CHAPTER TWENTY THREE

21 0 0
                                    


TWENTY -THREE
Crystalline Skies


Naging normal naman ang takbo ng buhay ko, papasok sa campus, uuwi, mag aaral. And the same cycle has been my routine since then para bumilis nga araw kapag itinutuon ko na ang atensyon ko sa mga bagay na mas mahalaga.

Ngayon ay nakahanap ako ng bagong pagkakaabalahan. Nagbabasa lang ako ng libro ngayong Sabado, wala rin naman ng masyadong gagawin dahil malapit na mag sembreak at tanging mga requirements before sembreak ang ibinibigay saamin.

Bumaba ako saglit para kumuha ng pagkain at ng maiinom para hindi ako mabagot sa kwarto. Nagulantang akong ibagsak ng tatay ko ang mga papeles na hawak niya habang kausap ang Hepe, and still that's the Father of Felicity.

"Nakalaya?! He bailed?! Tanginang pera yan! Puro nalang pera lahat nalang nadaan sa pera, ano pa't nag forge ako ng dokumento masiguro ko lang na mabubulok sa kukulungan ang Santillan na yon?!" Singhal ng ama ko at nanatiling tahimik ang kausap nito at nakasilop ang magkabilang kamay.

Nagkibit balikat nalang ako dahil wala na saakin ang pag uusap na yon labas na ako doon. Pagkabalik ko sa kwarto ko ay nakita ko ang chats ni Levi saakin.

From: Levi

Tara? I'll treat you somewhere nice :) pwede ka?

Saglit ko yon pinagisipan.

To: Levi

Okay lang sige. Tara :)

From: Levi

Yan! Goods yan! Susunduin kita sainyo. May dala akong sasakyan don't worry. Be ready I'll pick you by 2:00 PM

Napatingin ako sa relo ko at 1:30 na. Napabalikwas ako sa kama ko at dumiretso papasok ng banyo. Mabilisan lang ako naligo at nagpalin ng white jeans at ng long sleeve of shoulder top na peach at nagsuot ng choker.

Inilugay ko lang ang buhok ko dahil aabutin ako ng siyam siyam kung itatali ko pa sa haba nito. Inilagay ko ang phone ko sa mini back pack ko at dinala ang mga madalas kong dalhin. Maya maya nga lang ay may narinig akong bumusina.

Pagbaba ko ay nakita kong sinalubong ni Daddy si Levi.

"Levi, naparito ka ata." Nakangiting bati ni Daddy.

"Tito, ipagpapaalam ko sana si Skye. Mamasyal lang kami saglit." Tinignan ako ni Daddy at binaling muli ang tingin kay Levi.

"Sige papayagan ko kayo, basta't maihatid mo ng maayos ang anak ko."

Mabilis na pumayag ang ama ko. Tinapik niya pa sa balikat si Levi at muling bumalik papasok sa loob.

"Tara?" Nakangiting saad ni Levi at tumango lang ako. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse. Umikot siya pakabila para sumakay sa driver seat at nagmaneho.

I observed that he is just wearing a simple ripped jeans a black shirt at snap back habang may suot na shades. Amoy na amoy mo din ang panlalaki niyang pabango.

"So saan tayo?" I asked while applying some cheekc tint on my lips and cheek.

"Hmm, let's eat first hindi pa ako kumakain. Pinag occular ako ng Daddy ko sa kumpanya niya." He said.

"Occular?" Tanong ko.

"Immersion natin diba? He told me he is accepting Immersion learners on his company, if you want pwede ka saamin. You'd take Psych diba? I'll refer you to the office."

I smiled widely. "Talaga?! Tamang tama wala pa akong nahahanap. Bakit ba kasi tayo ang pinag hahanap ng school mo." Pagmamaktol ko.

"I don't know, that's what my mom wants. Swerte ko anak ako eh." Pagmamayabang niya.

CRYSTALLINE SKIES (The Elites' Series#2) [COMPLETED//Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon