Forty Two
Crystalline Skies"Pagpasensyahan niyo na ho ang ulam namin dito, baka eh hindi kayo sanay sa gantong ulam." Saad ni Mang hector saamin.
They invited us over for lunch. Sobrang bait din ng asawa niya. Naghain sila ng gulay at isda, may mga prutas din silang nakahain.
"Nanang Cel, si Nanay?" Dinig kong tanong ni Noah sakanila. Inabutan ako ni Mang hector ng kanin.
"Thank you po." Pagkakuha ko ay nilagyan ko muna ang plato ni Noah, bago ang akin.
"Ay ayun, nasa taniman pa. Pauwi na rin yon dahil pananghalian na rin. Pag hindi naman ay baka dalhan nalang namin ni Hector." Saad ni Nanang Cel.
"Nako, matutuwa yon pag nalamang nandito ka." Saad ni Mang Hector.
Tahimik lang akong nakikinig sa kwentuhan nila.
"Paskong pasko, nilagang talong at alamang ang pinapakain ko sainyo." Natatawang saad ni Nanang Cel.
"Eh tiyak kung nasa mga bahay niyo kayo ay hamon at keso de bola ang meron sa lamesa. Baka may manok din ano?" Pagbibiro naman ni Mang Hector.
"Ayos lang po saamin ang ganito." Sagot ni Noah. "Paborito kong niluluto mo to sa bahay dati nanang. Lalo na yang pritong bangus, sarap sarap mag luto ni Nanang Cel."
I smiled with the way he compliments her.
He's just simply cute.
"Naku nambola pa nga." Natatawang sagot nito.
"Marunong ka?" Tanong niya saakin nang mapansin niyang nahihirapan akong maghimay ng isda
"I'm scared, baka may tinik." Mahina kong sagot kay Noah.
"Akin na." Pinaghimay niya lang ako ng isda.
"Pag ganito, always pick the belly part wala masyadong tinik doon." He said while picking some bones in the fish. Pagtapos niya ay inilagay niya yon sa plato ko.
"Hija, kaedad mo lang ba itong si Sir Theo?" Tanong ni Nanang Cel.
"Opo." Sagot ko naman.
"Akala ko nga ang dadalhin ni Sir Theo ay si Mam Feli. Noong ako pa ang nagmamaneho sakanila eh ayon palagi ang nasa bahay nila." Saad ni Mang Hector.
"Sabi ko naman sainyo wag niyo na po akong tawaging Sir pag tayo tayo lang." Ani Noah.
"Pasensya na, nasanay lang nak. Alam mo naman ang ama mo noon, ayaw na ayaw kang palapitan sa mga serbidor sainyo." Sagot ni Nanang Cel.
"Nanang, wag na natin pag usapan yon. Pasensya na kay Dad." Sagot ni Noah.
"Nako! Wala iyon, di hamak naman talagang malayo ang estado ng mga buhay natin. Tagapagmana ka lang naman ng mga lupaing naririto saamin, sino ba naman kami?" Dugtong pa ni Mang Hector.
"Mang Hector, Nanang Cel wag niyo ng inuungkat yan. Wala akong balak kunin lahat ng meron rito ang ama ko. Wala." Seryosong sagot ni Noah.
I just glanced on him. He is just silently eating his food after saying that. Tila naman nagsisihan sina Mang Hector at Nanag Cel sa pagbabago ng timpla ni Noah. There are a lot of questions pop into my mind.
Maybe I'll ask Noah later.
"Tay, hindi raw makakauwi sina Nanay dito at madaming costumer ng buko ang nadating."
A man approaches us, parang ka edad lang namin ni Noah ito. Basang basa ito ng pawis at walang suot na pang itaas. Naka tupi rin ang pantalong suot. He's tall and moreno, he's body is well built too mukhang sanay sa trabaho rito sakanila.
BINABASA MO ANG
CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]
RomanceThe Elites' Series #2: Crystalline Skies [COMPLETED] A woman's dignity was described according on how she prioritize her femininity and self respect. But Skye Daphne Castillo broke the rules as she expresses herself in the way she wanted. For her, p...