Chapter 16

4.8K 135 2
                                    


Chapter 16


Chloe

"Ah eh, Miss Chloe 10 minutes po then you're up." Sabi nung isang coordinator

"Okay thanks."

Hindi ko pala nasabing sumali ako ngayon sa Full Moon Jam contest, hindi ko naman talaga binalak, ni hindi naman talaga ako kumakanta biglaan na lang pumasok sa isip kong sumali dito. Gusto ko lang kasi talagang i-out ang lahat ng nararamdaman ko ngayon, ganun kasi ang ginagawa ko kapag masama ang loob ko, nilalabas ko ang lahat sa kanta para pagtapos nun okay na ulit ako, ayos na ulit yung pakiramdam ko.

"A round of applause for our next contestant, Miss Chloe."

*applause

Hindi talaga ako confident sa mangyayari ngayon kaya nang nag-umpisang magstrum ng gitara ay nag-umpisa na ring tumibok ng mabilis ang puso ko, ano ba itong pinasok ko? Pero kahit anong pagkikwestyon pa ang gawin ko ay wala na akong magagawa pa para umayaw, ang magagawa ko lang ay kumanta sa harapan nilang lahat.

Playing: Emily by: Paraluman

The sun has set and the gray sky fade in blue
Been wanting to say goodbye but it leads me back to you

And the rain starts to fall down
As I watch the stars crash into the night

I'm letting go of him really, I really want to let go of him 'cause it's too late to hold on to that promise. Patay na patay na ang pag-asa kong matutupad pa iyon.

Habang kumakanta ako ay kusang nagfflashback din sa akin ang nakaraan, ang mga pangakong binitawan naming dalawa, mga pangakong dapat hindi ko na pinanghawakan pa. At parang ang mga pangyayaring yun ay nangyari lang kahapon.


Flashback...

"Elle may sasabihin ako sayo, wag kang magagalit ha?" Tanong ni Ice

"Huh? Ano yun bakit naman ako magagalit? Sabihin mo na kung hindi, hindi na kita papansinin forever."

"Eh, ayaw ko naman yun. Sasabihin ko na, kaso sandali lang may kukuhanin lang ako. Dyan ka lang ha hintayin mo ako."

Tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi, medyo matagal ko nga syang inantay akala ko nga noon niloloko nya lang ako at hindi na nya ako babalikan. Pero bumalik sya ng may dala-dalang bulaklak ng santan at chocolates.

"Pasensya ka na, ito lang kasi ang nakita kong bulaklak sa bahay eh."

"Eh, para saan 'to? Ano nga yung sasabihin mo?"

"Para sayo yan Elle. Gusto ko lang kasing sabihin sayong gusto kitang maging girlfriend."

"Huh? Girlfriend? Eh mga bata pa kaya tayo. Sabi ng Mama ko hindi daw ako pwedeng magboyfriend kasi bata pa ako, saka na lang daw kapag dalaga na ako at alam ko na ang lahat."

"Eh hindi ba pwede yun?"

"Hindi. Kasi bata pa tayo, kaya kailangan nating maghintay."

"De kapag malaki na tayo dapat ikaw ang girlfriend ko at ako naman ang boyfriend mo."

"Talaga hihintayin mo ako?"

"Oo naman."

"Promise?"

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon