Chapter 12

6.2K 180 2
                                    


Chapter 12

September 23

Chloe

Haay... bakit ba kasi hindi pa ako pinayagan nila Papa na sumama sa Palawan, tuloy kinailangan kong pumasok. Kainis! Isang linggo din yung bakasyon nila, dahil nga nagextend pa sila ng three days, hindi naman nagalit sila Mama, sa katunayan tuwang-tuwa sila dahil sabi nila "Malamang nakulang sa apat na araw ang dalawa sa paggawa ng baby, sinasabi ko na at tama ang desisyon natin. Nako sigurado may apo na tayo nito pag-uwi."

Ngayon na pala ang uwi nila Kuya finally! Miss ko na rin sila ni Heira eh kaya nandito kami sa airport ngayon para sunduin sila, masyado ngang excited sila Mama kaya maaga pa lang ay talagang pinapunta na kami doon, kami lang kasing barkada ang susundo dahil may kanya-kanya silang trabaho, nagpagawa pa nga sila ng banner na may layout na [WELCOME HOME! CLYDE & HEIRA, HOPE YOU DID WELL ON YOUR HONEYMOON] hindi ko alam kung ano ang meron sa mga magulang ko at talagang pinagmamalaking galling sila honeymoon, malamang ay magagalit si Kuya nito siguro kahit ako man ang gawan nyan mas gugustuhin ko na lang lamunin ng lupa at dahil nga masyado kaming maagang pinasundo, ang ending mga dalawang oras mahigit lang naman kaming nag-aantay doon.

"Guys! ayan na sila"

"Ready huh?" Cyntie

"Okay 1, 2, 3" Bryan

Nang makita na namin sila ay iwinagayway na namin ang aming banner sa waiting area para makita nila kami agad, pero kung sa akala naming didiretcho sila sa amin ay lumiko sila at doon dumaan sa kabilang labasan, kaya naman itinabi na namin ang banner saka kami sumunod sa kanila palabas.

"Grabe kayo, bakit nyo naman kami hindi pinansin?!"

"Sino ba ang hindi papansin sa inyo dahil sa hawak nyong banner kanina?!" Kuya

"Hindi nyo ba nagustuhan?" Lance

"Like merong magugustuhan yun, nakakahiya hindi nyo ba alam na ang lahat ng tao sa loob ay sa inyo ang atensyon, inaantay kung sino si Clyde at Heira na galing sa honeymoon? Leche, nakakahiya kaya minabuti na lang namin na umarteng hindi kayo nakita at hindi namin kakilala." Heira

"Pinaghirapan yun nila Mama no, surprise nila sa inyo, ma-touch naman kayo kahit konti." Sabi ko

"Kahit hindi na, okay lang kami." Kuya

"Tama na nga yan! Magselfie muna tayo" Cyntie

"Oo nga, gusto ko yan!"

"Umuwi na lang tayo, inaantok pa ako eh." Heira

"Grabe naman, namiss lang naman namin kayo." Lance

"Kami hindi." Sabay na sabi ni Kuya at Heira tapos nag appear pa ang dalawa.

"Tch..."

"Bagay talaga kayo." Drake

"Leche" Heira at Kuya


💍💍💍💍💍💍

Oo nga pala kaya pala namin sila sinundo eh para ihatid sila sa bahay nilang dalawa, hindi dun sa bahay namin na tinirhan ni Heira, kundi sa bagong bahay na regalo sa kanila ng Lolo ni Heira.

"Saan pa ba tayo pupunta?! Ihatid nyo na muna ako sa amin saka kayo mag gala." Kuya

"Chill lang pre." Lance

"Teka, ba't iba yung daan? Kung may balak kayong maglakwatsa wag ngayon please, kayo na lang kung gusto nyo, pagod pa ako sa byahe." Heira

"Pagod siguro kayo sa~" Hindi naituloy ni Bryan ang sasabihin nya dahil binatukan na siya ni Kuya at Heira

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon