"Pag lumingon ka..." bitin kong sabi habang pinaparinig ito kay crush kaso di siya lumingon
"Pag luming—" naputol ang sasabihin ko sana ng lumingon siya na kunot ang noo
"Ano?! Pag lumingon ako sayo lang ako? Ang luma na niyan!" medyo inis niyang sabi kaya medyo nainis din ako, nakisabay lang
"Ulol! Di iyon ang ibig kong sabihin!" inis kong sagot
"Eh ano?!" galit niyang sabi
"Pag lumingon ka, edi may leeg ka bobo! Pag lumingon ka edi may ulo ka! Pag lumingon ka edi narinig mo! At pag narinig mo di wala akong paki! Hindi lang ikaw ang crush ko! Punyetang assumero. Kita mo yang nasa harap mo? Sa gilid mo? Crush ko rin yan ulol."
BINABASA MO ANG
Poetries & Stories
Mystery / ThrillerP O E M S / P O E T R Y / SHORT STORIES Hello! This book is a compilation of poems, poetry, and short stories. The languages used are Filipino and English. The dialect used is Cebuano. Thank you so much for reading this! Thank you, Canva, for the...