Nakatitig lang ako sa kay Mama at Papa, hindi pinapakinggan ang mga sinasabi nila sa akin. Mga bilin bago sila umalis para sa kanilang trabaho. Sanay na naman ako, palaging naiiwang mag-isa. Trabaho. Pera. Trabaho. Pera. Iyon lang naman ang importante sa kanila. Bakit pa ako ginawa kung hindi naman pinapahalagahan?
"Ano itong nabalitaan ko na sinampal mo yung anak ng kapitbahay natin ha?! My God! Wala raw siyang kasalanan? Baliw ka ba?!" bungad ni Mama pagkauwi niya sa dapit hapon
Nasaktan ako. Ayaw kong magsalita baka umiyak ako bigla. Nabara ang lalamunan ko sa mga pinagsasabi niya. Bakit ganoon? May atensiyon siya sa iba, sa akin wala at ang masakit may tiwala siya doon kesa sa sarili niyang anak?
Totoo. Sinampal ko yung anak ng kapitbahay namin dahil sinabihan akong ampon lang daw ako kaya hindi ako mahal ng magulang ko. Nasaktan ako. Nagalit. Kaya natural na reaksiyon yun, wala naman akong gagawin kung di niya ako inunahan.
"Ano na naman ba itong nabalitaan ko ha?! Lagi ka na raw'ng hindi pumapasok sa skwelehan? Hindi kami nagpapapagod para lang aksayahin mo ang pera! Tanga!" bungad ni Papa sakin kinabukasan
"Bakit di kayo ang maghanap ng rason kung bakit? Responsibilidad niyo 'yan!" gusto kong isagot kaso mas pinili ko ang manahimik na lang
Pagkalipas ng ilang buwan, wala pa ring pinagbago, nadagdagan lang dahil mas lumala ako.
Nasa hapag-kainan kami ngayon, tulala at hindi masyadong kumain. Si mama at papa naman ay tahimik lang rin pero kita ko sa mga mukha nila ang galit at pagod.
"Ano na naman itong nabalitaan ko na bagsak ka sa lahat ng subjects mo?"
"Nagdu-druga ka raw sabi ng kapitbahay natin"
"Ano itong nakipag-away ka sa kapitbahay natin?
"Baliw ka ba? Sumagot ka!"
"Hindi." simpleng sabi ko
"Ilang buwan ka ng ganiyan! Baliw ka na!" sigaw ni Mama "Wala akong baliw na anak!"
Natigilan ako.
"Ako baliw?" pagak akong tumawa "Seryoso ba kayong baliw ako?"
"OO!" sigaw ulit ni mama
"Pwes nagkakamali kayo!" matigas kong sabi kaya napatigil sila Mama at Papa
"Akala niyo madaling tanggapin na mas pinaniniwalaan niyo ang ibang tao kesa sa sarili niyong anak?! OO! Mukha na akong baliw sa paningin niyo o sa ibang tao dahil nakakapagod ng ipakita ang emosyong matagal ng nagpapansin sa inyo! Wala na kayong ginawa kundi magpaparami ng pera hanggang sa nakalimutan niyong may anak kayo."
"Ma, Pa, ang sakit sakit na, napakasakit na dahil hanggang sa panaginip lang ako nagkakaroon na may masayang pamilya. Naiinggit ako sa iba dahil kahit hindi man sila mayaman, buong-buo pa rin ang pamilya nila at mukhang masaya. Gustong-gusto ko maramdaman kung ano ang feeling pag sisusuklayan ka ng nanay mo, kakwentuhan mo, kabonding ang Papa mo, kapicnic lahat ng pamilya mo, at mahal na mahal ka ng mama at papa mo. Pero ma, pa, hindi eh, dahil busy kayo sa potanginang pera na iyan!" naiiyak na sabi niya habang dinuduro sila
"Hindi bagay, hindi ang malaking bahay, lalo na ang pera ang kailangan ko! Alam niyo ba kung ano? Alam niyo ba? Hindi! Dahil wala kayong puso at nabulag sa kayamanan! Ang kailangan ko lang ay ang—
ORAS NIYO...
"Anak, sorry sorry sa lahat ng pagkukulang namin" naiiyak na sabi ng may edad na babae habang yakap yakap ang isang larawan
PRESENSIYA NIYO...
"Anak patawad lahat ng kasalanan na nagawa namin, patawad dahil nabulag kami, patawad dahil naranasan mo ito" naiiyak din na sabi ng isang may edad na lalaki hawak ang isang bugkos ng bulaklak
AT PAGMAMAMAHAL NIYO...
"Anak alam naming sobrang huli na kami pero sana marinig mo ito, mahal na mahal ka namin. Patawad dahil naging makasarili kami at nagawa ka naming limutin. Patawad dahil—"
Hindi na nagawang tapusin ang sasabihin ng ginang dahil naninikip na ang dibdib nito sa kaiiyak habang tanaw ang anak niyang nakahiga sa kabaong na may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Poetries & Stories
Mystery / ThrillerP O E M S / P O E T R Y / SHORT STORIES Hello! This book is a compilation of poems, poetry, and short stories. The languages used are Filipino and English. The dialect used is Cebuano. Thank you so much for reading this! Thank you, Canva, for the...