Chapter 9

7.4K 183 14
                                    


Chapter 9

September 15

Heira

Three days had passed again, at ganun parin naman kami ni Clyde, walang pagbabago, bangayan na walang katapusan, paano walang sawa naman kasi ang panggugulo nya lagi sa tahimik kong buhay.

Ngayon na pala rin ang pang isang lingo ko dito kela Clyde, isang lingong never kong matatawag na week well spent or worth it kasi hindi naman talaga. Bukod pa doon, ito na ang huling araw ng pagiging single ko kaya wala akong karapatang magsaya.

Gusto ko yatang magpakasaya ngayon kasi parang hanggang ngayon na lang ang tagal ng buhay ko sa mundo, kaya tinawagan ko ang barkada, mahirap naman yatang magsaya ng mag-isa.

Sa MOA nagka-ayaan kaya ayun, eto ako nag-aantay sa kanila, ewan ko ba naman kasi kung bakit hindi ko pa sinabayan sila Chloe at nauna ako dito, excited na ba akong mamatay bukas kaya ganun? Pangalawang dumating si Cyntie at Bryan na sweet na sweet sa isa't-isa sina Lance at Drake, Chloe at Clyde ang huling dumating.

"Dapat by partner tayo!" Chloe ano na naman kaya ang iniisip nito?

"Oh sige ba!" Bryan na payag na payag sa idea

"syempre partner ko si Cyntie." Ako

Kaso nailayo na ni Bryan si Cyntie. Hindi ko naman naintindihan ang sinasabi ni Chloe kasi nagddrama pa ako dahil si Cyntie ay kasama na ni Bryan at ayaw ko namang partner si Clyde no. ay. Andyan pa pala si Lance, oo si Lance na lang ang partner ko

"Tapos kayo ni Kuya, tapos kaming tatlo ni Lance at Drake paano wala kaming love life kaya magsasama sama kame." Chloe

"Huh?" Tanong ko

"Sabi ko si Kuya ang partner mo"

"Huh! No way!" Pero bakit parang ako lang ang nagrereklamo

"Lance, ikaw na lang ang partner ko oh." Hila ko kay Lance

"Okay" sagot naman nya, kaya ipinulupot ko ang braso ko sa kanya.

"Tch, daming arte, halika na nga." hila sakin ni Clyde Noooo!

Naiwang nakabuka ang bibig ni Lance wari'y gulat na gulat sa ginawa ni Clyde. Nang tuluyan na nya akong nabitbit palayo ay tinigilan na rin nya ang paghila sa akin. Buti naman! Sinamaan ko na lang tuloy sya ng tingin.

"Tch.. Titingin ka pa?"

"Ayaw nga kasi kitang kapartner, bakit ba kasi ako ang hinila mo?!" Iritang sabi ko

"Si Chloe kaya ang hinila ko, haharang-harang ka kasi sya naman dapat talaga yun, malas ko lang at namali ako ng hila." Defensive nyang sambit

"Edi tawagan mo na sya para kayo na magsama. Kainis!"

Nahinto ang walang kwenta naming pag-uusap ng maging center of destruction este attraction sa mga babae sa paligid si CLyde "Kyaaah! Tignan mo oh! Ang pogi nung guy!" Mga babae sa paligid. Diyos ko di na nasanay dinaig pa artista eh.

"Papicture!" Sabi nung babaeng lumapit sa kanya

"Tch..." Yan na lang ang nasabi ko at naglakad na palayo, magsama-sama sila ng mga babae nya. Haay... Kainis! Kainis talaga!

"Saan ka pupunta? Habang hawak ang braso ko." Shit nahuli nya ako

"Tch... Bakit ka ba nasunod? Dun ka na sumama sa mga babae mo." Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at naglakad na ulit

Ngumiti sya, yung nakakaloko nyang ngiti "Kain muna tayo, libre ko."

Kaya napabalik naman ako agad, libre daw eh kaya sinunggaban ko na, masama tumanggi sa grasya. Hinaltak ko sya sa isang Korean Restaurant, since sinabi nyang ako ang mamili ng kakainan namin, mahilig din kasi ako sa Korean Foods. Ayaw nga nya dito eh, pinilit ko lang naghatakan pa kami sa labas ng restaurant para lang makapasok sya, akala ko nga magbabago ang isip nya about sa libre dahil ang kulit kulit ko, buti na lang at hindi nya binawi iyon.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon