tayong lokohin lahat.

NATIGILAN SI JEWEL AT NAPALINGON KINA BRITANNY.

Jewel: Anong ginagawa niyo dito?

Britanny: Well, nakita at narinig kasi namin ang lahat ng ipinagtapat ni Myla sa inyo. You know what, ang pinaka ayoko sa lahat eh yung mga taong sinungaling at mapag panggap gaya ni Myla. I'm sure kaya niya tayo nilokong lahat ay dahil gusto niyang maging popular sa school at i take advantage niya tayong mga classmates niya.

Elle: Hindi naman siguro ganun, Britanny. Baka nahiya lang siya o kaya natakot aminin.

Britanny: What? Ang sabihin mo manloloko talaga 'yang si Myla! Feeling Prinsesa, mahirap naman pala! Siguro ang plano niya eh kaibiganin tayong lahat tapos i take advantage ang pagiging rich natin!

Courtney: True!

Jewel: Pwede ba, huwag niyo ngang husgahan agad si Myla!

Britanny: And why not? Don't tell me after mong malaman ang pagsisinungaling niya eh kakampihan mo pa rin siya? Dapat magalit ka sa kanya because she's a freaking liar!

HINDI NA SUMAGOT SI JEWEL AT UMALIS NALANG.

NAG NGITIAN SINA BRITANNY AT COURTNEY.
••••••••••••••••••••
*CLEDERA'S MANSION*

MAGKAUSAP SINA JOAQUIN AT AGUSTIN.

Agustin: Sir, kanina ko pa napapansin sa kotse na balisa kayo ah? Okay lang po ba talaga kayo?

Joaquin: Actually, hindi.

Agustin: Sabi ko na eh. May kinalaman po ba dito 'yung babaeng muntik ko nang mabangga? Sino po ba talaga 'yung babaeng 'yun Sir?

DUMATING SI KELLY.

Kelly: Babae? Sinong babae ang pinag uusapan ninyo?

NATIGILAN SI AGUSTIN.

Agustin: Ah eh Ma'am Kelly, kanina kasi may muntikan na kaming mabanggang babae kaya nag alala po si Sir.

Kelly: Really? Eh kamusta naman yung babaeng 'yun?

Joaquin: She's okay. Don't worry.

Kelly: Hay nako, baka naman modus lang niya yun noh! Marami nang gumagawa ng ganun ngayon. Kunyari magpapasagasa para perahan ang may ari ng kotse.

Joaquin: Hindi siya ganun!

NAPALAKAS ANG BOSES NI JOAQUIN. NABIGLA SI KELLY.

Kelly: Are you okay Honey?

Joaquin: I'm sorry. I mean, hindi naman siya nanghingi ng pera sa amin kaya hindi naman siguro siya ganung klaseng tao.

Agustin: Oo nga po Ma'am Kelly. Mukhang mabait naman po siya. Umalis nga po agad eh nung nag sorry kami.

Kelly: Edi mabuti naman kung ganun. Basta next time mag ingat ka sa pagda drive mo ha? Anyway Honey, aalis ako dahil may ka meeting akong client.

Joaquin: Okay sige. Mag ingat ka.

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon