Chapter 23

4.4K 109 10
                                    

Chapter 23

Drake

Flashback...

Ito na siguro yung chance na ibinigay sa akin ni Lord para makapagtapat na ako sa kanya, matagal ko na rin kasing itinatago 'tong nararamdaman ko kaya naman baka ito na rin yung pagkakataon para ipagsigawan ito.

It's been a long time na rin nung huli kaming nagkita at nagkasama, pero kahit na ganun hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Natatakot ako na baka umalis na naman siya at hindi na ulit kami magkasama kaya bago pa mangyari ulit yun at bago pa siya tuluyang mawala ay aaminin ko na, sasabihin ko nang mahal ko si Ayen.

Nang tumapat sa akin ang bote ay hudyat na para tanungin ako ng truth or dare, naglalaro kasi kami ng spin the bottle ngayon. Medyo kinakabahan ako sa tanong na yan pero nasabi ko na ang dapat kong sabihin.

"Truth." Sagot ko habang nakatingin kay Ayen

Ang mechanics ng game na 'to, kapag nagtruth ka you'll tell something true kahit ano, if you'd pick dare ofcourse uutusan ka to do anything/stupid things at kung wala ka mang trip sa dalawa ay iinom ka.

Tumayo ako sa harapan nilang lahat, inialalayan ko naman si Ayen patayo, hawak-hawak ang dalawang kamay nya at saka nagsalita.

"Ayen I love you! I really do. Nung mga bata pa lang tayo I wasn't so sure about my feelings pero ngayon ito na, totoo na. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. You are my first love, my first dance and my first kiss, bading man sabihin yun pero wala akong pakielam. And now I'm asking you, will you be My Girlfriend?" Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang sa wakas ay nasabi ko na rin sa kanya ang mga bagay na noon ko pa itinatago.



Ayen

Nagulat talaga ako sa mga narinig ko mula kay Drake, hindi ko kasi alam yun kahit na pa siya ang bestfriend ko. I hate to break his heart dahil mahalaga rin siya sa akin, pero hanggang sa pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay dahil si Clyde ang mahal ko.

"Sorry. I can't. I love you but I can't be your girlfriend. I'm already in love with someone else." Binitiwan ko ang mga kamay nya at lumabas ako sa garden, ayaw ko siyang ipahiya sa lahat pero mas ayaw ko naman siyang paasahin sa wala.


💍💍💍💍💍💍

Hindi ko namalayang sinundan nya pala ako, he held my hands once again and said "You told me before that you like me." Sabi nya with his voice almost breaking

"I can't really believe that you held on to what I said 5 years ago Drake, and I am sorry dahil hindi totoo yun. At sorry din if I lied to you. I only said that because, I want to be close to Clyde, yun lang kasi ang nakita kong way para mapalapit ako sa kanya. Siya ang mahal ko. Siya lang at wala nang iba Drake, kaya wag ka nang umasa dyan sa one sided love mo. Magmove on ka na lang."

"Damn Ayen! He's already married. Ang dali mong sabihing magmove on na lang ako sayo pero ikaw nga hindi makamove on sa kanya. Why can't you love me instead?!"

"I can't. And I don't want to. Si Clyde lang ang gusto ko at siya lang ang mamahalin ko! Bumalik ako dito dahil kay Clyde at para sa kanya lang! Paghihiwalayin ko sila! I'll show you Drake, mamahalin din ako ni Clyde at hindi ko na kakailanganin pang magmove on."



Drake

"Bumalik ako dito dahil kay Clyde at para sa kanya lang!"

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon