Alam mo ba? [TagLish]

3K 57 2
                                    

; ALAM MO BA?

"Alam mo ba, halos lahat ng taong nandito sa mundo pag nagmamahal sila ay masasaktan din sila?" sabi ni Jane, here we go again with her Trivia and Facts, araw-araw na lang tss

"Malamang, without pain it's nothing, hindi matatawag na pagmamahal iyon" inis kong sambit at tumayo na para umalis

"... but did you know kung ano ang pinakamasakit?" huminto siya at tumahimik " you need to hide the pain because the one you love didn't care, ni hindi niya alam na may nagmamahal na pala sa kanya ng patago" tumingin siya sa akin at ngumiti at nauna ng maglakad sa akin

Araw-araw na lang magaganap iyon, parang hindi siya mabubuhay kung hindi niya maiambag ang kanyang Trivia and Facts. It irritates me. Naiinis ako. Alam ko na yung mga pinagsasabi niya but she still keeps of doing that, alam na naming lahat pero gusto niyang inuulit. But little did i know, her Trivia and Facts become part of my daily life, naiinis ako, oo, pero parang di kumpleto ang araw ko kung di ko mararamdaman ang presensiya niya.

As usual, nakaupo na ako sa upuang para sa akin when Jane suddenly appears sa harapan ko, wearing her smile that make me stunned for a minute. Umupo siya sa harap ko at ngumiti ulit.

"Hi Dwight! This is my last Trivia and Facts for today. Alam mo ba? That reality isn't happy, it's not fun, it's painful and it hurts? Now you know hehe" she said

Before she can turn her back to me, I stared at her, I saw a glimpse of sadness in her eyes and she walks away.

Dumaan ang ilang buwan at hindi na niya ako pinapansin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit lagi na lang akong may hinahanap pero di ko malaman ang sagot at napakahirap nitong hanapin, and her eyes... di na mawala sa isip ko.

"Dwight, may pinapabigay sayo" sabi ni Kim at binigay sa akin ang pirasong papel

"Did you know that there are only two reasons when you change yourself? It's either you are inlove or you are in pain"

That time I was eager to meet her, alam kong siya yung nagpadala sa papel at tanungin siya sa mga potanginang katanungan ko na hindi ko masagot-sagot.

"Hello! Anong gusto mong malaman Dwight?" sabi niya kinabukasan

"Bakit hindi makatulog ang isang tao sa kaiisip?" madiin kong tanong

"D-dwight" ani Jane

"Hanep ka rin eh noh? Potangina! Pagkatapos mong guluhin ang isip ko saka mo ako di papansinin? Sinanay mo akong lagi mong pinapansin pero sa huli ikaw din itong iiwas? Gago ka ba?" mahabang linya ko

"Alam mo Dwight, may mga taong takot umamin sa kanilang nararamdaman kaya ang iba ay dinadaan na lang nila ito sa pangungulit o pang-aasar sa gusto nila" mahinahon nitong sabi pero nakatitig sa mga mata ko

"Did you know what you've done to me? Fuck! You give me a sleepless night, sa kahahanap ng sagot kung bakit di ka mawala sa isip ko? Bakit parang wala akong gana pag di mo ako pinansin? Kung bakit mo binabagabag ang buong pagkatao ko? Bakit nagagalit ako kung may kasama kang ibang lalaki? Bakit namimiss ko ang ngiti, presensiya mo? At kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kung lumalapit ka at magtama ang paningin natin. Ano? Sagutin mo! Diyan ka naman magaling diba?" sigaw ko sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang balikat

"D-dwight, m-mahal kita... pero nakakapagod kang mahalin!" naiiyak na sabi niya pero di ko yun pinagtuunan ng pansin

"Gabi-gabi kong hinanap ang sagot, sa libro, sa internet, pero wala akong maintindihan. Pero ng binigyan ako ng papel galing sayo doon ako nagkaroon ng ideya, dahil sa lintek mong Trivia and Facts, mas lalo kong nalaman ang sagot" sabi ko at lumapit sa kanya, lumaki ang mga mata niya ng ngumiti ako sa kanyang harapan

"Alam mo ba? Binuksan ko ang matigas kong puso at doon ko nalaman ang sagot ng mga katanungan ko. Alam mo ba ang binigay na sagot?" tanong ko sa kanya at mas lumapit pa

"H-hindi" nauutal nitong sagot

Ngumiti ako

"Mahal na rin kita, Jane"

fin

Poetries & StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon