Pretends [TagLish]

1K 32 0
                                    

”Marciana!”

Napatigil ako sa paglalakad ng narinig ko ang pamilyar na boses ni Amiya sa kalayuan. Lumingon ako at nakita ko siyang nakatayo sa malaking puno at kumakaway, marahil ay nagpapasilong dahil na rin sa kainitan ng panahon. Nahagip din ng mata ko ang magkabarkada na nakaupo lang, sina Beb, Caesius, Xven at Vi Vid.

“Halika rito!” sigaw ulit ni Amiya

Wala akong nagawa kundi maglakad palapit sa kanila. Magkakaibigan kami pero sa aming lahat ako ang pinakatahimik. Nagising na lang akong kaibigan ko sila pagkatapos ko silang tulungan sa kanilang kaaway.

“Nandito na ang mandirigma!” pabirong sigaw ni Beb

“Hoy! Hoy! Yumuko kayo sa reyna mga kawal!” pakikisabay naman ni Xven at yumuko talaga

“The strong woman is here! Bow down people, give her some respect! Tenenen~” sabad naman ni Caesius

Tahimik ko lang silang tinignan habang may maliit na ngiti sa aking labi. Napatawa ako ng binigyan sila ng tig-iisang batok ni Vi kaya napangiwi sila at hinimas ang ulo. Ang kukulit kasi, ayan tuloy.

“Magsitigil nga kayo para kayong mga unggoy eh” saway ni Amiya

Humarap naman sa akin si Amiya na may nahihiyang mukha, medyo namula ang pisngi at kumibot ang labi. Si Amiya ang seryoso sa magkakabarkada, si Caesius at Xven ay parehong makukulit pero seryoso naman sa pag-aaral, si Beb siya yung tipong playful pero sweet at si Vi yung medyo sadist pero mabait din naman.

“Uh, Marciana? Pag pasensiyahan mo na ang barkada ha ganiyan lang talaga sila kakulit. Uhm, gusto ko lang pala magpasalamat sa ginawa mo sa amin noong isang araw, salamat sa pagtulong mo kung hindi nako baka pilay kami ngayon, yung mga lalaki kasi mga bakla takot masugatan ang mukha. I hope sana lahat ng tao kagaya mo, matapang, walang kinatatakutan, walang problema at free will. Kaya salamat talaga” nakangiting sabi nito

Tahimik lang akong nakahiga sa kwarto ko at parang sirang plaka ang sinabi ni Amiya sa akin kanina, paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko. I wonder why she said that? Palaisipan sa akin kung bakit niya naisip iyon kung kakakilala pa lang namin?

Isa akong tipong babae na tahimik kahit saang lugar ako mapunta, tahimik ako kahit maraming tao o wala, minsan lang rin ako tumawa. Ang masasabi ko lang ay, makikita nila ang totoong ako pag magiging close na kami. At lalo na, hindi ko hilig ang magkwento ng aking problema.

Ang tapang mo..

Strong woman..

Napawi ang ngiti ko ng maalala ko ulit ang sinabi nila. How ridiculous, that they don't even know all the time I was pretending, I act like there's nothing happened so they would thought I am strong

pero ang hindi nila alam, I am so broken and so messed up inside. Only I know, how painful I was.

Kinabukasan ay late akong nagising kaya late na rin akong napunta sa school. Sa kamamadali ko ay di na ako nakapag almusal at nakapagsuklay. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko ng narinig ko ang pag bell, senyales na ico-close na ang gate.

“Woah! Nagtransform si Marciana as cheetah ang bilis tumakbo” rinig kong sigaw ng kung sino ng nasa hallway na ako

“Finish it! Finish it!”

Napailing lang ako, nasa second floor pa ako at ang room ko ay nasa fourth floor pa. Kaya mo ito Marciana! Go lang ng go!

Napahingal ako at tinukod ang kamay ko sa tuhod ko ng narating ko na ang room ko, napangiti ako ng di pa naisarado ang pinto. Having a big faith in yourself is the best! Believe in yourself and don't put any negative thoughts in your mind if you don't want yourself to be ashamed and down. Be a believer!

Tumakbo ulit ako papunta na sa pinto, kasing bilis ng takbo ko ang cheetah pero nabigla na lang ako ng nag slowmo ang paligid ko.

“Oh.. My.. Gosh”

Bigla na lang akong tumilapon at nabagok ang ulo ko sa dingding at ang nabangga ko naman ay napaupo lang pero marami ang umaaligid dito. Nahihilo ako pero nakaya kong tignan sila Amiya para manghingi ng tulong pero busy sila sa pagpapaypay at pag-asikaso sa kaklase namin. Napaupo lang ako rito at naghihintay na may tutulong sa akin.. pero wala. Lahat sila busy at lahat ng atensiyon nila nasa kaniya.

Hindi ba nila napansin na ako ang mas nasaktan?

"Kane.. sorry” mahinang sambit ko pero sakto na marinig niya ito. Tumalim lang ang mata nito at di na ako pinansin

Napansin kong tinayo siya ni Xven si Kane. Napadaan sila sa harap ko at nasaktan ako sa sinabi ni Beb

“Kaya mo na 'yan, matapang ka eh. Sige una na kami” sabi nito at umalis na sila

I believe people should not be judged before one takes the time to get to know them. Nadismaya ako sa pakikitungo nila sa akin

Napayuko ako at tahimik na umiiyak, is there anything I can handle? I am too broken. Wasak na wasak na ako pero heto ako at pilit na nagpakatatag because I don't want any of them feel pity towards me, I don't want any of them worry about me. I've been knocked down. Natalo na ako. May takot na ako. Lagi kong naramdaman ang sakit na halos di ko na kayang i-handle. But did they see me worst? No. Because every seconds, every minutes, every day, every month, every year, I am fighting. I never hides. I never run. Hahanap at hahanap ako ng paraan para makatayo sa sarili kong paa.

And realization hits me, you must stand on your own because someday no one will supports you.

That's the problem being the strong one, no one offers you a hand.

Tumayo ako, why would I give up? If..

I am a warrior

I am unbreakable and;

I am you.
--

Note: Credits to the rightful owner of the quote that I inserted.

Poetries & StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon