Bakla [TagLish]

1.6K 48 5
                                    

[WARNING: FOUL WORDS]

"Tangina mong bakla ka! Napakalaki mo na napakamanhid! Babae ka diba?! Babae ka?! Bakit di mo ramdam itong babae kong puso ha?! Tangina mooooo panagutan mo ako bweseeeet" malakas na sigaw ko sa baklang ni-walk-out-an ako pagkatapos ko na namang umamin sa nararamdaman ko.

Napangiwi ako ng makita kong kumekembot pang naglalakad ang bakla. Pvta mas babae pa sa akin? Lalakad na sana ako ng marinig ko ang kaklase kong nagtatawanan

"Lodi ka talaga tibo!" natatawang sambit ng kaklase kong lalaki

Ningisihan ko lang siya at binigyan ng pakyu sign at tumuloy na sa paglalakad

Habang naglalakad ako, napaisip ako kung bakit ko siya mahal. Tangina di nga rin ako makapaniwala eh, na sa bakla rin pala ako babagsak? Napatawa ako ng malakas ng bumalik sa isipan ko ang mukha niyang nandidiri, partida ang arte pero sheet napaka gwapo! Sayang ang lahi! Lumingon ako sa kaliwa kasi feel ko na may nakatitig sa akin

Pag lingon ko, tumigil ang mundo ko, nagslowmo ang paligid ng saktong sakto na tumama ang mata namin. P-pahr yung puso ang bilis ng tibok! Shet in love nga ako sa baklitang to!

Pero naputol din iyon ng umirap siya sa akin at nagsimula na namang maglakad

Boom. Wasak. Ang. Puso. Kong. Nagmamahal.

Actually, matagal ko na itong ginagawa, mga second month siguro na nagsimula na ang klase. Wala eh, nabihag ako ng walang ka alam-alam. Hinahabol ko siya sa loob ng pitong buwan na. Daig ko pa ang lalaki tarantado!

Bagong araw, makikita ko na naman ulit siya. Tengene dude nagpaganda ako ngayong araw, nakalugay buhok ko at nag liptint pa ako kahit na ayaw ko. Nakayellow floral dress din ako above the knee. Kinakabahan ako potangina!

Ayan na, nasa harapan ko na naman siya. Tumikhim ako

"Bakla! Mahal na mah—"

"Ako na ang magte-tell sa'yo, stop it girl! You are so nakakairita na ha? Hindi ka ba nagsasawa sa mga pinanggagawa mo? Kasi ako matagal na! Hindi ka ba nahihiya? Napakababae mo tapos ito ang gagawin mo? Nonsense! Give respect to yourself naman girl, dahil kahit kailan di kita kayang mahal— OMG so nakakasuka argh. Lalaki rin ang bet ko hope you are aware of that right? Sa lagay mong iyan walang magtatangkang mahalin ka. So stop this na girl, because never kitang m-mamah— whatever. Let's go girls"

Sa pagka-alis nila saka tumulo ang luha ko at pagak na tumawa. Ayos na araw ito pahr.

As realizations hit me, ang taong nagbibigay sayo ng saya ay siya rin yung taong magbibigay sayo ng sakit. Tagos na tagos. Isa pang napagtantuhan ko, walang pili ang puso. Kahit babae, tomboy, lalaki o bakla, basta mahal mo, mahal mo. Hindi na kailangan ng rason kung bakit mahal mo siya. Tanggap mo siya kahit ano pa man siya.

Sa katayuan ko, nagmahal ako ng bakla, malas naman. Potanginang pag-ibig.

Pagkatapos ng araw na iyon, iniiwasan ko na siya kahit na labag sa kaloob-looban ko. Tangina kayo kaya? Nasanay na akong kulitin siya tapos ganito bigla? Ewan ko na lang.

Nagtatawanan kami ng kaklase kong lalaki habang naglalakad, sakto namang naglalakad din siya patungo sa direksiyon namin. Tinignan ko lang siya tapos iniwas ko rin agad ang tingin ko. Pvta nandito pa rin iyong sakit. Bakit ang tagal mawala ng potanginang 'to?

Kumakain na kami ng kaklase ko ng maramdaman kong may nakatitig sa likod ko, paglingon ko matalim na tingin ang bumungad sa akin. Nataranta akong bumalik sa pagkain ng lumukso ang puso ko. P-pisti bakit ganun siya? Pinapaasa niya ako sa kilos niyang iyon!

Ilang araw ding ganoon. Palagi ko na siyang iniiwasan at palagi din niya akong binabato ng matatalim na tingin

Uwian na pero nagpahuli kami ng kaklase ko saclassroom namin, medyo close na kami eh. Ramdam ko rin na wala ng katao-tao. Nagpapaturo kasi siya sa akin kung paano umamin sa nararamdaman.

"Ganito yan par wag kang matakot umamin kasi totoo yang nararamdaman mo at tap— aray napuwing ako ihipan mo nga par!"

Lumapit ang mukha niya ihihipan na sana niya ng biglang bumukas ang pinto

"What is the meaning of this?"

Kinabahan ako at nanlaki ang mata ng marinig ko ang boses niya. T-tangean si bakla!

Narinig ko ang takong ng kanyang sandal, pvta. Nagulat ako ng nasa tabi ko na siya at tinulak ng malakas ang kaklase ko

"You! I'm napupuno na sayo! Noong nakaraan ka pa dikit ng dikit sa kawayang babae na to! Get out of here dog! Shoo shoo" maarteng sigaw ng bakla

Wow ha, hiya naman ako sa boobs niyang foam lang.

Nagulat ako ng pinatayo niya ako at sinandal ako sa dingding. Ang wild pala niya, bet ko ituu. Napapikit ako ng hinampas niya ako sa dala niyang pamaypay

"I hate you! Sinabi ko lang na stop it! Hindi yung maghanap ka ng lalaki! I told you to stop it pero hindi yung pagmamahal mo sa akin! I hate you for making me feel jealous! Anong ginawa mo sa akin? You did gayuma to me bamboo girl!"

Napatawa ako at napaginhawa. Shit totoo ba ito? Tangina sarap sa feeling

"And bakit ka umiiyak?"

"Gaga ka! Malamang iiwasan kita dahil nasaktan ako. Marunong naman akong magparaya bakla ka. Kahit mahal kita, di kita pipilitin. Di ko ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin"

"But, mahal din kita"

Napaiyak na ako ng todo ng marinig ko ang salitang matagal ko ng hinihintay

"Tangina mong bakla ka, mahal na mahal din kita."

"Stop cussing! Hahalikan kita!"

"Sige nga!"

Napangiti ako at ninamnam ang halik niya sa akin. Parang biglang nawala ang bara sa puso ko at gumaan na lang bigla

Napangiti ako ng nakita ko ang mukha niyang namumula

"S-should I change?"

"Huwag. Wag mong pilitin ang sarili mo. Dahil sa pagiging bakla mo, doon din kita minahal ng todo at totoo"

"Akin ka na girl. Akin ka lang"

At hinalikan niya ulit ko. Shit. Gusto ko ito.

--

Poetries & StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon