Chapter 6.5: Off

5.5K 143 19
                                    

Chapter 6.5: Off

Heira's POV

"Eeee... dito ka rin pumapasok???" tanong ko kay Clyde

"hindi taga service lng ako.. Malamang, san pa ba ako mag-aaral ee.. pag-aari naming 'to" sabi naman nya

"ano hindi ka pa ba bababa? Sarap na sarap ka sa pag-upo sa kotse ko aa.." si Clyde

Eeee... talaga?? bakit hindi ko yun alam? Pero hindi ko na sinabi yan sakanya kasi baka batukan na nya ako

medyo nagbubuff pa yung utak ko sa mga impormasyong ngayon ko lng nalaman.. kaya medyo natagalan bago ako nakarecover at bumaba

Pagbaba namin pinagtitinginan lang naman kame sa paligid nagbubulungan pa nga e...

"Sino kaya yung mga yun? girlfriend nya kaya?" *Girl #1

"Malabo no! baka kapatid lang nya." *Girl #2

"uwaahh!! I love you Prince Clyde!" *girls

sigawan yung mga tao, este yung mga babae pala. Ngayon ko lang napag alamang popular pala 'tong nilalang na 'to. Never ko pa kase syang nakita sa University e..

Kami naman ni Cyntie ayun syempre nag-iba ng way, ang hirap kayang dumaan sa maraming tao baka maapakan kami ng mga nagwiwild na fan club ni Clyde. Isa pa magkaiba naman kami ng building kaya ayun..

Pagdating sa classroom...

haayy.... sa wakas at wala pa dito yung prof namin ayos na ayos! Safe ako kasi kung nalate man kami ay.. huhuntingin ko talaga si Clyde at saka reresbakan

*Lunchbreak

Nakatanggap ako ng text message kay Dad.

"Heira, your lolo, tita & tito (Clyde's Parents) & me went on a trip together. Naextend din pala yung day off ng mga tauhan natin sa bahay at ginawa ko ng week off. And since wala ka na ring makakasama sa bahay ay.. dun ka na muna magstay kila Clyde. Don't worry may nakapack ka ng gamit dun. Di ka naman papabayaan nun e. Kung uuwi ka no use din kase nakalock yung bahay natin. Chance nyo na rin 'to para makapagbahay-bahayan este to get along. Bye princess I love you." Dad

Huh? you mean titira kame sa isang bubong? oh no!!!

ayy... anjan naman si Cyntie.. hindi naman malalaman kung sa kanila ako tutulog, saka isa pa si Cyntie lng naman ang mag-isa sa bahay since parehong nasa ibang bansa yung parents nya.

kaya bago pa man mas lumala ang sitwasyon ay.. kinausap ko na si Cyntie

"bess.." tawag ko

"oh bakit?" sabi nya

"Amm.. ano kasi pwede doon muna ako sainyo tutulog? Kasi nag-out of town sila Dad tapos walang tao sa bahay nilock daw nila yung bahay e.." sabi ko

"oo naman no! Ikaw pa ba, saka~" hindi nya naituloy ang sasabihin kasi biglang nagring yung phone nya

"wait lng bess" sabi nya tapos lumayo sa akin

Lumabas sya ng room bago yun sinagot.. ganun ba kaimportante yung pag-uusapan kaya bawal marinig?? Hmm...

and after a minute bumalik na rin sya meaning tapos na syang makipag-usap

"Sino yun?" ako

"a—ahm.. si Mama, ano bess. Di pala pwede samin kase ano yung ninang ko uuwi sa Pinas ee.. miss na daw nya kaming magpipinsan kaya dun daw muna kami makitulog sa bahay nya. sorry bess, next time na lng."

"aa.. Ah sige, ge uuna na muna ako hahanapin ko lng si Clyde."

Pumunta na ako sa Management Dept. para hanapin si Clyde, pagpasok ko doon dahil first time ko pa lng pumasok doon at hindi ko alam ang pasikot-sikot ay nag-umpisa na akong magtatanong tanong sa mga tao.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon