CHAPTER SIX

34 2 0
                                    


SIX
Crystalline Skies


Maingay kaming nag kukwentuhan at nagkukulitan sa loob ng classroom ng pumasok si Sir Lecs at may dala dalang brochure, nagsibalikan naman kami sa upuan.

"Sir Lecs ano po yan??" Usisa naman ni Aaliyah. Itinaas ni Sir Lecs ang brochure ng isang recreational activity. Masaya kaming nagtinginan at nagsigawan.

"Makinig muna, this activity is a graded trip. It is compulsory to attend at dagdag yon sa points niyo sa kahat ng subjects niyo." He announced.

"Yon! Di na ako babagsak sa Physics! Eric at Glen! Sama sama tayo sa kwarto ahh!" Saad ni Levi at nagapiran pa ang tatlo.

"Hoy, damay niyo ko dyan!" Singit naman ni Noah.

"Sure bro! Lam niyo na!" Sagot ni Eric at saka naman nag mwestra na parang umiinom gamit ang kamay.

"Yoooon! G!" Saad nilang apat.

"Kung inaakala niyo makakapili kayo ng kwarto ay hindi, halo halo kayo kasama na ang ibang section, para din yon sainyo. Get to know other people rather than your friends."

Nagreklamo naman ang buong klase.

"I'll explain you the details, ang lugar na to ay recreational house. You'll be staying here in three days and two nights kaya naman sulitin niyo itong pahingang ito dahil pagbalik niyo ay...midterms na.  Galingan, Class president bigyan mo ako ng listahan ng buong klase."

Iba't ibang reaction ang inani ni Sir Lecs mula sa inanunsyo niya.

"Okay that would be all." Saad ni Sir Lecs at lumabas na.

"Sana mag kakasama tayo!" Excited na saad ni Aaliyah, humarap saamin si Lily.

"Oo nga eh, kaya lang assigned rooms kasi eh. Sa bus nalang tayo tabi tabi." Ani Lily.

Nilapitan kami ni Levi at umupo sa ibabaw ng mesa ko.

"Sana may chiks akong makasama." Sabat niya naman at inismiran lang namin si Levi.

"Eh, tingin mo ba may papatalo sayo? Amats ka!" Pang aasar ni Lily.

"Ano?! Sinong amats ha?" Kinaltukan ni Levi si Lily at nag asaran naman sila doon. Naghabulan pa nga yung dalawa ng sabunutan na ni Lily si Levi.

"Hoy Amerikana! Masakit! Ah! Ah!" Reklamo ni Levi habang hila hila siya sa buhok ni Lily habang nasa pintuan.

Levi calls Lily Amerikana dahil nga half American Half Filipina ito. Lumaki lang talaga siya rito sa Pilipinas kay marunong siyang managalog

Lumapit saakin si Noah at humila ng isang upuan at itinabi saakin. Naupo siya roon at tinignan ako habang nakangiti.

"Hmm? Kailan mo?" Saad ko.

"Ay, sungit naman neto!" Aniya.

"Let's seat together at the bus, wala namang seating arragement siguro don." Saad niya at tumango naman ako.

"Oohh, nagpaplano na ang love birds. Wag kayong magpapakita saakin ah, at baka mapaguntog ko kayo." Si Aaliyah.

"Sus, Eric! Nagmamaktol si Aaliyah!" Sigaw ko naman at napalingon si Eric saamin at tinakpan lang ni Aaliyah ang bibig ko. Kahit naman kasi sira ulo ang barkadahan ni Noah eh pare pareho namang may mga itusra pero syempre mas gwapo si Noah sakanila.

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon