Chapter 1

26.4K 356 39
                                    

Chapter 1

September 6

Heira

First period namin ngayon at ang subject ay Gerontological Nursing II. Hindi pa man ako nakakaupo sa aking desk ay, kinukulit na ako ng mga classmate ko tungkol sa magaganap bukas, hindi ko naman sila masagot dahil sabay-sabay ang kanilang pagtatanong.

"Hep, alam ko namang excited kayo lahat bukas pero chill lang guys, bawal ma-istress si Heira so wag na kayong makulit okay?" Cyntie

buti naman at nandyan siya, medyo nabawasan ang iniisip ko.

Sa totoo lang, kanina pa ako nag-iisip sa mga mangyayari bukas, hindi pa man nangyayari para na akong natatae na ewan, sa sobrang pag-iisip ko hindi ko man lang namalayan na nag-umpisa na pala ang first period.

(screech..)

"Heira!" sigaw ni Sir. Oops, nasa klase pa pala ako. patay! Major subject pa naman ang subject na hawak nya. Heira naman kasi bakit ba naman sa lahat ng subject na pagdedaydreaman mo ehh sa subject pa ni Sir Abel, alam mo naman kung gaano kasungit ang isang 'to.

Natigil na naman ako sa aking pag-iisip ng bigla syang nagtanong

"Ano ang sagot sa tinatanong ko?" Siya

"po?" nag-isip muna ako ng kaunti. Kahit na hindi ko naman talaga alam yung tinatanong niya kasi lumilipad nga ang utak ko

"a---ahm, No idea po" Medyo malumanay kong sagot

"Gusto mong malaman ang magiging grade mo?"

"Po?" Naguguluhan kong pagtatanong

"Ahh... opo?" Dagdag ko

"No idea din ang grade mo! Tigilan mo na ang pagdedaydream diyan!" Sigaw pa nya

"Sorry po sir" Sabi ko

Shemaayy!! lulubog na yata ako sa sobrang kahihiyan. Paano ba naman kasi nakatingin sa akin ang buong klase. Pakiramdam ko tuloy abot ang boses niya sa kabilang room, haay.. Ano ba naman kasi ang iniisip mo Heira?

"Excited ka na bukas?" tanong ng boses na nasa likod ko pagkaring na pagkaring ng bell na hudyat na F-R-E-E-D-O-M. Pagkalingon ko sa nagsalita, si Cyntie na nakangiti saakin.

"Hoy, Heira? Ano titingin ka lang?, Excited ka na bukas?" muli niyang sambit

Ano ang meron bukas?

*sigh..

Birthday ko lang naman kasi bukas, 18th birthday to be exact. Pero para sa akin wala namang dapat pagkaabalahan, dahil wala rin naman akong ineexpect, masyado lang talagang excited itong isang 'to, daig pa ang magbebirthday.

Oh by the way, bago ko makalimutan, siya pala si Cyntie ang kaisa-isang bestfriend ko, well hindi naman kasi ako palakaibigan kaya ayun siya lang yung kasama ko lagi. Siya din yung isa sa dahilan kung bakit masaya ako kahit wala dito si Mom.

"Oo naman no!" Sabi ko kahit hindi naman talaga, para matahimik lang ang isang ito.

"Bestfriend wag ka ng mag-alala sa mag-aayos sayo tomorrow ha. I got your back" Sabi nya with assurance

"Eh, kailangan pa ba nun? Nakasuot na nga ako ng nakakadiring gown at killer as in deadly heels mag-memake up pa rin ako at magkukulot ng buhok? Ano yun makikipag-date lang? Saka kailan ka pa sumide line maging make-up artist?"

Binatukan ako ni Cyntie "Bruha ka talaga! Syempre kailangan yun no! malay mo sa gabing yun mo makikita ang love of your life. Yung the one mo."

"The one? The one that got away?" Sabi ko sabay hawak sa batok ko

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon