Forty Four
Crystalline Skies"No! Please, why are you leaving?! Kuya Sean, wag mo akong iwan dito!" Sigaw ko sa gitna ng madilim na lugar.
My voice is echoing, sign that we are inside an abandoned area.
"You chose to be with that Santillan, you are stubborn as hell. Skye, sinabi ko naman sayo diba? Walang magandang maidudulot hangga't may namamagitan sainyo."
Tanging boses niya lang ang naririnig ko.
"Kuya I'm so sorry, just don't leave me here!" I cried begging.
"I promised dad to keep an eye on you, dahil habang wala siya ako ang tatayong haligi. You broke my trust Skye, alam mong mahal na mahal ka ni Kuya. Pero anong ginawa mo? Pinili mo nanaman ang Santillan na yon!"
"Therefore, stay here and you are no longer allowed to see that boy!"
The lasting I heard is a loud slam of door.
"Kuya Sean!"
Napaupo ako sa kama ko ng magising ako mula sa masamang panaginip. I checked my phone and it's only 2:00 AM. Binuksan ko ang lamp shade ko at sumandal sa head board ng kama ko.
I stared at the wall.
Malakas na kumakabog ang dibdib ko dahil sa takot at kaba na naramdaman ko dahil sa panaginip na yon. Galit na galit saakin ang Kuya ko. My tears suddenly fell, I've been with Noah for five days, since the 25th.
In few days, it'll be new year. Pero sa itinagal tagal namin rito, mas nangungulila ako...ironically, I'm longing for them even though this is my choice. And to my suprise no one find us, nakakapagtaka lamang.
Tumayo ako sa kama ko at bumaba ng loft saka lumabas ng kwarto ko. I went to Noah's room and went up to his own loft. I scooted on his bed at niyakap siya mula sa likod.
"Daphne?" Humarap ito saakin.
"Hmm...why is my baby crying?" Tanong niya saakin.
"Nightmare."
Mas isiniksik niya ako sa dibdib niya at niyakap ng mahigpit.
"It's just a nightmare...matulog ka na ulit." He's gently patting my back.
"Galit na galit si Kuya Sean sa panaginip ko." Bulong ko.
"Then?...what happened?" He asked in a sleepy voice.
"He locked me inside a dark room...galit siya kasi sumama ako sayo." Saad ko.
Hindi na siya sumagot pa at tuloy lang sa marahang paghaplos sa likuran ko. Unti unting gumaan ang loob ko at nakaramdam na muli ng antok, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
I stretched my arm on the side of the bed, napansin kong ako nalang ang nasa kama ni Noah at mukhang nagising na siya, maliwanag na rin sa may bintana niya at mukhang umaga na kaya naman bumangon na ako para sana maghanda ng agahan pero pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko si Noah na ang gumagawa.
Niyakap ko siya mula sa likod. "Good Morning!" Bati ko.
"Good Morning." Bati niya naman.
"Sana ginising mo ako, para natulungan kita." Pumwesto ako sa gilid niya.
"Don't bother, usapan nga natin diba? I'll cook you wash. See, malapit na mag isang linggo tayo rito, sakto pa ang pinamili natin. Paano kung puro ikaw?"
Ngumuso nalang ako dahil inaasar niya nanaman ako. Sa ilang araw ko dito natutunan ko naman mag saing, hindi man perfect but atleast it's edible na.
"Just make some milk or coffee for us." Sinunod ko naman ang sinabi niya. I prepared them on the dining area. Habang nagtitimpla ako ay nakita kong tumunog ang phone ni Noah.
BINABASA MO ANG
CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]
عاطفيةThe Elites' Series #2: Crystalline Skies [COMPLETED] A woman's dignity was described according on how she prioritize her femininity and self respect. But Skye Daphne Castillo broke the rules as she expresses herself in the way she wanted. For her, p...