TWENTY
Crystalline SkiesI'm silently looking at my reflection on the vanity mirror, may nag aayos na make up artista para saakin at kanina pa nito inaayos ang namamaga kong mata.
I cried over the night, hindi ko na inintindi na birthday namin ng kambal ko ngayon at magkakaroon ng engrandeng selebrasyon kung saan haharap ako sa maraming tao. I'm not in the mood for celebrating.
Dalawang araw ko halos nakakulong sa kwarto ko. Hindi nila ako pinapayagang lumabas, at dagdag pa sa iniisip ko ang hindi pagsagot ni Noah mula sa mga messages ko mula ng gabi na nangyari sakanila ni Daddy iyon hanggang ngayon.
"Ayan, hindi na ganoong ka halata ang puffy eyes mo." Saad saakin ng make up artist.
"Okay, thank you po. Sorry din, nahirapan ata kayo." I smiled.
"No it's fine baby girl, alam ko dumadaan talaga ang ibang girls sa ganyan. You know, hirap naman talaga tanggapin na 18 ka na ganon." She chuckled while putting some contour on my cheeks.
Matipid nalang akong ngumiti sa isinagot niya saakin. Habang abala siya sa pag tapos ng make up ko ay pumunta si Mommy sa kwarto ko. Andito kami ngayon sa isang venue, it's a resort. Most of the time dito nga ginaganap ang mga events like this.
May pool sa labas ng lugar na to at sobrang engrade pinaka venue na pag gaganapan, it is a castle inspired on the interior and the design of from the outside is made out of bricks. Napapalibutan din ito ng mga halaman at puno sa labas, kung saan may mga nakapulupot na ilaw sa mga ito. Maaga pa kasi noong dumating kami kaya hindi pa nakailaw ang mga ito.
Base sa nakita ko kanina sa loob may napakalaking chandelier sa loob ng high ceiling place. There is also a staircase with a red carpet along it's way. It looks like a palace where princesses attends ball in the fairy tales.
Might as well, I should just enjoy the night. Kahit pakiramdam ko ay may kulang.
"You look so beautiful my darling." Saad ni Mommy at hinaplos ang balikat ko. Ngumiti lang ako ng sandali at kita ko ang pag aalala sa mata ni Mommy.
"Be happy tonight, para sainyo ito ni Seth. I know it's tough right now pero I want you to be happy even just for this special time of your lives." Ani Mommy.
We both look to our reflections on the mirror, nakangiti saakin si Mommy. She looks beautiful with her champagne colored gown. My debut theme is gold and black with a touch of some royalty designs, tanging ako lang ang nakasuot ng blue gown.
"Sana ay hindi lame sayo ang theme na napili ko, gustong gusto mo kasi ang cinderella noong bata ka. I remember how you loved to wear blue gowns just like her." Mommy stated as she sat down on a chair beside me.
I laughed. "Naalala ko nga po, I even asked Kuya Seth to be my partner at sasayaw kami ng slow dance." Sabi ko.
"Don't worry Mommy, I'm fine with everything. Sobra na nga tong pinahanda mo para saamin ni Seth. I just want a simple celebration and yet nag handa pa kayo ng ganito." Dugtong ko pa.
Mommy reached for my hand. She squeezed them gently.
"Don't grow up too fast. Pakiramdam ko ay hindi ko kayo mahabol ni Seth sa sobrang bilis ng paglaki niyo. Take things in moderation." I nodded.
BINABASA MO ANG
CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]
RomantizmThe Elites' Series #2: Crystalline Skies [COMPLETED] A woman's dignity was described according on how she prioritize her femininity and self respect. But Skye Daphne Castillo broke the rules as she expresses herself in the way she wanted. For her, p...