Maria [TagLish]

705 20 1
                                    

📌 trigger warning: rape 📌

Umuulan na naman ng nakita ko siyang nakaupo sa motor niya, ni walang payong o sumbrero sa ulo. Hinahayaan niya ang sarili niyang mabasa sa ulan habang malalim ang iniisip. May awa sa mata ko siyang tinignan hanggang sa nakalampas na ako sa kaniya. Wala na ako sa plaza pero di man lang niya ako tinapunan ng tingin.

Sa sumunod na araw, nakauniporme ako sa subject naming PE hanggang sa uwian ng klase. Last subject kasi namin at nakakatamad na magbihis ng uniporme naming palda. Kumakain ako ng ice cream habang nakaupo sa paborito kong bench sa plaza— paborito kong pahingahan bago umuwi kasi dito ang daanan pauwi sa amin.

Nakita ko na naman siya, ang lalaking laging nadadaanan ko lunes hanggang biyernes sa kabilang bench. Ayaw ko roon kasi walang puno at naiinitan ka sa araw at walang masilungan pag umuulan. Gwapo siya at maporma pero nararamdaman ko sa presensiya niya na may dinaramdam siya. Di ko masabi agad kung ano 'yon.

Malungkot? Galit? Pagsisisi? Wala sa sarili? Ewan, di ko talaga alam kung ano talaga 'yong nararamdaman niy kaya pati ako nalilito na rin.

Ilang minuto ko rin siyang tinitigan pero di man lang siya napatingin sa gawi ko. Medyo nalungkot ako, kasi parang crush ko na siya, eh paano ba naman kasi araw-araw ko siyang nakikita.

“Hm? Yes, I am here.” rinig ko galing sa kaniya ng napadaan ako sa harap niya

May kung anong pumitik sa puso ko ng nakita ko siyang ngumiti, hindi lang iyon dahil nakita ko siyang may hawak na bulaklak at ang linis pa ng porma niya.

Napatingin ako sa puti kong dress, galing kasi akong simba kasama ang mama ko. Napatingin din ako sa porma niya, puti rin. Napaisip ako kung girlfriend niya ba ang katawagan niya at naghihintay siya sa kaniya rito.

Favorite place nila ito?

Umiling ako at pinikit ang mata, para kasing ang bigat ng puso ko at parang may ayaw tanggapin sa isip ko. Hinabol ko na si Mama at hinawakan ang braso niya, napatingin sa akin si Mama kaya ngumiti ako, ang ganda niya pa rin talaga kahit may katandaan na siya. Ang sabi ng iba mana raw ako sa Papa ko pero kuhang kuha ko ang mata ni Mama— kung saan ang asset ni Mama na nagustuhan ni Papa. Ngumiti ulit ako pero hindi man lang ngumiti si Mama.

Lumakad na kami at dinaanan namin ni Mama ang paborito naming karenderya at binili agad ni Mama ang paborito kong ulam, napatalon ako sa saya at niyakap si Mama, tumingin si Mama sa akin at ngayon ay nakangiti na siya kaya ngumiti rin ako pabalik.

Pagkatapos ng hapunan ay naglinis na ako at naghanda na sa higaan ko. Lunapit ako kay Mama para magpaalam sa kaniya na matutulog na ako kaso nakita ko si Mama na nagdadasal kaya di ko na lang muna siya dinisturbo.

Humiga na ako at hinayaan ang sarili ko na mahulog sa malalim na tulog. Bago pa ako makatulog ay naramdaman ko na may humawak sa kamay ko at nagsabi ng, “Good night, anak. Mahal kita.” Kaya napangiti ako.

“Maria! Bakit ka nandito ha?!” galit na sabi sa akin ni Lester

Umiiyak akong tinignan siya at hirap na hinahabol ang hininga ko.

“Lester, monthsary natin ngayon at ang sabi mo busy ka! Pero bakit ka nandito sa bahay ng kaibigan mo at nakikipag-inuman? At ano, may babae pang kayakap!” galit ko ring sigaw at hinampas ang dibdib niya

“Tangina naman, huwag muna ngayon pwede ba?! Umuwi ka na!” huling sabi nito sa akin at iniwan na akong mag-isa na umiiyak

Napabangon ako bigla at hinawakan ang mata ko, bakit ako umiiyak? At hala? Bakit pangalan ko 'yong nandoon? Sino si Lester?

Hinabol ko ang hininga ko at napatitig sa kawalan. Bakit parang apektado ako? Ang sakit at bigat ng puso ko sa napaginipan ko, nalilito akong tinignan ang kamay ko na may luha galing sa mata ko.

Poetries & StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon