Chapter 18

4.9K 147 2
                                    

Chapter 18

Clyde

Pagkatapos ng 30 minutes na paghihintay ay lumabas na rin si Heira dito sa waiting area.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong niya ng makita kami

"Eh ikaw naman anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko

"Wala, nagbabaksyon lang." Saad nya ng hindi tumitingin sa akin

"Sa lahat naman ng pwede mong puntahan oh!" Lance

"Hehe... Sorry naman."

"Iwan muna namin kayo." Drake

Lumabas na nga sila at kami na lang ni Heira ang nasa waiting area.

"Ano ba namang katangahan 'to Heira at nagawa mong magpa-admit dito? Anong tingin mo sa lugar na 'to hotel?"

"Huh, eh... Wala lang. Sa wala akong makitang hotel, pakiealam mo pa."

"And what about the note you left me wala lang din ba yun?"

"Yes, kaya wag mo nang pag-aksayahan ng panahong isipin yun, lahat ng sinulat ko dun totoo, at totoo rin na kakalimutan na kita. Hindi ba nga sabi ko sayo I'm trying to let go of my feelings for you and I am damn crazy for loving you, for loving my bestfriend."

"So ganun na lang yun? Ganun na lang biglang wala na lang ang lahat? Tapos bigla kana lang mang-iiwan dahil sa mahal mo na ako? Do you know how that feels? How that make me feel? This is bullsh*t Heira, bullsh*t! Aalis ka pupunta ka ng mental because you think you're hell crazy for loving me? Then don't you think I'm crazy too 'cause I too is damn in love with you. Don't you care about how I feel? Puro sarili mo na lang ba ang iisipin mo?"

"Bakit pa?! Sabi ko nga sayo diba I'm letting go of my feelings! Kaya what for? I know it'll hurt me kapag sinabi mo na ang dapat mong sabihin!"

"Leche sinabi ko ngang mahal din kita hindi ba? Ano ba?! Ano ba ang hindi malinaw doon?!"

"Clyde ayaw kong masira ang friendship natin kaya nga ako nandito to let you go. Kaya wag mo namang sabihing mahal mo ako."

"Then makakalimutan mo pa kaya ako pagkatapos kong gawin sayo 'to?" Hindi ko na siya hinayaan pang magtanong kung ano ang gagawin ko dahil hinalikan ko na sya.

Tears fell from her eyes, at madali ko namang inangat ang ulo nya para punasan ang kanyang luha

"Why?" Saad nya, I think she meant the kiss



Heira

"I love you, I love you too. Alam mo bang ang selfish mo kasi bigla-bigla ka na lang umaalis ng hindi man lang tinatanong kung ano ang nararamdaman ko, kung ano angmararamdaman ko. You, don't you ever leave me again! I can't afford to lose you not now, not ever. Don't you ever say that you'll forget about me, don't you ever say na magmomove on ka na at kakalimutan ang nararamdaman mo para sa akin kasi ako, I'll never think of moving on, I'll never think of unloving you." Ang mga salitang lalong nagpatulo ng mga luha ko, pero ngayon it wasn't tears of grief or pain, it was tears of joy.

"But? ---" Hindi ko pa nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan nya akong muli

"Ssh... Stop thinking now. We broke our own rules, hindi ba? Kaya pareho tayong natalo sa sarili nating laro, and It's game over now, no more games, no more lies, no more bets. I surrender, I'm all yours." He kissed my forehead after saying that

Tama nga sya, pareho kaming talo dahil na in love kami sa isa't-isa, who would have thought na ang bagay na pinaka-iniiwasan ko ay nangyayari na ngayon?

"Ma--hal mo talaga ako?" Tanong ko pa

"Let's be quiet for now okay? Masyado yata silang naingayan baka akala nila kung ano na ang ginagawa ko sayo. And you know, a kiss could make anyone shut up."

Tumahimik na nga lang ako. takot ko lang mahalikan ulit. Pero pwedeng isa pa? parang ang sarap eh. Hoy! Heira tumahimik ka na nga't nagiging mahalay ka na.

"Let's get you out of here. Wag na wag mo na ako iiwan huh?"

