CHAPTER TWENTY SEVEN

19 0 0
                                    


TWENTY SEVEN
Crystalline Skies

Huling araw na ng foundation week, at inaabangan namin ang intermission number ng school band. Ito ang highlight palagi ng foundation week.

Sa ngayon kasama ko si Noah sa hindi mataong lugar, iwas na din na may ibang makakita saamin.

Wala kami sa loob ng campus at aantayin nalang namin na magbanda alas singko bago pumunta sa loob ng campus.

"It's already Last week of October, magbabakasyon ba kayo sa pasko?" Tanong ni Noah.

"Wala pa akong naririnig na plano mula sa kanila, last year we planned to go to our province to spent time with my grandparents. Siguro baka itutuloy namin." Sagot ko.

"Let's set a date before we had our christmas break?" Pag aaya niya. "Nasa Japan ako sa pasko, I can't be with you." Malungkot niyang tugon.

"Kahit naman wala ka sa Japan di pa rin tayo pwede magpasko magkasama." I chuckled but he did not respond.

Napakagat naman ako ng ibabang labi ko. Sobrang seryoso niya naman. I just want to make our situation a bit lighter by joking about it. Kasi yun naman talaga ang katotohanan.

"Joke lang, seryoso mo naman. Bakit ba?" Sinundot ko ang pisngi niya habang seryoso lang siyang nakatingin saakin.

"Wala." Napanguso ako sa sagot niya.

I scooted my chair closer to him at saka isinukbit ang braso ko sa braso niya at idinantay ang pisngi ko sa balikat niya habang nakatingin sakanya.

"Ihh, galit ka na niyan? Bakit nga? Sige na mag dadate tayo bago ka pumunta ng Japan. Napakaseryoso naman kasi nito eh." Paglalambing ko.

Itinuro niya ang pisngi niya. "Kiss mo ko para bati na tayo." Itinulak ko siya palayo at inirapan.

"Ah hindi wala, di na talaga tayo bati." Aniya na parang batang hindi napag bigyan.

"Oo na eto na." Wala akong nagawa kung hindi ang ilapit ang mukha ko sa pisngi niya para mahalikan pero bago pa man lumapat ito sa pisngi niya ay humarap ito sakin kaya sa labi ko siya nahalikan.

Malakas ko siyang pinalo sa braso, itong lalaking to talaga walang patawad! Nasa Cafe kami ngayon at medyo matao dito pa talaga naisipan lumandi!

"Noah! Ang lakas talaga ng sayad mo sa ulo!" Reklamo ko habang nakairap sakanya.

"I can't stand it whenever you bite your lower lip! Sabi ko sayo yon diba?" Kaswal niyang saad.

"Oo nga pero nasa public place tayo, sabihan pa tayong PDA." He just shrugged and gave me a smirk.

I rolled my eyes. "Ewan ko sayo."

He starts gazing at me. Inismiran ko lang siya at saka humalukipkip.

"Bakit ang ganda mo?" Aniya. Tinapunan ko lang siya ng tingin at napakunot ng noo.

"May kailangan ka ba? Para kang uutang ng pera sakin." Sabi ko na ikinatawa niya.

Hinawi niya ang buhok kong nakapatong sa balikat ko at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinisil.

"Ahhh! Noah!" Singhal ko habang nakapisil sa pisngi ko at inaalog aalog ang mukha ko.

"Ang cute cute din!" Binatawan niya na ang mukha ko at saka nangalumbaba sa lamesa. Hinimas ko lang ang pisngi ko habang naka simangot.

"I love you, Mahal." Tugon niya habang naka titig sa mata ko.

"Anong nakain mo? At sobrang sweet mo naman po ata Mr. Santillan?" Tanong ko.

"Wala bang I love you too Mahal?" Inakbayan niya ako.

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon