Nakangiting nagtitipa si Jeanlie ng mensahe para ipaalam sa kanyang mga kaibigan na may bago na siyang selpon. Matagal siyang natapos sa pagtitipa dahil hindi pa siya sanay gamitin itong 'iPhone 5' at takot siyang may mapindot na makakasira nito.
"Mga bes! Like may bago akong cellphone, mom brought it for me, you know iPhone 5? Ha ha. Inggit kayo?"
Iyan ang nasa loob ng mensahe ni Jeanlie, nakaramdam siya ng saya ng nabasa niya ang mga replies ng mga kaibigan niya. Matagal na niyang pangarap na inggitan siya ng mga ito at ngayon ay natupad nga.
"Asa pa kayong ipapahiram ko 'to hihi" sabi ni Jeanlie
Lumabas siya ng kwarto at agad na bumungad sa kanya ang kanilang maliit na kusina at maliit na sala.
"Ma! Ano ang ulam natin? Nagugutom na ako!" galit na sigaw ni Jeanlie
Lumabas ang mama niyang may bula sa kamay marahil ay naglalaba ito sa kaniyang mga damit
"Anak, pasensiya ka na asin lang ang ulam natin ngayon, naubos kasi ang pera namin ng tatay mo sa pagbili ng bago mong selpon”
BINABASA MO ANG
Poetries & Stories
Mystery / ThrillerP O E M S / P O E T R Y / SHORT STORIES Hello! This book is a compilation of poems, poetry, and short stories. The languages used are Filipino and English. The dialect used is Cebuano. Thank you so much for reading this! Thank you, Canva, for the...