Chapter 8

8.3K 202 12
                                    

Chapter 8

September 11

Heira

Tatlong araw na akong nakatira dito sa kanila Clyde, at sa tatlong araw na yun ay walang palya ang pang-aasar na ginagawa sa akin ni Clyde yung lokong yun walang patawad, ni wala man lang isang araw na hindi nya sisirain ang araw ko at syempre dahil ako si Heira, malamang gumaganti rin ako, hindi yata pwedeng hindi no! walang salitang patawad sa bokabularyo ko lalo na at napuno mo ako. pero kahit naman siguro hindi ako mapuno ni Clyde ay gaganti pa din ako kasi una sa lahat bwisit ako sakanya.

Pero bukod sa nakakainis na yun, hindi na din naman naging masama ang pagtira ko dito dahil kay Chloe, yung nakababatang kapatid ni Clyde, na-meet ko sya noong unang araw ng pagtira ko dito. Pakiramdam ko nagkaroon pa ulit ako ng isa panga kapatid, kapatid na din kasi ang turing ko kay Cyntie.

Noong una pa nga talagang bwisit na bwisit sakin si Clyde kasi magdamag ko lang syang tinatanong kung kapatid nya ba talaga si Chloe kasi nga hindi sila pareho ng ugali. Kahit sino naman siguro magtataka. Pero naniniwala naman talaga ako sa sinabi ni Chloe, kaso gusto ko lang maasar si Clyde ang sarap nya din kasing asarin, isa pa ganti ko na rin yung sa ga panti-trip nya.

Dun din pala sa University namin nag-aaral si Chloe, sila nga may-ari malamang doon din sya mag-aaral. Kakapasok nya nga lang dun nung Monday kasi nga kakauwi nya lng dito, tapos ang pinaka nakakatuwa pa dun ay kaklase ko sya! Pareho kami ng course este pare-pareho kami ng course kaya palagi na namin syang nakakasama ni Cyntie.

Uwian na naman and as usual, sabay-sabay na naman kami pag-uwi, ako, si Chloe at ang driver naming si Clyde.

"Heira punta tayo sa mall." pag-aaya ni Chloe

"Ah sige ba." Pagsang-ayon ko

"Kuya sama ka samin sa mall huh?"

"Kayo na lang. gagawin nyo lng akong alalay eh." Clyde

"Minsan ka nga lang ayain tapos ayaw mo pa. I hate you Kuya!"

"Tch... Oh ano tatayo na lang ba kayo jan? Paano tayo makakapunta sa mall kung ayaw nyo namang sumakay?!" Iritableng sabi ni Clyde

Papayag din pala eh. Dami pang arte, pwede na palang mag artista si Chloe eh. Bentang-benta ang drama. Hindi namin kasama si Cyntie ngayon kasi may lakad daw sya. Saan naman kaya ang date nya?


💍💍💍💍💍💍

Driver na driver talaga ang dating ni Clyde, paano kasi pagdating namin ay pinauna na nya kami sa loob ng mall at maghahanap pa daw sya ng pagpaparkingan.

Higit-higit ako ni Chloe papasok sa iba't-ibang stores habang wala pa si Clyde, at bawat labas namin sa iba't-ibang store ay binibilhan ni Chloe, medyo matagal-tagal rin kasi bago nakapunta sa amin si Clyde kaya pagdating nya madami na kaming dala-dala.

"Kyaah... ang sweet naman nun sinasamahan yung girlfriend nyang magshopping." Sabi nung mga echoserang babae

"Ang hot! mas maganda pa ako sa girlfriend nyan eh." *Girl #1 aba lokang 'to!

Tapos hinigit lang ako ng hinigit ni Chloe kung saan-saan, ang dami na nga naming napamili eh. Si Clyde naman ay ang dakilang alay, taga-buhat ng mga paper bag na napamili ni Chloe, wala naman kasi talaga akong balak bumili, wala pa rin kasi akong allowance, tinitipid ko na lang din kasi yung pera na natitira pa sa akin.


Clyde

Sinasabi ko na nga ba, kaya ayaw kong sumama sa mall pag kasama ang mga babae. Napakadaming mga stop over, at ang dami rin ng binibili. Tapos gagawni ka pang alalay, tuloy ako yung tagabit-bit ng mga pinamili nila.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon