Huwag Kang Susuko
Chapter 15
"Courtney's Plan"*EVANGELISTA'S HOUSE*
NASA KWARTO NILA ANG MAG ASAWANG RAFAEL AT LILIBETH AT NAG UUSAP.
Rafael: Ang laki pala ng bahay nung kaibigan ni Myla eh halatang mayaman, mansion! Kaya siguro napilitan ang anak natin na magpanggap na mayaman din dahil nahihiya siya.
Lilibeth: Hay, alam mo Rafael balang araw magiging totoo din ang pangarap ng anak natin. Kapag naging successful yung investment na pinasukan natin, unti-unti makakaipon din tayo at makakahanap ng mas magandang bahay.
Rafael: Sana nga kasi kung etong pagta-taxi ko lang ang aasahan eh hindi naman tayo makakaipon. Pasensiya ka na ah? Ito lang kasi ang alam kong gawin eh.
Lilibeth: Ano ka ba, ayos lang. Alam ko naman na nagsisikap ka ng husto para sa amin ni Myla eh.
NIYAKAP NI RAFAEL SI LILIBETH.
Rafael: Salamat mahal ko.
Lilibeth: (Ngumiti) Salamat din Mahal ko. Anong oras mo pala susunduin si Myla?
Rafael: Bago mag alas dose.
Lilibeth: Oh may limang oras ka pa para magpahinga. Matulog ka muna, gigisingin na lang kita.
Rafael: Sige.
•••••••••••••••••
*CLEDERA MANSION*KUMAKAIN NA ANG MGA BISITA.
SA TABLE NINA MYLA, MAGKAKAUSAP SILA.
Lyne: In fairness Myla ah, ang ganda ng dress mo. Siguro mahal yan?
Myla: Naku, hindi. Mura lang ito.
Jewel: Sus, pa humble pa. Bagong bili 'yan no? Mukhang pinaghandaan mo talaga ang birthday ni Britanny ah?
Myla: Syempre kasi gusto ko naman medyo maayos ang istura ko diba?
Nelo: Eh kahit ano namang isuot mo eh babagay naman sa'yo.
NAMULA SI MYLA.
LUMAPIT SA KANILA SINA SYD, JUAN AT ZALDY.Syd: Hi Myla, you look great.
Myla: Thank you.
Zaldy: Grabe yung entrance mo kanina ah, saktong sakto sa paglalakad ni Britanny hahaha. Para tuloy ikaw yung birthday celebrant kanina kasi pinagtinginan ka rin ng mga bisita.
Juan: Oo nga, ang ganda mo kasi eh.
Myla: Hala grabe naman kayo. Nagkataon lang naman na kakarating ko lang nun eh.
Syd: Basta you look stunning tonight. Pwede ba kitang isayaw mamaya?
Myla: Ha? Eh diba escort ka ni Britanny? Dapat siya ang isayaw mo noh.
Nelo: Oo nga naman. Hindi mo dapat iniiwan si Britanny kasi ikaw ang escort niya.
HINDI NA NAGSALITA SI SYD.
•••••••••••••••••••••••••••
SA TABLE NINA COURTNEY, DIANE, LIZZY AT ELLE.LUMAPIT SA KANILA SI BRITANNY.
Britanny: Ayos lang kayo dito girls?
Diane: Yeah!
Lizzy: In fairness, ang sarap ng food!
Britanny: Buti naman nagustuhan niyo.
Courtney: Britanny, look at Myla, parang gusto niya talaga na sapawan ka eh. Kanina nga nung grand entrance mo eh bigla nalang siyang sumulpot at nagpapansin. She stole your moment! Napaka attention seeker talaga niya!
BINABASA MO ANG
Huwag Kang Susuko (Don't You Give Up) SLOW UPDATE
Fiksi RemajaSi Myla, Maganda, mabait, masayahin, sikat, kinaiinggitan, mayaman at halos nasa kanya na ang lahat! Ngunit mayroon siyang isang lihim na hindi alam ng lahat... Hindi siya isang Prinsesa gaya ng inaakala ng iba. Anak mahirap lang siya na mataas ang...