Chapter 10

6.2K 175 12
                                    

Chapter 10

September 16

Clyde

"Kuyaaaa!!"

Nagising ako sa lakas ng boses nyang si Chloe, madaling araw pa lang ang ingay-ingay na, samantalang mamaya pa naman ang kasal ko. bakit ang hyper nito palagi?!

"Kuuyyyyaaa!!!" Sigaw nya habang kumakatok sa pinto

"Sandali!" Nag-ayos ako at pinagbuksan na siya ng pinto.

"Bakit?!" Iritable kong tanong

"Anong bakit? Eh ngayon kaya ang kasal nyo ni Heira." Chloe

"Tch... Alam ko naman, madaling araw pa lang Chloe, may nakikita ka na bang araw? Saka isa pa mamaya pa naman yun, mas excited ka pa sa aming dalawa eh."

"Ba't hindi ka masaya? Eh ikakasal ka na nga Kuya eh."

"Yun nga eh ikakasal na ako kaya hindi ako masaya."

"Hmm... Bakit ayaw mo ba kay Heira? Gusto mo bang si----"

"Oh Chloe!! Ang aga mo naman nagising!!" Cyntie

"Oh! Ikaw ang aga mong andito?!" Chloe

"Ah, eh kasi! Dito na ko pinatulog ni Heira, hindi na ako nakauwi kagabi!" Cyntie

"Kung magsisigawan kayo, pwedeng sa labas na lang?! An gaga-aga pa, magigising yung mga tao sa ingay nyo eh." Reklamo ko

"Eh wala na namang ibang tao dito no! Saka isa pa si Heira na lang naman ang natutulog." Chloe

"Tch... Matutulog na din ulit ako kaya wag kayong maingay."

"Palusot ka pa, concerned ka rin naman." Cyntie

Peste, iniwan ko na lang tuloy sila at bumalik na lang ako sa kwarto, matutulog na lang ulit ako.


Heira

September 16,Tuesday, Ang araw na makailang ulit kong hiniling na sana hindi na lang dumating, ang araw na gusto kong mabura na lang sa kalendaryo, ang araw ng kasal namin ni Clyde.

Hindi na kami pinapasok, inexplain na rin kasi nila Tita na ngayon ang kasal namin kaya pumayag yung mga prof. as if namang tututol sila, wala rin naman silang magagawa kasi sila nga diba may ari ng University baka patalsikin sila kapag hindi pa pumayag.

Kinakabahan ako, parang pag sumasali sa contest, kahit di pa naman ako nasali dun. Haayy... Kaya mo yan Heira!!

"Tara na bestfriend!" Akay sa akin ni Cyntie

"Oo nga kanina mo pa kinakausap yung sarili mo dyan eh. Inaantay na tayo nila Kuya dun, tara na sis." Chloe

Sumakay na kaming tatlo sa bridal car, si Cyntie at Chloe kasi ang bridesmaid ko.


💍💍💍💍💍💍

Pagdating namin doon ay nagsi-ayusan na yung mga tao, pagbaba nila Cyntie ay nag-umpisa na ang entourage, una na doon ang mga flower girls at ring bearer na kasunod ng mga abay, at ang barkada.

Maid of Honor - Ate Ashley

Bridesmaids - Chloe, Cyntie

Grooms Men - Drake, Bryan, Lance

Napagdesisyunan na wala na lang best man, at puro grooms men na lang, baka daw kasi magkatampuhan ang tatlo kung isa sa kanila ang pipiliiin maging Best Man.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon