Chapter 37: Two Days

2.1K 40 5
                                    

Chapter 37: Two Days

A/N: hi ate yam! I wanna dedicate this Chapter to you kase... napabalik mo yung utak ko sa pag-susulat and ikaw rin talaga ang inspiration ko. :) saka si Bryle ^^

anyways, eto na po.

---------------------

---------

Clyde's POV

Dalawang araw.

Dalawang araw ng nawawala si Heira.

hinanap ko na sya sa lahat ng lugar na pwede nyang puntahan pero... wala pa rin talaga. Hindi ko pa rin sya nakita at pati ang mga top notch P.I's hindi matagpuan ang kinaroroonan nya.

fuckshit!

Ni hindi ko man lng alam kung okay sya, ni hindi ko man alam kung ano na ang nangyayari sakanya, ni hindi ko man din alam kung nasa maayos syang lugar o kung kumain na sya.

kasalanan ko ang lahat ng 'to.

Heira's POV

Dalawang araw, dalawang araw na kaming nakatali dito. at dalawang araw ko na rin kinukulit ang mga tao dito na pakawalan kami at dalawang araw ko na ring itinatanong sa mga 'to kung sino ang may pakana nito.

this sucks...

"Kumain na kayo" utos ng lalaki sabay inalis ang busal sa aming bibig at kinalagan nya ang tali sa aming mga kamay.

nanatili lng akong nakaupo tulad ng ayos ko kanina. At ganoon din si Drake.

Drake is still conscious but I know that he's been struggling dahil sa pain. At alam kong hindi ito makakabuti sa kalagayan nya dahil may possibility na mainfect ang sugat nya and that could be bad for him.

kahit gaano kagutom ang sikmura ko pakiramdam ko ay... hindi ito tatanggapin ng sistema ko.

Hindi ko kailangan ng pagkain nyo. what I need is freedom

"kakain ka ba o hindi?"

Ngunit hindi ako umimik dahil wala talaga akong gana. and I don't wanna be fed by them.

"kung ayaw nyong kumain ede wag!" sabi ng isang lalaki sabay sipa sa platong nasa harapan namin.

Akala ko sa mga movies lng nangyayari ang mga 'to. yung kikidnapin tapos pag mamalupitan, pwede rin palang mangyari sa totoong buhay. Kaya lng ang reason ng pagkidnap sa movie ay... kidnap for ransom o di kaya naman dahil may taong galit sayo dahil malaki ang kasalanan mo dito or worse gusto kang ipapatay.

ang hindi ko lng maintindihan ay... kung bakit ako, kung bakit kami kinidnap. Wala naman sa mga nabanggit ko ang pasok sa sitwasyon ko. Hindi naman ako bata para ipakidnap for ransom, wala rin namang taong galit sakin pwera na lng sa fan club ni Clyde, at wala rin naman akong mabigat na kasalanan sa kahit na sino.

Pero... bakit ako andito? in short anong ginagawa ko dito? anong ginagawa namin dito?!

*phew.... grabe... hindi na nga maganda ang sitwasyon nagmomonologue ka pa Heira! tama na nga at mag-isip ka ng magandang gagawin para makatakas.

naputol ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng pagpatay ng makina ng sasakyan.

What's next?!

"Maligayang pagdating Boss. andito na ho sila" sabi nung guy #1

"magaling" sabi nung lalaking medyo pamilyar ang boses

habang papalapit sya ay.. pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang nararamdaman ko.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon