Nanlulumo akong tumingin sa kapirasong papel na hawak ko na may lamang mga marka ko sa skwelahan. Paano ko sasabihin kay Mama na may dalawang bagsak ako? Nanlalamig akong pumasok sa bahay namin at saktong nakita ko si Mama na nanunuod ng paborito niyang teleserye. Nanginginig akong umupo sa tabi niya. Sasabihin ko na lang ang totoo, wala na akong pwedeng gawing paraan, mahirap na.
" 'ma, 'ma, may bagsak po ako, dalawa" mahina kong sabi
Tumingin lang si Mama sa akin na nagtagal ng ilang minuto, mas lalo pa akong kinabahan ng umayos ito ng upo at ngumisi
"Hindi ang malalaking marka ang basehan kung gaano katalino ang isang tao 'nak, kung magaling kang dumiskarte sa buhay aba'y talagang uunlad ka. Hindi dahil ay may bagsak ka ngayon ay susuko ka na, magsumikap ka sa ibang pagkakataon. Ano? Tara walwal? Ipagdiwang natin 'yan" mahinahong sabi ni Mama at saka tumayo na papuntang kusina
" 'Ma, you're the
Woman" naiiyak kong sambit
BINABASA MO ANG
Poetries & Stories
Mystery / ThrillerP O E M S / P O E T R Y / SHORT STORIES Hello! This book is a compilation of poems, poetry, and short stories. The languages used are Filipino and English. The dialect used is Cebuano. Thank you so much for reading this! Thank you, Canva, for the...