CHAPTER THIRTY

33 1 0
                                    


THIRTY
Crystalline Skies

Nanatiling nakatitig saakin ang ama ni Noah.

"Is it My---" I uttered.

Pero hindi ko itinuloy.

I shook my head in disbelief.

Imposible...

"That's truly impossible, kung sinasabi niyo saakin ito dahil gusto niyong guluhin ang isipan ko at magawa ako ng ikasisira ng pamilya ko, pasensya na Mr. Santillan hindi ako ganoon kababaw."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"At malinaw saakin ang nangyari sa gabing yon. Ako ang dapat ngang nasa kalagayan ni Noah, sinong matinong magulang ang ipapahamak ang sarili niyang anak!"

Akmang aalis na ako nang magsalita itong muli.

"I'm not yet done...pero sige kung papanigan mo si ama mo hahayaan kita. Pero hindi noon magagawang baliktarin ang katotohanan. Ang ama mo ang puno't dulo ng lahat." Aniya.

I sighed heavily in frustration. Pinanatili kong mahinahon ang sarili ko pero hindi ko na talaga maatim ang gustong iparating nito saakin.

"Stop implying that my dad is a murderer! Hindi na ba talaga kayo nahihiya?! At ginagamit niyo na ako para lang makaganti? Please Mr. Santillan...stop this." I exclaimed.

"Then how about my son! Do you think ay hihinto nalang ako?! No! Makinig ka saaking mabuti, Skye. Hindi ko sinasabi ito sayo dahil lang sa gusto kong manira!...hindi ako ganoong tao."

Nag pakawala ako ng sarkastikong tawa.

"Talaga? Kung hindi ay ano to? Ano pa't inimbatahan mo ko ako rito?"

"Hindi ako ang may gusto nito...ikaw mismo ang sumama at alam kong gusto mo ring malaman."

Nagtiim ang bagang ko at napayukom ang kamay ko. Tumalikod na ako at naglakad palayo ng narinig ko muli ang ama ni Noah.

"Alam kong iisang tao na ang nasa utak natin, at alam kong ama mo ito."

--

Hindi pa din tuluyang tinatanggap ng isipan ko na sa lahat ng pagdurusang hindi namin dapat nararamdaman ay nagmula sa sarili kong pamilya.

Hindi man ito direkta mula sa kanila at nagsimula pa sa magulang ni Daddy ay hindi ito natapos dahil walang gustong tumapos at ituwid ang tama. Gusto kong marinig ang mga bagay mula sa ama ko.

At bakit niya naatim na magawa yon?

"Akala ko noon ay si Elaine ang nagpapunta saakin dahil magkikita kami ng gabing iyon. Patago gaya ng nakagawian. Inaantay ko nalang matapos siya sa kolehiyo para matuloy na ang plano namin."

"Pero ang ama mo ang nagpapunta saakin. Pinagbugbog niya ako, hindi ko inalintana yon dahil nasanay na ako. Sa tuwing mahuhuli kami ay ganoon. Pero isang taon na lang naman, malaya na kami ni Elaine."

Yumuko ito at dinig ko rin sa tono niya ang pait at sakit. Mula sa pangyayaring halos dalawang dekada na ang nakakalipas. Doon ko napagtanto na hindi sa lahat ng panahon ang habang ng oras ang magtatakda sa paggaling ng bawat isa.

Lalo na kung bukas pa ang kwento at walang gustong tumapos.

"Sa hindi inaasahan ay nasundan ni Elaine ang kapatid niya. At ang mismong naabutan niya ay ang akmang pagpalo saakin ng ama mo...sinalo niya yon para saakin."

"Bakit?" Usisa ko.

"Bakit nila naatim gawin yon?..." halos nanlulumo kong saad.

"simple lang sa kadahilanang, utos ito ng magulang ni Efren."

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon