THIRTEEN
Crystalline Skies
Ilang minuto na rin ng maihatid ako ni Noah sa tapat ng bahay namin. Pero hindi ako pumasok sa loob, tutal ay hindi ko pa nakikita ang isang kotse namin na gamit ni Mommy, at ang kotse ni Daddy. Wala rin messages o kung ano pa man kaya naglakad lakad muna ako para mabawasan ang iniisip ko.
Pilit kong tinanggal sa isipan ko ang nangyari ngayong araw. And I think walking around helps me a bit.
Tahimik naman sa village namin, wala ring gaanong sasakyan na dumaraan at puno ng streetlights kaya kahit gabi ay hindi ka matatakot na mag lakad lakad mag isa.
Iilang tricycle lang ang dumadaan dahil iyon lang naman ang nakakadaan dito bukod sa mga private vehicles ng mga pamilya rito.
Our village isn't for the rich people, iilan lang ang mga kilalang pangalan rito at kasama na ang pamilya ko doon.
Bukod sa hindi pa naman ito ganoon ka urbanized at may iilan pang mga lupain sa hindi kalayuan, ang karamihan doon ay kami ang may ari. At iba naman ay ang sa mga Santillan.
Some properties that we owned here are physical properties like apartments. At ang iba ay taniman at lupain ng bulaklak at mga namumungang puno at iba pang iba na hindi ko na rin alam.
Nasa pinaka dulo yon ng village namin, minsan ay nandoon ako kapag naiisipan kong magpalipas ng oras sa mga kubo na meron doon. Kilala na rin ako ng mga nagtatrabaho.
Ang tinatambayan kong tulay na dugtungan ang daan papunta sa lupa namin. Hindi iyon dinadaanan ng mga sasakyan dahil may sariling daanan ang mga iyon.
At ilang minuto nga ay nakarating ako sa wooden bridge, tumayo lang ako doon at saka naman sumandal patalikod sa harang nito at pinanood ang kawalan.
In this times that I'm spacing out my mind keeps on rewinding the things that happened earlier. And how the anxiety ate me earlier. Napasuklay ako sa buhok ko, naramdaman kong nag vibrate and phone ko.
Dinukot ko yon mula sa bulsa ko at nakita ko ang message ni Levi.
From: Levi
San ka? Tara tambay sa ihawan malapit samin.
Nagtipa ako ng sagot.
To: Levi
Sige, bast libre mo ahh. Punta ako dyan sainyo, nasa may tulay ako eh.
From: Levi
Eh? Gawa mo dyan?
To: Levi
Kwento ko pag punta ko dyan.
Ibinulsa ko na ang phone ko at saka naman ng lakad padiretso ng tulay, malapit dito ang bahay nila. Maya maya nga lang ay nakarating na ako sa bahay nila, nagaantay na agad siya sa tapat ng gate nila. Sinalubong ko siya ng pabirong head lock at ginulo ko ang buhok niya.
"Ahhh! Skye! Kakaayos ko lang eh!" Reklamo niya at binitawan ko na. Tumatawa lang ako at pinalo siya sa braso.
"Bihis na bihis ka, mag iihaw lang naman tayo!" Panunukso ko at saka naman siya napakamot sa noo.
BINABASA MO ANG
CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]
RomanceThe Elites' Series #2: Crystalline Skies [COMPLETED] A woman's dignity was described according on how she prioritize her femininity and self respect. But Skye Daphne Castillo broke the rules as she expresses herself in the way she wanted. For her, p...