Chapter 17

5K 132 4
                                    

Chapter 17

Clyde

Hindi na ako nagsayang ng oras para tanungin ang sarili ko kung bakit siya nagtatakbo matapos ko syang halikan at kung hindi nya ba nagustuhan ang ginawa ko kanina, malabo man ang mga dahilan ng mga yan ay hindi ko na pinag-aksayahan ng panahong isipin dahil isang bagay sa akin ang biglang nabigyan ng linaw matapos kong gawin yun, kaya hindi ko pinagsisisihan ang bagay na yun dahil doon ko nalaman na mahal ko na pala talaga ang babaeng nagtatatakbo palayo ngayon sa akin.

I tried to ran as fast as I can, ni hindi ko na nga napapansin yung mga taong nababangga ko para lang makahabol sa kanya pero, hindi ko siya nahabol, hindi ko nagawang makasunod agad sa kanya.

"Get home safe okay? Let's just talk tomorrow." nasabi ko na lang na wari'y nakikipag-usap ako sa kanya



💍💍💍💍💍💍

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung mangyari ang gabing yun pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita o nag-uusap man lang, hindi kasi siya lumalabas ng kwarto, ni kumain ay hindi nya ginagawa. Sobrang nag-aalala na ako sa kanya pero hindi ko pa rin magawang buksan ang kwarto nya gamit ang spare key dahil gusto ko pa rin sa kanya ibigay yung privacy.

Araw-araw na nga akong kumakatok at nakikiusap na pagbuksan nya ako ng pinto pero wala akong natatanggap na response, at lalong walang nagbubukas ng pintuan para sa akin. Kahit na nga lang sa cellphone ko sana siya makausap ayos na sa akin pero I tried calling her phone, ring lang ng ring, I even texted her every time pero ni isa wala akong nakukuhang reply.



💍💍💍💍💍💍

Hapunan na naman at ngayon hahatiran ko na siya ng pagkain, kung hindi na naman nya ito gagalawin ay talagang papasok na ako sa loob, wala muna akong pakielam kung hindi nya pa rin ako kakausapin ang mahalaga ay kumain na siya.



💍💍💍💍💍💍

Alas nuebe na ng gabi ng makaramdam ako ng uhaw, bago pa man ako makababa ay nadaanan ko ang kwarto ni Heira, ganun pa rin ang itsura nun, nakasarado pa rin ang pinto at yung pagkain na hinain ko ay nandoon pa rin sa harap ng pinto, walang bawas para ngang pinalamig lang doon yun, kaya naman nagtungo ako doon sa sala para kuhanin na yung susi ng kwarto nya, hindi ko na kasi matiis yung ginagawa nya sa sarili nya.

Pagkakita ko ng susi ay agad akong tumakbo papuntang second floor para buksan ang kwarto nya, leche Clyde paano mo siya nagawang tiisin ng tatlong araw?! Dapat noon mo pa ginawa 'to. nasabi ko na lang out of frustration ko sa sarili.

At nang makapasok ako dun ay nandoon siya, natutulog sa kama, ayaw ko sana siyang gisingin pero kailangan, dahil kailangan nyang kumain.

"Heira" Tawag ko, pero wala pa rin akong nakukuhang response

"Heira naman oh, gumising ka na hindi ka pa kumakain." Sabi ko ulit, pero tulad kanina ay wala pa ring sumasagot sa akin pabalik

"Matitis ko kung hindi mo ako papansinin, kung hindi mo ako kakausapin. Pero wag naman ganito oh, wag mo namang abusuhin yung sarili mo ng dahil lang sa akin." Dagdag ko pa, pero wala pa rin talaga akong nakukuhang sagot

Kaya naman binuklat ko na yung kumot nya para sana ipatayo sya, pero f*ck! Wala siya dito, wala si Heira dito. Kaya pala kahit maubos ang lakas ko sa pagkatok ng pintuan at mawalan ako ng boses kakatawag ng pangalan nya ay wala talaga akong makukuhang response dahil wala nga talaga siya dito.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon