Side Story: Medicine

4.6K 112 2
                                    


Side Story: Medicine

Lance

Sira talaga si Clyde, iwanan ba naman akong mag-isa. At ang pinakalame pa dun ay yung excuse nyang magc-cr daw sila ng sabay. Alam ko namang alam nyang may gusto ako kay Heira kaya nya ginawa yun, pero wala naman akong balak agawin ito sa kanya eh.

Yaman rin lang na nasa Mall na ako ay naglakad-lakad na lang ako para mamasyal.

"What the hell? Sa susunod titingin ka sa dinadaanan mo!" Bulalas ng babaeng nakabunggo sa akin

"Ah, sorry Miss." Sabi ko at saka ko siya tinulungan para pulutin ang mga gamit nya at tinulungan ko siyang tumayo, pero hindi nya inabot ang kamay ko at tumayo siyang mag-isa, umalis na rin siya pagkatapos without even thanking me. Ako na nga itong nagpakumbaba kahit na siya ang nakabunggo sa akin tapos siya pa ang may ganang magalit.

"Thank you miss huh!"

"Whatever" Ang ganda nya naman para ganunin ang isang Lance Daniel Alcantara, sino ba sya sa akala nya? Oh that girl is getting on my nerves, bwisit! Hahanapin kita!

Pero habang nagfflashback sa akin ang lahat, at habang nakatingin ako sa kanyang likuran habang sya'y paalis parang biglang may kung anong dumapo sa akin and for a second I believed na kilalang kilala ko sya, na nagkita na kami noon pero hindi ko lang talaga maalala kung kalian at saan. Haay... I guess I was just messed up because of that girl, dahil never akong makikipagkilala sa mga babaeng tulad nya.



Ashley

Whenever I am bored, I just go around the places wearing disguises. Siguro iisipin nyong mysterious o hindi kaya ay nagtatrabaho ako sa an agent to spy around, but I am not working as a spy or being mysterious, I just love to wear disguises because it is so much fun. Maganda rin na pang past time actually past time namin 'to ni Heira, well I dragged her into this but she kinda loved it naman so whenever we spend time together, we wear disguises.

And the reason why I'm doing this routine is because I wanted to know what people is like when I'm not myself, kung pangit ako o kung weirdo ako sa paningin nila, gusto kong malaman kung paano nila ako itratrato because I'm so sick of plastic peoples around me.

Bukod sa pagdiskubre ng totoong ugali ng mga tao this hobby of mine became like a blessing in disguise na rin, because I can finally feel normal, I can finally be free. Nakakalakad ako mag-isa sa daan ng walang sumusunod sa akin, walang paparazzi na pipicturan o vivideohan ang bawat kilos ko, walang mga fans na nanghaharass o umaaligid sa akin. It just feels so good to feel normal again, tulad nung dati nung hindi pa ako artsta.

Yes, I am an actor/model from Paris my screen name is Katie Scott, nobody knows my real name except my manager & some close relatives, hindi naman sa pa-mysterious effect ako kaya may pa-secret secret pa akong nalalaman. I just have my own personal reasons kung bakit ayaw kong ireveal 'to, just like Hannah Montana, she has reasons too kung bakit ayaw nyang ireveal na sya si Miley.

"What the hell? Sa susunod titingin ka sa dinadaanan mo!" Sigaw ko

At kapag minamalas ka nga naman oh, sa lahat naman ng taong pwede kong mabunggo bakit siya pa? Hindi ko na lang tuloy pinahalata yung gulat ko ng makita ko sya, mahirap na at baka makilala nya pa ako, teka bakit nya nga ba ako maaalala kung wala lang ako sa kanya?! Malamang ay hindi na nya ako kilala dahil isa lang naman ako sa mga babaeng niloko ng babaerong tulad nya.

Naguguluhan ba kayo? Ganito kasi ang mga pangyayari dalawang taon na ang nakalilipas.



Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon