Chapter 2
Clyde
Bakit ba napaka boring nitong araw na 'to? Boring as in lahat. Simulan mo sa boring na prof., boring na environment, boring na subject at boring na katabi, wala kasi dito yung mga gago kong kabarkada, wala tuloy akong mapagtripan. Malamang nalate na naman sila ng gising, paano kasi kagabi tumambay kami sa bar nila Drake.
Ano ang meron sa bar? babae, alak at maingay na tugtugan. Syempre nasa bar nga eh. Ano ba ang ginagawa dun syempre inuman. Hindi ako masyadong nag-inom kaya nakapasok ako ngayon.
Isa akong Business Management student na nag-aaral sa isang private University na pag mamay-ari ng pamilya ko. At oo, sa sarili kong University ako nag-aaral, pakielam mo? Hindi ako kasama sa F4 at hindi ko sila kaibigan, baka yung tatay ko ang kasama dati sa F4. Pero syempre hindi totoo yun. Pero kung gusto nyong maniwala, bahala kayo.
"Mr. Adams, are you with us?" Tanong nung prof. naming si... Hindi ko alam ang pangalan, at wala ako sa mood para kilalanin sya at sa marami pa kong importanteng gagawin kaysa pag interesan ang pangalan nya
Tinitigan ko lang yung yung prof. namin, dahil una sa lahat ay wala talaga ako sa mood making ng lessons nya.
"Ah--am... Mr. A--Adams you don't h--have to... Answer m--my question."
Tinignan ko muna yung equation sa board bago tumayo "4.6"
*applause...
Rinig ko sa labas ng room ng makalabas ako. Since wala naman dito yung tatlong gago.. wala rin naman na akong balak pang magtagal sa school dahil wala rin naman akong gagawin.
💍💍💍💍💍💍
Mabuti na lang at walang traffic ngayon kaya agad akong nakauwi. Pagpasok ko ng bahay nadatnan ko agad si Mama at Papa sa may sala na mukhang kanina pa ako inaantay
"Anak, may pupuntahan tayong party bukas at kailangang kailangan andun ka." Sabi ni Mama hindi pa man ako nakakalapit.
"Sige." Yun lang ang sinabi ko sa kanila tapos umalis na ako para makapagpalit ng damit.
Papaakyat na sana ako ng kwarto ng napahinto ako dahil tinawag ulit ako ni Papa
"Hijo, nga pala ngayon din pala ang uwi ng kapatid mo dahil sasama sya sa atin bukas sa party, Kaya sunduin mo sya sa airport mamayang 5 pm." Dagdag ni Papa
"Huh? Bakit? Bakit naman sya biglaang uuwi? Gaano ba kaimportante yang event na yan at kailangan pang umuwi ni Chloe?" Tanong ko
Hindi naman sa ayaw kong umuwi ang kapatid ko dito pero ang weird lang kasi ng mga pangyayari at biglaan na lng syang pauuwiin ng walang dahilan. Wala naman akong nabalitaang importanteng family gathering para umuwi dito ang kapatid ko.
"You'll find out sooner."
Mas lalo akong nabahala sa isinagot nila. Pakiramdam ko tuloy may hindi magandang mangyayari sa pag-uwi ni Chloe. Ano ba kasi ang talagang nangyayari? At ano ba ang mangyayari? na ayaw pa nilang ipaalam sa akin?
Sino si Chloe? Siya nga pala ang nakababata kong kapatid, U.S sya nakatira at doon din sya nag-aaral. At ewan ko talaga kung bakit sya umalis noon ang akala ko nga hindi na sya babalik dito pero ngayon haay... Papunta na ako sa airport para sunduin sya.
💍💍💍💍💍💍
Mahigit dalawang oras din ang byahe papunta sa airport dahil sa napakatinding traffic. Bakit ba naman kasi ako pa ang susundo sa kanya e.. meron namang driver na mas mahaba pa sa traffic ng edsa ang pasensya kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Marrying That Stranger
RomanceCOMPLETED... (Previously Published as I Think We're Married) Anong gagawin mo kung malaman mong isang araw na nakatakda ka na palang ikasal sa iba. And worse yung fiance mo e.. isang stranger. Will you run for your own good? O di kaya'y...