"Promise." Pagkasabi ko nito ay inakbayan nya ako ng mahigpit, hindi na nga ako makalakad ng ayos ang bigat kaya nya.

"Sinisigurado ko lang na hindi mo na ako iiwan, baka mamaya malingat lang ako wala ka na naman sa tabi ko." Sabi pa nya

"Hindi naman nga talaga ako aalis eh. Promise."

"Naninigurado lang ako, mahirap na."



💍💍💍💍💍💍

Agad naman akong nakalabas ng maayos ni Clyde ang mga papeles. Pagdating sa labas ay sinalubong agad ako ng barkada.

"Hoy! kapag ikaw nagpa-admit pa ulit dyan nako hindi na kita mapapatawad!" Lance

"Sorry na po."

"Welcome back!" Bati pa nilang lahat

Tapos ang ewan pa ni Clyde, sobrang saya ng loko at ininvite pa ang barkada sa bahay para magcelebrate ng pag-uwi ko, pero hindi naman nagtagal ang mini celebration dahil pinauwi na sila agad ni Clyde gawa ng gabi na daw at baka maaksidente pa sila pauwi.

At nang makauwi na nga sila ay hinila na ako ni Clyde papunta sa kwarto nya, sa kwarto nya daw muna ako matulog kasi magulo pa daw doon sa akin. Ang lame ng excuse pero nakakakilig knowing na gusto nya lang akong katabi matulog.

"Kailan mo pa ako mahal?"

"Huh? Eh ewan ko." Hindi ko naman kasi talaga alam kung kalian yun

Hindi naman maipinta ang mukha nya sa sobrang pagtataka "Ano ba namang sagot yan?!" Tumalikod sya at inalis ang pagkakayakap sa akin, ako naman tuloy yung yumakap sa kanya.

"Bakit ang corny corny mo na yata ngayon Clyde?" Sabi ko, pero hindi naman ako pinapansin

"Tch..."

"Hindi mo naman malalaman kung kalian mo minahal ang isang tao, it just happens ng hindi mo nalalaman. Siguro kapag nag-umpisa ka nang magkaroon ng pakielam sa kanya at kapag fond ka na sa kanya doon nag-uumpisa ang pagmamahal mo sa kanya ng hindi mo napapansin."

"Ikaw, bakit mo alam mo ba kung kailan?" Pagbabalik ko naman sa kanya ng tanong

"Ang hirap naman ng tanong mo."

"See, nahirapan ka din tapos magtatampo ka pa. Arte mo." Sabi ko naman, tatalikod na sana ako sa kanya pero pinigilan nya ako.

"Hindi ko talaga masasabi kung kalian yun, kasi maging ako hindi aware na mahal na pala kita noon. Ang alam ko lang, simula ng araw na maging akin ka, simula nung araw na maging asawa kita sayo na talaga ako, I already committed myself to you noon pa man."

Ang sarap sa pakiramdam na sabihin nyang akin na sya noon pa man, kinilig naman ako, hindi ko lang pinapahalata kasi alam nyo na mahilig akong mang-asar.

"May pa-ganun ganun ka nang nalalaman ha, ang corny Clyde."

"Aishh... Dapat ngayon kinikilig ka na!" Sabi nya sabay gulo ng buhok nito

Natatawa na lang talaga ako sa mga reaksyon nya, ang sarap talaga nitong asarin kahit kailan.

"Tch, ewan ko sayo! Matutulog na nga lang ako. Good night!"

"Okay."

"May nakalimutan ako!" Sabi nya sabay lapit sa akin

Kinabahan naman ako sa sumunod nyang ginawa, paano lumapit siya sa akin at bigla akong hinalikan, grabe lang napakahilig nitong magnakaw ng halik.

"Clyde!" Sinigawan ko naman sya, at ngayon siya naman ang tawa ng tawa sa akin.

Naiinis tuloy ako, pero kinikilig din, ang baliw lang. Ganito ba talaga kapag in love? Kikiligin na parang naiihi tapos parang nababaliw.

"Tch..." Pumikit na nga lang ako at natulog na at baka kung saan pa mapunta ito.

Marrying That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon