Chapter 11

7.5K 185 8
                                    


Chapter 11

Clyde

Nakasakay na kami sa plane ngayon patungong Palawan, ito kasi yung regalo sa amin nila Mama, Honeymoon trip. Pagkatapos ng kasal ay pinaalis na nila kami agad para raw makagawa na kami agad ng apo nila, at hindi naman sila masyadong excited dahil ready na ang mga bagahe kumbaga kami na lang talaga ang kulang para sa trip and again alam naman nating walang mangyayari sa aming dalawa dahil una sa lahat wala namang may gusto eh, pero kung gusto nya naman, pwede namang pagbigyan, pero syempre, biro lang yun dahil una sa lahat hindi ko plinano ang pagpapatali, pangalawa hindi pa ako handang magka-anak lalo na pa sa babaeng yan.

"Uyy..." Tawag ko sa kanya habang sya'y natutulog

Wala kasi akong makausap, idagdag mo pa yung inis ko sa mga stewardess na kanina pa tiningin ng tingin sa akin.

"Hmm..."

"Uyyy..."

"Ano?!" Sigaw nya

Kaya naman na-alarma pati ang ibang pasahero pati na ang mga stewardess, lahat sila sa amin ang tingin tumayo ako at sumenyas na okay lang ang lahat. Peste nakakahiya!

"Sshh... Wag ka ngang nakasigaw." Bulong ko

Minulat naman nya ang kanyang mata saka tumingin sa akin ng diretcho, namumutla sya, daig nya pa yung may anemia sa putla nya.

"Ah, eh. Ayos ka lang ba?" Tanong ko pa. Pero di sya umiimik at nagtuloy na lang sa pagpikit ng kanyang mata.

At kahit naiirita ako sa mga stewardess na ito ay may kung anong sumapi sa akin na tumawag ng isa sa mga yun para humingi antihistamine.

Pagkabigay ng gamot ay muli kong ginising si Heira. "Hey, sleepy head" Saad ko

"H-huh? Bakit na naman?"

Inumin mo 'to, sabay abot ko sa kanya nung gamot na binigay sa akin. Tinitigan nya muna ako na waring nagtatanong na "Para saan yan?" o hindi naman kaya "Ano yan lason? Balak mo na akong patayin?"

"It will make you feel better." Yun na lamang ang nasabi ko at agad naman nyang kinuha ang gamot para inumin ito, pagkatapos ay bumalik na ulit sya sa pagtulog.

At tulad kanina ay bigla na lang kusang gumalaw yung kamay ko para isuot sa kanya ang jacket na suot ko pagkatapos ay ihinilig ko ang kanyang ulo sa aking balikat, mabuti nga at hindi sya nagising kasi hindi ko alam ang sasabihin kapag nagkataong nakita nya ang aming posisyon. Sinasabi ko nga bang nasisiraan na ako, kung ano-ano na tuloy ang nagagawa ko.


💍💍💍💍💍💍

"Kyaaah!! ang ganda!" Energetic nyang sigaw, okay na sya ngayon dahil hindi na kami nakasakay sa eroplano.

Nandito na kasi kami sa Amanpulo Resort, isa sa pinaka sikat na resort dito sa Palawan. Dito kasi nagbook sila Mama ng hotel, at yung nakareserve na room para sa amin Casitas type, bukod sa nakaharap ito sa beach, malapit lang din ito doon. Maganda talaga ang view at kitang-kita dito yung paglubog ng araw, if we we're really a couple malamang na-eenjoy ko rin ang view, ang suite at lalong lalo na ang lugar na maganda ring spot para magstar gazing kaso hindi naman. So I told myself, na kapag nahanap ko na talaga yung babaeng para talaga sa akin ay gagawin kong bumalik dito, baka sakaling ma-enjoy ko rin yung lugar na ito, baka sakaling maniwala akong may love at second sight.

Matapos namin libutin ang kwarto na aming tutulugan ay nag-ayos muna kami ng gamit at saka natulog sa magkabilang kwarto, malaki rin kasi ang suite kaya tatlo ang kwarto nito. Medyo matagal at nakakapagod rin kasi ang byahe kaya bukas na lang siguro kami magbabalak ng dapat gawin dahil apat na araw naman kami dito.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon