Chapter 29 (Lilibeth VS Kelly)

0 0 0
                                    

Huwag Kang Susuko
Chapter 29
"Lilibeth VS Kelly"

*Morales Mansion*

KAUSAP NI NESTOR SI NELO.

Nestor: Kailan ba 'yang Mister & Miss Gabner na 'yan para makapunta naman ako at masuportahan ko ang anak ko?

Nelo: (Ngumiti) Talaga po, pupunta kayo?

Nestor: Oo naman. So kailan nga ba 'yun?

Nestor: Eh sa susunod na Biyernes na po Dad.

Nestor: Tamang tama, wala akong schedule nun kaya makakapunta ako. Galingan mo ah? Dapat manalo ka. Hehehe.

Nelo: Gagalingan ko po Dad para maging proud po kayo sa akin.

Nestor: I'm always proud of you, son.

NAKANGITI NAMAN SI MANANG CONCHITA HABANG PINAGMAMASDAN ANG DALAWA.

*EVANGELISTA RESIDENCE*

KAKAALIS LANG NI RAFAEL UPANG PUMASADA NG TAXI. HINDI PA KASI PWEDENG ILABAS ANG BAGONG BILI NILANG SASAKYAN DAHIL WALA PA ITONG MGA PAPELES.

NAKAUPO SI LILIBETH SA LAMESA HABANG NAGLILISTA NG MGA BIBILHIN NIYANG PANG SAHOG SA MGA LULUTUIN NIYANG ULAM.

MAYA MAYA AY MAY KUMATOK SA PINTO NG BAHAY NILA.

BINUKSAN NI LILIBETH ANG PINTO AT NATIGILAN SIYA NANG MAKITA KUNG SINO ITO--SI KELLY KASAMA ANG KAIBIGAN NITONG SI TRACY.

Lilibeth: Ikaw? Anong ginagawa mo dito?

Kelly: (Ngumiti) Hindi mo man lang ba ako papapasukin sa maliit at panget niyong bahay?

Lilibeth: Hindi ka welcome sa bahay namin kaya umalis ka na!

Tracy: Grabe ka naman, si Kelly Cledera na 'yan oh? Magpasalamat ka pa nga eh na pinuntahan ka niya dito sa mabahong lugar ninyo!

Lilibeth: Bakit ako magpapasalamat? Hindi ko utang na loob na nagpunta kayo dito dahil unang una, hindi ko kayo kilala, pangalawa wala akong balak na kilalanin kayo!

Kelly: Hmmm... Okay sige ganito na lang, let's just say na nandito ako para balaan ka na layuan mo ang asawa ko!

Lilibeth: Ginawa ko na 'yan matagal na panahon na! Masaya na ako sa buhay ko kaya huwag kang mag alala dahil sa'yong-sayo na ang asawa mo!

Kelly: Talaga? Siguraduhin mo lang dahil kapag nalaman ko na nilalandi mo ang asawa ko, papatayin kita!

Lilibeth: Sa tingin mo ba natatakot ako sa'yo? Baka gusto mong ikaw ang patayin ko ngayon? Tandaan niyo, trespassing kayo sa bahay namin at kapag pinatay ko kayo dito, pwede kong sabihin sa mga pulis na ipinagtanggol ko lang ang sarili ko laban sa inyo!

Tracy: Nakakatakot ka naman pala!

Kelly: Hmmm... As if kaya mo ako!

ITINULAK NI KELLY SI LILIBETH AT NAPAATRAS ITO.

Lilibeth: Ahhhh!!!

Tracy: Oh ano, lalaban ka?

Lilibeth: Hmmmm Sandali, hintayin niyo ako dito!

PUMASOK SI LILIBETH AT KUMUHA NG KUTSILYO TSAKA BUMALIK SA PINTO AT TINUTUKAN SINA KELLY AT TRACY. NABIGLA AT NAPAATRAS ANG DALAWA.

Tracy: Ayyyyy!!!

Lilibeth: Ano? Aalis ba kayo o gi-gripuhan ko ang mga leeg niyo!?

Kelly: How dare you!

Lilibeth: Don't dare me!

Tracy: Friend! Tayo na baka mamatay pa tayo ng wala sa oras!

Kelly: Hindi pa tayo tapos Lilibeth! Malaman ko lang na nilalandi mo si Joaquin papakainin kita ng bala!

Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon