Chapter 25

7.7K 112 5
                                    

Chapter 25

January 13

Heira

Haay... Ang bilis talaga ng araw, parang kahapon New Year lang pero ngayon umpisa na naman ng panibagong taon. At umpisa na naman ng panibagong semester. Nangangahulugan rin na umpisa na naman ito ng hell week para sa aming mga Nursing Students. Haay... Sana lagi na lang bakasyon.

6:30 pa lang nang ay umaga nag-alarm na ang phone ko, kahit 12 pm pa ang pasok ay minabuti ko nang magising ng maaga ng sa ganun ay hindi ako malate, mahirap na at baka sa terror prof na naman ako matapat.

Babangon na sana ako para sana makapagluto nang breakfast at makapag-ayos ng maaga, hindi pa rin kasi ayos ang gamit ko pamasok, kaya lang hindi ko magawang tumayo dahil may nakadantay sa akin. Pinilit kong alisin ang kamay nya pero binabalik nya rin naman ito, kung sana magaan lang siya.

Pinilit ko naman ulit na alisin ang kamay nya, nagawa ko naman kaso hindi pa ako nakakatayo ay nagawa na nya ulit itong ibalik. Hindi ko tuloy alam kung pinagtitripan lang ako ng loko o talagang natutulog siya at wala pa sa wisyo.

"Matulog pa tayo" Aya ni Clyde on his bedroom voice

"Malalate na ako."

"Ang aga-aga pa kaya, hindi ka malelate."

"Magluluto pa ako, tapos mag-aayos ng gamit tingin mo di ako malelate kung hindi ko magagawa yun sa oras?"

"Anong oras na ba?"

"6:30" Sagot ko naman sa tanong nya

"Oh, maaga pa eh. Diba 12 ka pa, tulog na muna tayo ako na magluluto ng breakfast." Tapos pinalupot nya na ulit sa akin yung braso nya, hindi tuloy ako nakatanggi ang sarap kasi ng ganung posisyon.

"I know that you're still sleepy, kaya matulog na muna tayo please. Ako bahala sayo trust me."

💍💍💍💍💍💍

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ulit, leche anong oras na ba?! Nagising na lang ako ng may kung sinong bigla-bigla na lang nanghahalik sa labi ko.

"Ang hirap mo palang gisingin! Kanina pa ako sumiigaw dito, halik lang pala ang katapat mo." Reklamo ni Clyde

"Excuse me, madali lang akong gisingin no! Sabihin mong ang manyak mo lang, hinahalikan mo ako habang natutulog."

"Paano naman ako naging manyak kung asawa mo ako?! For your information I have the right to kiss you anytime I want."

"Tch... Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay tayo ng higaan

"Oh saan ka pupunta?"

"Maghihilamos malamang."

"No need, you look perfect." Napatahimik naman ako bigla sa sinabi nya haay... Ano ba naman, bakit ba ang lakas bumanat nito umagang-umaga eh.

"Magtotoothbrush lang ako."

"Wag na nga, kumain na lang tayo." Hindi tuloy ako nakapalag at nahigit na nya ako papunta sa kanya, pero wag kayong ano ha. Kakain lang kami, nagdala kasi siya ng breakfast dito sa kwarto.

"Tignan mo 'to may tulo laway pa."

"Tch... Akala ko ba ayaw mo akong maghilamos tapos sasabihan mo ko nyan! Bwisit!" Tumayo na ako para maghilamos pero hindi pa man ako nakakalayo ay nahigit na nya ako

"Nagjojoke lang ako, ito naman hindi mabiro. Bakit ba ang bilis mong mapikon? You know if may ginawa lang tayo iisipin kong buntis ka."

"Tch... Leche ka, kumain ka na nga lang, pagkatapos lumabas ka na sa kwarto ko!" Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang din ako.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon