Halata [TagLish]

780 25 0
                                    

“Maria, kailan mo ba ako kakausapin?” makulit na tanong ni Gray habang nakaupo sa harapan ko sa loob ng library

Yumuko ako para pigilan ang inis. Oo, gwapo siya pero shit nakaka-off 'yong pagiging makulit niya. Naiirita ako, wala akong peace of mind! Namimiss ko na ang inner peace ko, naman eh!

Inangat ko uli ako ulo ko at ningitian muna siya. Kumuha ng kapirasong papel at nagsulat kung saan niya ako pwedeng kausapin.

donttalkme@pleaselang.com

Pagkabigay ko sa kaniya ay tumakbo na lang din ako bigla. Baka mangungulit na naman sa akin 'yon eh. Nauumay na ako, please lang!

“Hoy Maria, akala mo ang ganda mo na porket hinahabol ka ni Gray?” epal ng kaklase ko habang nakaupo ako sa assigned seat ko at nagbabasa

Tinignan ko siya ng masama. Ewan ko ba kung anong nakain ng mga 'to at nabubuhay na lang lagi sa inggit at pagiging tsismosa. Walang magawa sa buhay, kaloka.

Oo, aaminin ko hindi ako kagandahan pero may maipagmayabang naman ako! Cute ako eh. Maliit mukha ko at makurba ang labi. Malaki rin mata ko na mas lalong nakapagpa-cute sa akin kaya yes, alam kong inggit lang sila.

Ang di ko alam ay kung bakit kinukulit ako niyang Gray na 'yan eh hindi ko naman close 'yan at hindi ko pa nakakausap. Aba, edi ang tawag doon, maganda talaga ako.

Umirap ako at tsaka siya tinignan ulit ng masama kasi ngumiti ito bigla sa akin. Istorbo sa pagbabasa!

“Sensiya na, di ko kayang makipagplastikan sayo.” sabi ko na lang sa kaniya

“Di mo kaya?” nanunudyo nitong sabi sa akin

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.

“Ay sorry gurl, talo na ako. Specialty mo 'yan eh.”

“Sabagay, hanggang pagfefeeling maganda lang kaya mo hahaha.” nakaka-asar ang tawa nito kaya tinignan ko siya ng masama ulit

“At bakit ang sama ng tingin mo?! Natamaan ka na hindi ka maganda?” mataray nitong sabi sakin

Tumayo ako kaya nagulat at lumaki ang mata niya, ibinagsak ko ang libro eh. Wala lang, para magmukhang intense.

“Eh ikaw? Bakit ang sama mo tignan?” at ipinasok ang libro sa bag ko

Bago pa makalabas sa room ay nagsabi pa ako ng,

What a terrible day to have eyes” na halatang inaasar siya

Narinig ko ang sigaw niya kaya nangisi ako. Pag pikon, talo. Lakas ng loob ah.

Nasa likod ako ng building ng nakita ko ulit si Gray na nasa harapan ko na naman. Kailan pa ito nasa harapan 'ko?

“Bakit mo ba talaga ako sinusundan?” inis na tanong ko sa kaniya

“Kasi nga, gusto kita.”

Noong di ako nagsalita at tinignan lang siya, ay nagpatuloy naman siya.

“Remember the day you told me at the library, “Kahit na hindi mo gusto ang isang bagay, pero pag ito nakakuha ng atensiyon sa mata mo, malaking bagay na 'yon kasi nakaka appreciate ka ng hindi mo napapansin.”

“Doon pa lang napasabi ako ng, “Astig, gusto ko na ang babaeng 'to.”

Napahawak ako sa noo ko, iyon siguro ang panahon na 'yon na nagbabasa siya ng libro pero kitang kita ko na napipilitan lang siya pero natapos din naman at napangiti kaya alam kong nagustuhan niya rin ito sa huli.

“Tulad ko, noong una hindi kita gusto kasi ang tahimik mo lang.”

“At ako pa ang mag-a-adjust sayo ha?”

“Hindi, pero kalaunan napagtanto ko rin na ikaw lang ang may sense na kausap at matino sa atin.”

“Hindi man halata pero gusto ko 'yong mga taong maraming alam at mulat sa reyalidad.”

“Di nga halata.”

“Kaya Maria, gusto ko sana manligaw. Gusto pa kitang kilalanin.”

Hindi ko man ipinahalata, pero natatawa ako. Di ko alam, di ko rin naman pinaririndihan ang narinig ko. Baka kasi nagustuhan ko rin sinasabi niya at ayaw ko lang tanggapin kasi maarte ako. Hmp.

Ngumiti ako sa kaniya.

“Gray, please lang, umalis ka na at isama mo na lahat ng gusto mo.” sabi ko sa kaniya

Ngumiti rin ito sa akin.

“Edi sasama ka sa akin?” nakangisi nitong tanong

“Hindi pa ba halata?” sagot ko pabalik sa kaniya at ningisihan na rin

Poetries & StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon