👩: Eliseo! Mahal na mahal kitaaaaaaa
👨: Tangina Persephone, di ako bingi!
👩: Uhm, sorry Eliseooooo~
👨: Psh..-
👩: Eliseo, knock knock!
👨: Pwede ba? Di ako interesado
👩: Ay sayang naman
👨: Psh.. lumayas ka nga-
👩: Eliseo mylaaaabs, may dala akong lunch, ako talaga nagluto niyan sana magustuhan mo yan, niluto ko yan with love mylabs
👨: Tss.
👩: Kunin mo na mylabs yieeee
👨: K. Gusto niyo?
👥: Salamat tol! Salamat dito Per.
👩: Ha? Teka lang para kay mylabs yan. Eliseooo saan ka pupunta?-
👩: E-eliseo..
👨: Ikaw na naman?
👩: Sinunud ko lang ang sigaw ng p-puso ko, mahal na mahal kita E-eliseo, bakit di mo iyon ramdam?
👨: Talaga? Alam mo ba yang pinagsasabi mo? I will never like you, Persephone. Wag mo na akong sundan, nakababa ka ng pagkababae
👩: P-per—-
👩: M-mama,
👵: Anak, may problema ka ba?
👩: Ma, 'di ba ako karapat-dapat na m-mahalin?
👵: Paano mo nasabi iyan, hija?
👩: H-hindi po kasi ako m-mahal ng taong mahal ko Ma, ang sakit sakit n-na po
👵: Just let him feel your love anak, don't force him to love you. Pag siya na mismo nagsabi na wala kang pag-asa, then stop. You don't force love okay? And you accept heartaches because that's what love means, sometimes, you need to let go.--
👩: Hi Eliseo!
👨: ..
👩: Gusto ko lang sabihin na, hayaan mo akong iparamdam sayo ang pagmamahal ko dahil sa oras na maubos ito, pangako, di na kita kukulitin
👨: Paki ko?--
👨: Gumising ka nga! Uwian na, bwisit bakit ba kasi ako pa ang inutusang gisingin ka? Tss
👩: S-sorry, natulugan ko ang pagkikinig ng mga kanta. S-salamat
👨: Psh--
👩: Eliseeeoooooo, sa oras na mawala ako, hahanap-hanapin mo ako. Mahal kitaaaa yieee
👨: In your dreams--
👵: Anak, happy birthday! mp3, iyan ang regalo ko sayo
👩: M-ma, salamat po! Mahal na mahal kita ma!
--Today is her birthday, at may surpresa ako na limang buwan ko ng pinaghahandaan. Since yesterday she's starting to avoid me, di ko mapigilang masaktan, di ko ginusto iyon pero iyon ang dapat kong sundin. May lumapit sa aking lalaki at tinapik ako sa balikat
"Pre, yung babae mo may kasamang lalaki, nagtatawanan at may payakap-yakap pa" sabi nito at umalis na
Pagkatapos kong marinig iyon ay nanginig ako at kinabahan.
Natatakot na mawala siya bigla ng tuluyan, pinaghirapan ko siya, dapat sa huli sa akin siya babagsak. Sa akin lang.
--
👨: Sino iyong kasama mo?
👩: Kaibigan ko lang iyon, selos ka? Yieee
👨: Psh--
11:37PM
"A-anong ginagawa mo?" nanginginig na sabi ni Persephone
"Lumuluhod sa iyong harapan. Sa loob ng limang buwan, alam kong nasasaktan ka sa mga kilos at salita ko. Kung paano kita iniiwasan at di pinapansin. Pero ang di mo alam, mas doble ang sakit na nararamdaman ko pag nakita kitang umiiyak, tiniis kong wag kang yakapin dahil baka di na kita mapapasa-akin. Sa loob ng limang buwan, I proved to your parents na karapatdapat ako pag naging tayo, na mahal na mahal kita higit pa sa pagmamahal mo. I wanted to give up, pero mas nanaig ang pag-ibig nating dalawa"
11:40PM
"Pagsinabi mo ng harap-harapan sa akin na mahal mo ako, nagpapanggap akong galit para lumayo ka sa akin baka bigla na lang kitang mahalikan. Ayaw kong pumatol sa mga pinang-gagawa mo baka di ka na makawala pa. Ang mga pagkaing binigay mo, kinuha ko rin agad sa mga pinagbibigyan ko. Hindi ako nagseselos dahil sobrang nagseselos ako. I will never like you dahil I will love you eternity. Di kita mahal, dahil mahal na mahal kita"
11:45PM
"Di ko pinagsisihan na gawin ko iyon, dahil doon ko nakita kung paano natin mapapanatag ang isa't-isa. Doon ko nakita kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa akin. Iyong mp3 na bigay ng mama mo? Sa akin galing iyon. I know how you really loves music so much and I know a key to your heart is hidden on your playlist. Lahat ng gusto mo, alam ko. Alam na alam ko"
11:50PM
"Malapit na tayong makapagtapos ng kolehiyo, di ko maipapangako na mabigyan ka ng marangyang buhay pero sisiguraduhin kung bibigyan kita ng kayamanan, at iyon ang pagmamahal ko. Sapat na siguro na naligawan ko ang pamilya mo para ikaw naman ang ligawan ko? I've been keep this diamond for a long time, di ako papayag na mawala ka sa akin ng biglaan. You are my treasure.Mahal na mahal kita, Per"
"E-eliseo" naiiyak niyang sabi
"Ikaw lang, ikaw lang " sabi niya at niyakap ako ng mahigpit
11:59PM
"Happy Birthday, my love" I said as I kissed her lips
"Mahal na mahal din kita"
12:00AM
You are the best that God have given me love, and our children's the greatest. Remember always that I love you. I will wait for you there love, and continue our own love story.
Love,
EliseoNapangiti si Per ng nabasa ito pagkatapos ng huling hininga nito.
BINABASA MO ANG
Poetries & Stories
Mystery / ThrillerP O E M S / P O E T R Y / SHORT STORIES Hello! This book is a compilation of poems, poetry, and short stories. The languages used are Filipino and English. The dialect used is Cebuano. Thank you so much for reading this! Thank you, Canva, for the...